"Tita Mandy are you okay na po ba?" Napangiti ako nang matamis kay Vanna at marahan na binaba ang librong binabasa ko.
"Oo naman anak, bakit?" Nagningning ang mga mata ni Vanna at sumampa na sa kamang kinauupuan ko.
Pagkaraan ay niyakap ako sa beywang sa pagkabigla ko."I was relieve Tita, akala namin napano na kayo kasi nahimatay ka po kaya nag worry kaming lahat sa iyo" masuyo kong hinaplos ang buhok nito at pagkaraan ay hinagkan ko ito.
"Okay na ako wag ka nang mag alala pa Vanna"
"Talaga po?" Nakangiting tumango ako dito.
"Okay po.....ah! Tita sige po punta na muna ako kina Mavi at Avi" agad na nagpaalam na ito pagkaraan ay bumaba sa kama at bago lumabas ng pinto ay kumaway pa ito sa akin.Natutuwang kinawayan ko din ito at nang makalabas na ito ay muling dinampot ko ang libro na binabasa ko kanina bago pumasok si Vanna.
"How are you Amanda?" Napalingon ako agad sa pinagmulan ng boses na yun at bigla rumagasa sa dibdib ko ang di mapigilan pagkabog ng puso ko dulot ng presensiya ng lalaking nasa harapan ko.
"Umm....okay naman"
Agad na lumapit ito sa kama ko at umupo ito sa gilid ko pagkaraan ay dumukwang ito at kinintalan ako ng halik sa aking noo.
"I'm glad to hear that you're okay" pagkaraan ay pumunta ang kanang kamay nito sa tiyan ko. " and the baby also"
Hinawakan nito ang baba ko at nilapit nya ang mukha nya pagkaraan ay ginawaran nya ako ng marubdob na halik na lumalim nang lumalim.
Nang maghiwalay ang mga labi namin nakaramdam ako ng lihim na protesta.
Pakiramdam ko kasi kahit buong araw na maghalikan kami ay di ako magsasawa,
Na para bang basta yakap nya ako at ramdam ko ang init ng katawan nya ay okay na ang pakiramdam ko.Nang mawalan ako nang malay agad na nataranta silang lahat at mabilis na sinugod ako sa ospital.
At dun nalaman nila na kulang isang buwan na akong nagdadalantao sa anak namin ni Mr. Zevilla.Nang malaman ko ang magandang balita na ito ay di matatawaran ang sayang nadama ko,
Katulad na katulad nang nadama ko nang malaman ko na buntis ako kina Mavi at Avi.Sina Mama at Papa nga halos ayaw na akong pagalawin man lang,
Tapos ang mga magulang ni Mr. Zevilla ay tuwang tuwang pagkat may bagong miyembro ng pamilya na paparating bale daw apat na agad ang mga apo nila.Masayang masaya ako pagkat ramdam ko na walang halong kaplastikan ang Mama ni Mr. Zevilla ramdam ko na geniune ang kabaitan nito at kababaan ng loob na pinapakita nito pati na rin ang Papa nito sa kabila nang mataas na antas nang kalagayan nila sa buhay.
Tanggap nila ang mga anak ko at close na agad sina Avi at Mavi sa mga ito."Amanda" tawag nito sa akin. "Thank you for this wonderful gift, you don't know how happy I am when the doctor said that you're on the way,I almost fainted you know" namula ako sa sinabi nito at masayang masaya ako na masaya sya sa pagbubuntis ko sa anak namin.
"The first time my late wife told me that she was pregnant I was mad and I want to wring her neck and tell me that it was all lies that it was not true and I regret it till now, the second time was, when she was on accident, she and the baby w---was..." di na naituloy nito ang sasabihin kasi niyakap nya na ako nang mahigpit."I promise to you Amanda, Ang bagay na di ko nagawa kay Agatha, na alagaan at bantayan ito pati na ang baby at kay Vanna, I will do it to you and to our baby" naluluhang tumango ako kahit di nya nakikita.
Masaya ako, talagang masaya pero....
Alam ko na mahal nya pa rin ang asawa na namayapa na.
At ayaw ko man aminin pero nagseselos ako,
Sana may ilaan pa syang espasyo para sa akin sa puso nya,
Mukhang kinuha na lahat ni Mrs. Zevilla eh,
O, kaya sana nakilala ko siya nang mas maaga pa kaysa kay Mrs. Zevilla.
Para ako na lang kung sakali ang magustuhan nya,
Pero kung nangyari man yun malamang walang Mavi at Avi na nagpapasaya sa buhay ko.
Kaya siguro okay na rin na ganito ang nangyari.
Mahal ko sya at magkakaanak na kami at magpapakasal na kami.
Bubuuin na namin ang pamilya namin dun pa lang nagpapasalamat na ako sa diyos.
At isa pa Buhay ako at nandito sa piling nya para sya mahalin at alagaan habang
buhay......