Chapter 18

17.8K 377 2
                                    

"Tita  Mandy pakarga po" napatingin ako kay Vanna na nakaumang papataas ang mga kamay sa akin.
Napangiti naman ako at agad na kinarga ko ito.
Pababa na kami sa sasakyan ni Mr. Zevilla at naglambing nga ang napakacute na anak nito.

"Vanna baka mabali naman ang buto ni Tita Mandy mo tignan mo ang payat payat" sawata dito ni Mr. Zevilla.
Bumaba na din pala ito nang sasakyan at kasunod na namin.

Nag aalalang napatingin sa akin si Vanna. "Tita are you okay po ba?"

Nakangiting tumango ako sa bata.
"Okay na Okay naman baby don't worry sanay na sanay ang Tita Mandy kasi kambal ang nagpapakarga lagi sa akin" sagot ko dito.
Palihim na tinapunan ko nang  si Mr. Zevilla at nakita ko ang ngiting mabilis pa sa kidlat na nawala gumuhit sa mga mapupulang labi nito.

Kanina pagdating ko sa Office ay nandoon na ang mag ama at naglalaro kaya yung gusto kong malaman kay Mr. Zevilla ay di ko na naisatinig pa.
"Mamaya na lang pag kami na lang dalawa" sa isip isip ko kasi akala ko agad na aalis din si Vanna pero it turns out na wala palang pasok ito kaya sinama na lang ni Mr. Zevilla dito sa office para maglibang.

"Here we go" tila kabalyerong yumuko pa si Mr. Zevilla nang buksan nya ang pinto ng bahay nila.
Agad na humagikhik si Vanna dito at namula naman ako sa ikinilos nito.

"Tita Mandy sasama ka di ba sa party?" Eh? Anung party?
Naguguluhan na napatingin ako kay Mr. Zevilla at alam ko na lumarawan sa mukha ko ang pagtataka.

"Vanna will be lonely kasi kung wala syang kasama kaya I promise to her na isasama ka namin" sagot ni Mr. Zevilla sa akin.

"Eh Sir kasi po nag promise ako sa mga anak ko na maagang uuwi" naku naman! Magtatampo na naman ang twins ko pag nagpagabi na naman ako nang uwi.

"Don't worry ihahatid ka namin ni Vanna before mag eight" sagot nito.
Kokontra pa sana ako kaya lang hinawakan ng mga maliliit na daliri ni Vanna ang kamay ko at nakasibing tumingala sa akin.

"Tita Mandy please sama na po kayo sa amin kahit sandali lang po promise po ihahatid namin kayo ni Daddy please" makakatanggi pa ba ako kung napakacute naman ng baby na nakikiusap sa akin kaya napatango na lang ako dito.

"Yes!" Napatili si Vanna at agad na napatalon sa tuwa pagkatapos ay nagtatakbong lumapit sa babaeng nakatayo.

"Yaya magbibihis na ako halika na" agad na hinatak na nito ang babae paakyat sa taas.
Nang mawala si Vanna ay agad na tumahimik ang sala dahil kaming dalawa na lang ni Mr. Zevilla ang naiwan.
Tapos tila nalunon ko na naman ang dila ko kasi di ko na naman matagpuan ang boses ko.
At kinakabahan pa ako sa klase ng tingin na pinupukol ni Mr. Zevilla sa akin.
Alanganin ngumiti ako dito.

"Uhm.... Sir kayo di magpapalit?"
Di ito kumibo bagkus inilang hakbang lang nito ang pagitan namin at sa pagkagulat ko ay hinapit nya ako sa beywang at siniil nang halik.
Ilang segundo na tila ako nakalutang at walang pumapasok sa utak ko pero di ito tumigil at lalo pang diniin ang paghalik sa akin at  hindi din ako nakatiis at tinugon ito.
Lalong lumalim ang halikan namin pero maya maya pa kumalas na si Mr. Zevilla sa akin.

"Your kiss is so sweet I think I'm gonna be addicted to it" humihingal na bulong nito sa akin.
Namula yata pati talampakan ko sa nadinig kong binulong nya.
Naiilang na kumalas ako dito at lumayo pagkaraan ay umakyat na ako sa may hagdan.

"Sir..... pupuntahan ko muna si Vanna" agad na lumayo ako dito  di ko hinayaan pa na mag react pa ito at pigilan pa ako kaya agad na pumunta na ako sa kwartong nakita ko na pinasukan ni Vanna at nang Yaya nya.

"Shit naman eh! Pinakikilig naman ako ni Mr. Zevilla. Please My heart hold on, kaya natin ito!
Wag kang padala sa sweet talk nun hudyo na yun!"
"Isipin natin ang twin babies ko.
Sila lang ang mahalaga sa akin.... "sigaw ng isip ko.
"Pero ang cute nang anak ni Mr. Zevilla na si Vanna eh!  "
Tanggi naman nang puso ko.
"Pag nagpacute na sya sa akin di ko na magawang tanggihan pa ang mga hiling nya sa akin!"
"Kapares ng pakiramdam ko pag yun kambal ko na ang humiling sa akin....
hay panu ba ito?"

Mistress to my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon