"Courtney…"
"Tara na Athena, umuwi na tayo bago pa mag-amok ang kuya mo Troy." ani Courtney nang makaharap ako sa kanya.
"Well, what to expect? Basagulero ang lalaking 'yon."
"Pero mahal na mahal mo---"
"Di nga lang ako mahal…."
Nagkatinginan kami ni Courtney saka sabay na tumawa.
"Namiss kita luka ka," sabi pa niya. "Tara nga dito payakap,"
Bago ako makalapit sa kanya ay naagaw ng isang kasambahay n nagpapanic ang atensyon naming dalawa.
"Ma'am! Ma'am! Yung kasama ninyo po saka si Señorito Enrique nag-susuntukan sa labas!" humihingal nitong sabi.
"What?" we both asked in unison
"Let's go, baka kung ano pa ang gawin ni Troy kay Enrique," nag-aalalang sabi ni Courtney, tumango lang ako at sabay kami na lumabas mula sa kwarto at nagmamadaling bumababa ng hagdanan.
"Gago ka! Ang laki pa naman ng tiwala ko sayo tapos gagagohin mo lang akong tang**a ka!" narinig kong sigaw ni Troy.
"Bro, I'm sorry…"
"I'm sorry I'm sorry, I'm sorry mo mukha mo! Bro traydor ka!"
Nasaksihan ko kung paano bugbugin ni Troy ang hindi lumalaban na si Enrique.
"Tama na 'yan! H'wag mong saktan ang apo ko!" pag-awat ni Lolo Joe.
Napahinto ako nang makita kong napalupasay si Enrique, nakaramdam ako ng awa ata guilt. Alam kong kasalanan ko rin…
"Athena…"
"Hindi deserve ni Enrique ang sapak at suntok ni Troy, Court…" dali dali akong bumaba ng hagdan at tumakbo sa kinaroroonan ng dalawa.
Akma sana na susuntukin pa ulit ni Troy si Enrique pero humarang ako kaya hindi ito natuloy.
"Tama na!" sigaw ko nang makalapit ako sa kanila.
"Athena…" ang kaninang mala-halimaw na boses ni Troy ay biglang lumambot nang makita niya ako, ibinaba niya ang kamao na ipangsusuntok niya dapat kay Enrique.
"Tama na, dalawa kaming may kasalanan Troy,kaya dapat tanggapin ko rin ang mga suntok mo."
"Athena…" malamlam ang mga mata na tinitigan ako ni Troy.
"Suntukin mo ako… Kung iyan ang magpapagaang sa loob mo, Troy"
Umiling lamang siya saka ngumiti, lumapit siya sa akin para yakapin niya ako.
"Pinag-alala mo ako…"
"Uuwi rin naman kasi ako, OA ka lang talaga…"
"Alam mo naman na hindi ko kaya na nawawala ka sa tabi ko diba? Sa susunod magpapaalam ka…"
Habang yakap ako ni Troy, muling naging aktibo ang haraya ko, muling sumagi rito ang eksena namin kanina ni Enrique, habang parehong hubad sa kama…
Hindi ko ma-imagine ang magiging reaksyon ni Troy kung sakali na sabihin ko ang nangyari sa pagitan namin pero ayoko rin naman na ilihim ito sa kanya.
"Sa susunod magpapaalam ka… sobra akong nag-alala sa'yo," muling sabi ni Troy bago kumalas pagyayakapan namin.
"Pangalawang beses mo na ginawa ito Quen, isang isa na lang Enrique. Sa susunod na kuhanin mo ulit si Athena, hinding hindi na ko magdadalawang isip na pasabugin ang bungo mo," pagbabanta ni Troy.
BINABASA MO ANG
Loving Her Other Side(COMPLETED/UNEDITED)
RomanceAthena is a woman of pride and dignity who wants to take revenge to those people who hurt her father, but then everything change when she crosses paths with Ava Espinosa, her other side. Athena's turbulent and chaotic life becomes even more complica...
