Bukas na ang araw nang alis namin ni Vincent pa America para sa Plastic Surgery ko at di ko maiwasan na kabahan
kasi hanggang ngayon ay di ko pa nasasabi kay Vincent ang totoo.Wala akong lakas ng loob idagdag pa ang takot at pamimighati sa puso ko.
Sa tuwina'y pag tinititigan ako nang mga mata nya tila nalulusaw ako.
Pag pinaparamdam nya sa akin na mahal na mahal nya ako sa pag aakalang ako pa din ang Amanda na tinatangi nya napupuno ako ng selos sa dibdib ko,
Pag sinasabi nya na mahal nya ako kami ng mga anak namin pakiramdam ko namamatay ang puso ko sa bawat kataga nang pagmamahal na lumalabas sa labi nya.At pagsapit ng hating gabi pag nakatulog na silang lahat doon malaya kong tinatangis ang sakit na araw araw tila pumapatay sa puso ko,
Sa guilt na bumabalot sa dibdib ko dahil wala akong lakas ng loob na sabihin ang totoo kay Vincent.
Sa takot na araw araw ay palago nang palago sa sistema ko.Pagdating ng Umaga tuwina ay napapansin ni Vincent ang pamumugto ng mga Mata ko at nginangatngat ang puso ko sa inggit sa di ko naaalalang ako pag nakikita at nararamdaman ko ang pag aalala mula dito.
Nauumid ang dila ko at namamanhid ang pakiramdam ko pag naiisip ko baka di ko na ito maramdaman at madinig na mahal nya ako pag sinabi ko ang totoo...
At napagtanto ko na....
Napakamakasarili ko palang tao...
Na ayokong mawala ang meron ako ngayon kahit alam ko sa sarili ko na may karapatan si Vincent na malaman ang totoo at magdesisyon para sa patutunguhan ng relasyon namin na nasa totoo lang ay natatakot akong baka tapusin nya at bumalik kami sa dati bilang ako,
Na legal na Asawa nya at Ina ng mga anak nya.Ayoko nang bumalik sa dati na umaasang dadating ang araw na mamahalin din nya ako lalo't naramdaman ko na ang mahalin at alagaan nya....
Ayoko nang mag alala pag di sya agad nakakauwi at naiisip na baka nagkasundo at nagkabalikan na sila ni Sofia,
Lalo't noon ay minsan ay di sinasadya ay nagkasalubong kami nang minsan ay pumunta ako sa isang boutique para ibili ng regalo si Vincent at pinamukha ni Sofia sa akin na inagaw ko ang ama ng anak nya sa kanila sa harap ng maraming tao,
Na masama akong babae,
Naalala ko pa na naiiyak na lang ako at di magawang depensahan ang sarili ko sa mga akusasyon nila lalo pa at alam ng mga tao na sila pa ni Vincent,
Di ko nakayang ipagtanggol ang sarili ko kasi alam ko na totoo lahat ng pinaparatang niya sa akin,
Kaya simula noon ay natatakot na akong lumabas ng bahay,
Ayoko nang maranasan na muli ay mapahiya,
Ang usigin, kutyain at pagtsismisan sa di ko sinadyang pagkakamali,
Pag natatakot ako at nag aalala pag tila nararamdaman ko ang minsan ay malamig na pakikitungo nya sa akin,
Ayoko nang bumalik sa dating ako,
Ayoko nang maranasan uli ang mga iyon kaya...
Tama Makasarili ako....---------------------------------------
"Momma ibili mo ako po ng maraming toblerone ha" bilin ni Mavi kay Amanda na tinanguan ng huli...
"Ako din Mommy pero hershey ang sa akin po ha" singit naman ni Avi.
"Ako Mommy si Daddy na lang ang bibili" ani Vanna na tinawanan ko na lang at isa isa ko na silang niyakap at hinalikan sa buhok nila.
Nandito kami ngayon sa airport at maya maya lang ay Aalis na kami papuntang Amerika pero ngayon pa lang ay namimiss ko na ang mga ito.Isa isa na din na niyakap at hinalikan ang mga ito sa noo ni Amanda.
Pagkaraan ay yumakap naman ito sa mga magulang ko at nagpaalam.
Si Calix naman ay iniwanan muna nina Mama kay Manang kaya di namin ito kasama.
Lumapit na din ako sa mga magulang ko at nagpaalam,
Niyakap ko ang Mama ko at Papa ko at nagpasalamat dahil sila na muna daw ang bahala sa mga apo nila habang wala kami at nagpapagaling si Amanda.
Napakasuwerte ko talaga at lagi silang nandiyan para sa amin.---------------------------
"Stanley!"
"Vincent!" Agad na nagtapikan ang dalawang lalake pagkakita nilang dalawa.