Chapter 5

24.5K 628 19
                                    

Napalingon sila Papa sa akin nang maramdaman nila ang presensiya ko.

Ang totoo kanina pa ako nasa labas at iniisip at nililimi ko ang  sinabi ni Mama na nabuntis ko si Sofia at kinakalkula ko kung kelan ba ang huling nangyari sa aming dalawa.

Siguro siraulo na talaga ako kasi nun ang palaging inuungot ko kay Sofia ay magbuntis na sana sya para may dahilan kami na magpakasal pero sa tuwina ay laging tumatanggi ito dahil ayaw nya na masira ang figure nya tapos ngayon parang ang hirap tanggapin sa kalooban ko na eto na nangyari na rin sa wakas ang matagal ko nang pinapangarap.

Yun tungkol naman sa kasal namin ako lang ang nag insist nun,nun nalaman nga ito ni Sofia halos halikan ko na ang semento kakaamo dito dahil nagalit ito sa akin dahil pinangunahan ko sya.

Ako na ang nagpakumbaba at nagpaubaya kay Sofia.Na sya na ang bahala  kung kelan nya gustong magpakasal kami na naatras nang naatras hanggang nabuntis ko na si Mrs. Zevilla at di nako nangulit pa dito kasi nga pinakasalan ko nga ang huli.

Pagkakita sa akin ni Sofia ay agad itong napatayo at nakangiting sinalubong ako.

"Vincent kanina ka pa namin hinihintay" hinalikan ako nito sa labi ko.

Napatitig ako dito.

Pinagmasdan ko sya kasi di ko alam ang naglalaro sa damdamin ko ngayon.

Oo napakaganda nya,

Oo napakasexy nya,

Oo halos mabaliw baliw ako pag di ko sya nakikita, nayayakap, nahahagkan, nakakausap, dati

Oo dati, kasi ngayon tila manhid na ang damdamin ko sa kanya.

Tila isa na lang syang kaibigan, kakilala,

na kailangan kong pakiharapan.

Tila nawala ang dati kong nararamdam dito na malakas na kabog ng puso, na di mapakali gusto bawat saglit, bawat sandali kayakap sya.

Mga bagay na nararamdam ko ngayon kay... ......

Di ko sya dapat munang isipin ngayon, ang mahalaga ay maayos ko ito, mas mabilis mas maganda para mafocus ko na ang atensiyon ko sa pamilya ko.

Marahan na pinalis ko ang mga braso ni Sofia na tila baging na nakakuyapit sa katawan ko at lumayo nang konti dito.

Nakita ko na nagdilim ang mukha nya at umirap ng palihim sa akin.

Kung noon siguro ito nangyari nun di pa ko nagigising sa kahibangan ko baka mataranta pa ako paghingi ng tawad....

Pero ngayon wala talaga akong makapa kundi galit kay Sofia.

Lumapit ako sa ama nito at sa mga magulang ko at binati ang mga ito pagkaraan ay hinalikan ko sa pisngi ang Mama ko.

"Sorry po natraffic po kasi ako" umupo na ako sa malapit kina Papa at Mama.

"It's okay hijo nafinalise na namin lahat naman ng dapat ayusin sa kasal niyo nang unica hija ko" nakangiting baling ng Ama ni Sofia dito.

"About the baby Tito" napatingin ako kay Sofia. "Ilang months na po ang baby?"

Nakita ko na namutla si Sofia.

"Oh di pa ba nasasabi sayo ni Sofia ang magandang balita Sofia was one month pregnant right darling?" Napangisi ako sa narinig ko.

Tila lalong namutla ang maputing mukha ni Sofia.

"Oh one month na pala... ... then  di ba dapat ang kakilala mo na nakita ko one month ago ang kinakausap nyo Sofia?" Nakita ko na kumunot ang noo ni Mr. Quizon sa sinabi ko.

Mistress to my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon