It was already four in the morning pero ....
Ang mga mata ko ayaw pa rin ni pumikit man lang basta nakatitig lang ako sa nag iisang picture na solo si Agatha.It's been five days since ibalita ng mga pulis na nawalan daw ng preno ang sinasakyan ng asawa ko at ng driver namin at bumangga ito sa poste ng kuryente at ilang saglit pa ay nagliyab ito,
Bago yun ay may mga nabangga din sila na mga sasakyan at nagpaikot ikot pa sila gawa nun at yun na nga sumalpok na ito sa poste mabuti na lang daw at malayo daw ito sa mga building dun sa lugar na yun at walang masyadong naging nasaktan pa na iba.
Nagtagis ang mga bagang ko pagkaalala ko ng tinuran nila."Mabuti! Panung mabuti, ang asawa ko yun namatay dito! Do you think I will fucking care to other people!" Gigil na pinitsarahan ko yun pulis na nagbalita sa amin.
"Sir, I'm sorry po pero ang sasakyan ng asawa nyo po ang sanhi ng lahat ng ito,
Nawalan po ito ng preno ayon sa mga nakasaksi at nagpagewang gewang pa po dahil mukhang mabilis po ang patakbo ng driver nyo" mahinahon na sagot ng pulis sa akin.
Nanlalatang binitiwan ko ito.
Saka nanginginig na pinulot ang nabitawan na singsing.Pagkaraan ay niyakap na ako ng Mama ko at si Papa ay inaya ako na pumunta na kami sa hospital na pinagdalhan ng katawan ng asawa ko.
Sa morgue ng hospital ko muling nakita ito third degree burn ang tinamo na pinsala nito na kinamatay nya at ng baby sa tyan....
Yeah may baby na sana kami uli kung di nangyari itong trahedya na ito.
Naiiyak na tinignan ko ang bangkay nang asawa ko."Ayon hijo kay Soledad nagpaalam saglit lang si Agatha sa kanya para magpatingin sa doktor dahil umaga pa lang masama na ang pakiramdam nito,
Pero masaya naman ang aura nito yun ang napansin nya.....yun p -pala she already knew in her self that she was pregnant again and she wants to confirm it so thats why nagpasama sya sa driver natin, I'm sorry Son kung di siguro kami umalis o kaya nagpadrive kami ng Papa mo baka di umalis ang asawa mo para magpatingin sa doktor sana...sana ...."
Bumunghalit na nang iyak si Mama.
Napapikit ako ng mariin at pigil ang luha na niyakap ito.
After that ay sina Papa na ang nag ayos ng funeral ni Agatha dahil di pa rin ako makapaniwala sa nangyari.
Sa durasyon ng lamay ay konti lang ang dumalo na kaibigan nito, nagulat pa nga sila kasi di nila inaasahan kahit ang mga ka opisina dati nito na ako ang asawa ni Agatha akala lang nila ay makikiramay lang sila sa akin yun pala dati rin nilang ka trabaho at kaibigan pa nila ang dadatnan nila dito.
Alam ko na ulila na ito pero pati pala kaibigan ay mabibilang lang sa daliri ko.Kung alam ko lang na yun na ang huli naming pagkikita disin sana'y niyakap ko sana ito nang mahigpit at inubos lahat ng hinanda nitong almusal that morning kasi dahil gusto ko na makatapos agad sa trabaho para makatingin ng ireregalo ko kay Agatha ay nagkape na lang ako at agad ay umalis.
Sana pala di na lang ako umalis,
Sana pala nanatili na lang,
Sana kung di ako umalis baka kaming dalawa ang magkasamang pumunta sa Obgyne nya.
Sana pala, Sana pala, ang daming sana pala ginawa ko na kasi kung ginawa ko yun mga iyon baka....baka....Napasinghap pa ako nang mapansin ko na natuluan ko pala ng luha ko ang larawan ni Agatha kaya mabilis na pinahid ko ang basang bahagi para di na kumalat pa.
Pagkaraan ay dinala ko ang larawan sa dibdib ko pagkaraan nahiga ako sa kama at dinantay ko sa mga mata ko ang kaliwang braso ko."Agatha ni wala mang lang tayong Wedding Pictures na dalawa alam mo ba yun?
Ito lang ang meron ako na larawan mo
mahiyain ka kasi ni wala pa tayong litrato na dalawa lang tayo,
Pirmeng kasama natin si Vanna pag magpapakuha tayo o kaya kami lang ni Vanna ang kukunan mo" natawa ako pagkaraan ay muli kinausap ang larawan nito.
"Alam ko na wala lang sa yo yun kasi mahalaga lang magkasama tayo nina Vanna na tatlo, pero....di mo man lang ako hinintay na magpropose sa yo kasi biglaang lang ang lahat nang nangyari sa pagitan natin na dalawa,
Sana man lang hinintay mo ako na sabihin sa yo na Mahal na Mahal na kita Agatha......kayo ni Vanna na ngayon ang pinakamahalaga sa akin,
Sana man lang hinayaan mo ako na mahalin ka at alagaan nang mas matagal pa....
Sana man lang hinayaan mo ako na sa pangalawang pagkakataon ay maalagaan ka at ang baby natin dahil di ko ito nagawa nun pinagbubuntis mo pa si Vanna kasi tanga pa ako nun at siraulo......
Ang daya mo Agatha....alam mo ba yun? Hinayaan mo ako na mahulog sa iyo nang lubusan tapos iiwan mo lang pala ako? Kami ng Anak mo? "
Namamalibis na pala ang luha sa mga mata ko.
Ang sakit sakit!!
Pakiramdam ko di ako makahinga sa sobrang bigat ng pakiramdam ko,
Na tila pinipilit sa sakit ang puso ko,
At di ko matanggap na lahat ng nangyayari na ito ay totoo lahat.
Na wala na akong makikitang nakangiting mukha ni Agatha paggising ko sa umaga,
Na lagi na ay inaalagaan kami ni Vanna,
Pinagluluto palagi,
Na sa bawat umaga na aalis ako ay hinahatid ako palagi sa sasakyan,
Na sa bawat hapon o kaya gabi ay madadatnan ko sila na naghihintay sa pagdating ko.
Pero ngayon di ko alam kung papaano magsisimula na wala na ito sa piling namin ni Vanna."Vincent nakakatulog ka pa ba sa gabi nangangalumata ka na oh" puna ni Mama pagkaupong pagkaupo ko pa lang sa hapag kainan,
Di ako kumibo pakiwari ko kasi tuyong tuyo ang lalamunan ko at garalgal ang boses na lalabas pag nagsalita ako."Vincent alam ko na masakit sa iyo ang nangyari kay Agatha pero, anak alalahanin mo nandyan pa si Vanna ngayon na wala na si A-agatha dapat...dapat alagaan mo ang sarili mo para man lang sana sa anak mo" naluluhang niyakap ako nito.
Alam ko yun, pero ang sakit sakit talaga sa dibdib,
Alam ko rin na nasasaktan ang mga magulang ko pagkat napamahal na rin si Agatha sa kanila at masakit na nawala ito nang ganun kadali,
Bigla pumasok ito sa buhay namin at minahal kami at pinaramdam sa amin ang buhay na kasama sya tapos bigla din itong nawala sa amin."Ma, I know it, but....it's hurts, why did it happen to me and Vanna, the pain intensified as days goes by,I want to scream, I want to punished myself for not notice the changes that happening to my wife to think everyday I tease her about making our next baby, I want to hurt myself Mama for not saying to her how much she mean to me" mapait na sagot ko dito.
"Vincent...."
"I have so many regrets that I wish na dapat ginawa ko ito, ginawa ko yan"
Muli naramdaman ko na naman ang pag init ng mata ko."Nasan man sya ngayon alam ko na binabantayan nya kayong dalawa ni Vanna, dahil mahal na mahal kayo ni Agatha" ngumiti ako ng pilit dito.
Ilang sandali pa ay nakita ko na palapit na sa amin si Manang na karga ang umiiyak na anak ko.
Tila pati ito ay nagluluksa at nalulungkot na wala na si Agatha at di na babalik kailaman."Iyak ng Iyak Mam, eh di naman dati iyakin ang apo nyo" kinuha na ito ni Mama kay Manang.
"Sige na Soledad ako nang bahala kay Vanna" nagpaalam na ito kay Mama at pumasok nasa kusina.
"Baby nandito na ang lola, anung gusto ng baby ko?" Napatingin ako kay Vanna na umiiyak pa rin.
"Mama, akina si Vanna"
"Sure ka?" Tumango ako at inabot na nito sa akin ang anak ko.
Napangiti ako nang mapait nang makita ko na namumula na ang ilong nya tanda na umiyak talaga ito nang sobra.
Dinala ko ito sa dibdib ko at lumabas kami para maarawan ito."Anak tayo na lang dalawa ngayon ang magkasama kasi si Mommy at si baby brother mo nauna sa heaven" tinignan ko ito at tila nakikipag usap na nilagay nya ang isang daliri nya sa bibig at sumibi.
"Mamama!!" Yeah that's the second word na natutunan nya dahil ang nauna ay nanana naalala ko pa na ang tagal bago nito nabigkas ang papa dahil nauna pa ang lala keysa sa una.
"That's rights darling your Mommy will always watching us" hinalikan ko ito sa noo at pigil ang luhang tumingala ako.
Damn it! It's so fucking hurt,
The pain I know will stay longer than I imagine, and I want it to remain in my inside,
The agony, the frustration, the regret,
I don't want it to forget,
Here in my heart please always stay with me so I continue remember you,
Missing you, Loving you my Wife,