"Agatha?" Napalingon ako sa tumawag sa akin.
"Allona ikaw pala" wika ko nang mapagsino ito.
Kasamahan ko ito dati sa trabaho.
Nandito ako sa grocery para mamili ng mga stocks sa bahay dahil ako lamang mag isa lang dun.
Si Mr. Zevilla mahigit isang buwan nang di nagpupunta sa bahay nang tinawagan ko sa office para sana ay kamustahin ito ay ang bago nyang secretary ang nakasagot.
Nalaman ko na nasa America pala kasama si Miss Sofia.
Di man lang nya nakuhang magpaalam sa akin kahit pabalat bunga.
"Uy buntis ka pala? Kaya ka ba nag resign sa trabaho mo kasi kasal ka na?
Sinong napangasawa mo? Ikaw ha masyado kang malihim" Sunod sunod na tanong nito.Di ko alam kung papano sasagutin ito.
"Allona kasi ano ah....nasa abroad ang asawa ko a - at biglaan kasi ang k - kasal ko eh kasi eto nga buntis na ako kaya b - bago sya umalis ng bansa ay umalis na din ako sa trabaho ko dahil ayaw ng a-asawa ko na magtrabaho pa ako sige ha dyan ka na ha nagmamadali kasi ako eh" nagmamadali na akong umalis.
Nahihirapan na kasi akong magtahi ng kwento.
Pagdating ko sa bahay ay agad ko nang inayos ang mga pinamili ko.
Dahan dahan inaayos ko na ang mga gagamitin at kakailangangin ko para di na ako mataranta pag nagsilang na ako.
Ako lang kasi mag isa dito.
Kaparis ng sabi ko kay Allona ay yun din ang sinabi ko na rason sa Doktora ko nang hanapin nito ang asawa ko.
Ni minsan kasi di man lang ako nasamahan ni Mr. Zevilla para magpa check up.
Wala man lang ito ni katiting na interes para sa magiging anak namin.
Kahit nga gender ng magiging baby namin di nya alam.
Siguro matutuwa yun pag nalaman na babae ang magiging anak namin kasi di nito madadala ang apelyido nya pag kinasal na ito.
Ano ba yan kung anu ano tuloy ang naiisip ko bawal pa naman sa akin ang ma stress.
Kaya nga pag malapit na akong manganak ay kila Doktora muna ako tutuloy para di na ako mangangamba kung sakali na humilab ang tiyan ko at pumunta sa hospital salamat kay doktora kasi mabait ito at nauunawaan na ako lang kasi mag isa sa bahay ko di nga ba't nag abroad pa kasi ang asawa ko.
Nasa ikaanim na buwan na ang ipinagbubuntis ko at kulang kulang tatlong buwan na lang ay makikita ko na ito.
//////////////////////////////////////////////
"Wait Vincent darling let me explain yun nakita mo wala yun" marahas na napalingon ako kay Sofia.
Hinawakan ako nito at niyakap patalikod.
"Wala! magkapatong kayong dalawa ng lalaki na yun at naghahalikan! anung tingin mo maniniwala ako sa yo! anu yun nag tumbang preso kayo o nag jack en poy lang" gigil na gigil na hinaklit ko palayo ang braso nito.
At lumabas na ako sa bahay namin.
Ahh! Ayoko na nakakasawa na lagi na lang akong nagbubulag bulagan sa mga ginagawa nito.
Parati na ay tinatakpan ko ang tenga ko pag nakakarinig ako ng di maganda ukol dito.
At tikom ang mga labi ko para pagsabihan man lang ito.
Masyado ko kasi itong mahal, alam nya ito kaya kinakaya kaya nga lang ako.
Napalingon ako ulit sa mansyon na pinatayo ko para sa kanya.