"Mommy Mandy pakibrush po ng hair ko po" malambing na wika ni Vanna sa akin sabay ngiti na nagpapacute.
Natatawang kinuha ko ang brush sa kanya at sinimulan nang suklayin ang mahabang buhok nito."O, ayan na tapos, anung gusto mo? Tirintasin natin ang buhok mo o i bun na lang natin?" Tanong ko dito.
Sandaling nag isip ito pagkaraan ay..."Mommy Mandy itirintas nyo na lang po" kiming sagot nito.
"Okay"
"Thank you po Mommy Mandy" natutuwang wika nito nang masipat na nito ang buhok nito.
"You're welcome"
Inaayos na namin ang higaan nilang tatlo..
Tama, tatlo sila nina Mavi at Avi dito sa kwarto kasi nakakatuwang itong tatlo na ito ay parang kapit tuko,
Kung nasaan ang isa nandun din ang dalawa,
At pati sa pagtulog ay ayaw maghiwalay na tatlo,
Nang biglang bumukas ang pinto at niluwa sina Mavi at Avi kasunod si Vincent.
Siguro kailangan ko nang magsalamin sa mata kasi habang tumatagal ay nagiging magkamukha na sina Mavi at Vincent pati nga sa kilos at salita parehong pareho idagdag mo pa ang paborito nilang pagkain,
parehong pareho which is
kare kare,
At ang siste pa ay ginagaya ni Mavi si Vincent,
Kung anu ang gusto ni Vincent,
Gusto din niya,
Kung anu ang ginagawa, ganun din siya,
Parang nakikita ni Mavi si Vincent as a father figure,
Lalo't nalaman nito na kay Vincent galing ang dugong sinalin sa kanya,"Mommy!!!"
"Momma!!!" Sabay na bigkas ng dalawa,
Pagkuwan ay yumakap sa akin,"Our twins have request to the two of us Amanda" wika ni Vincent nang makalapit ito sa kama at umupo sa tabi namin ni Vanna.
"Ano yun babies?" bumaling ako sa kambal na nakayakap parehas sa akin.
"Mommy tabi tabi tayong matulog ngayong gabi dito...please" sagot ni Avi.
Yumakap din si Vanna sa akin."Please...."
"Please...."kapwa nagpapacute na pakiusap nang dalawa.
Tumingin ako kay Vincent na nakangiti sa amin, pagkaraan ay....."Please...." ginaya na din nito ang gawi ng mga bata at yumakap na din sa akin pagkuwan,
anak ng pating! Pati ba naman sa pagpapacute parehong pareho sina Vincent at Mavi,
Napabuntung hininga ako at di ko malaman kung nakangiti ako o nakangiwi,
Kasi pakiramdam ko tabingi na mukha ko."Anu pa nga bang magagawa ko pati na si Daddy Vincent nyo nakigaya pa, hala mag pray na tayong lahat at nang makatulog at may pasok pa kayong apat" napapailing na sagot ko sa mga ito.
Napalakpak ang dalawang batang babae at nag highfive naman sina Vincent at Mavi.
Pagkaraan ay nagsimula na kaming magdasal na lima at pagkatapos ay inayos ko na ang tatlong bata,
Bale nasa gitna namin silang tatlo,
At kami ni Vincent ay nasa magkabilang dulo ng kama."Goodnight Daddy, Goodnight Mommy Mandy" wika ni Vanna at kapwa humalik sa pisngi naming dalawa.
"ako din po Momma, Daddy" ginaya din ni Mavi ang ginawa ni Vanna at humalik sa akin, pagkaraan ay nag fist bomb sina Mavi at Vincent.
"Goodnight Daddy, Mommy" ani naman ni Avi at humalik sa amin parehas kapares ng naunang ginawa ni Vanna.
Nagkatinginan kami ni Vincent at kapwa napangiti,
Tila iisa lang ang tumatakbo sa mga utak namin,
Na sana laging ganito kami,
Masaya, Magkakasama parati,
Vincent mouthed goodnight to me,
So I copy him and mouthed goodnight too to him and add love in my blushing way which he chuckled,--------------------------------
"Here pare, this one do you think Aiza gonna love it?" Bored na tinignan ko ang hinayupak na kaibigan ko.