Chapter 3

26K 602 6
                                    

Di ko alam kung matutuwa ako o maiinis kasi si Mr. Zevilla kasi mula pa last week na dumating sya nang walang pasabi ay di na umalis  sa tabi ni Vanna.

Vannessa Andrea Zevilla ang pinangalan ko sa anak ko at Vanna naman ang pinalayaw ko dito.

Masaya ako na di ito umaalis sa tabi ni Vanna pero di naman ako makahawak sa anak ko kasi pirmi nyang karga ito.

Bibitiwan lang nya to pag kakain o pupuntang CR si Mr. Zevilla...... nakakainis talaga sya kulang Anim na buwan syang di nagparamdam tapos susulpot na lang sya dito basta basta.

At nasa tabi lagi ito ni Vanna.

"Mr. Zevilla matutulog na po si Vanna kaya po sana akin....." di ko naituloy ang sasabihin ko nang tumingin ito sa akin.

"Kung inaantok ka na Mrs. Zevilla don't worry ako nang bahala kay Vanna" pagtataboy nito sa akin.

"Mr. Zevilla di naman po sa ganun yun kaya lang po kwarto namin ito ni Vanna baka maaari na po kayong lumabas" wika ko dito.

Kita ko na nagulat ito at takang napatitig sa akin.

One week na akong sa sofa natutulog ha at namimiss ko nang makatabi ang anak ko.

"Mrs. Zevilla this is my house you dare to thrown me out of this room?" mahinang sabi nito.

Kinakabahan akong tumitig sa mga itim na itim na mata nya.

"No Sir, but this is my baby and I room yeah this is your house but remember that I'm your wife so basically what's yours are also mine so Mr. Zevilla  will you please get out because we are gonna go to bed" wika ko dito.

Pumunta ako sa pintuan at binuksan ito.

Pagkaraan ay tinuro ng kamay ko ang pinto.

Di makapaniwalang napatitig ito sa akin pagkaraan ay nagdadabog na lumabas na ito ng kwarto.

May ngiti sa mga labi ko na sinara ang pinto pagkaraan ay nahiga na ako sa tabi ni Vanna.

"Finally my baby we can sleep together hmm" natatawang wika ko dito,

Tila naintindihan naman nito at ngumiti sa akin.

Inayos ko na ito at sinimulang patulugin madali  naman itong nakatulog.

///////////////////////////

"Shit! That woman!" Naiinis na lumagok ako nang alak sa wineglass ko.

Bottoms up!

Nakakainis! How dare that woman tell to my face that what's mine are hers too!

Nabigla talaga ako sa binigkas nito dahil ni minsan ay di nito nagawang sagutin ako  maski dati pa na nagtatrabaho pa ito as my secretary pirmi na ay nakaoo lang ito at puro yes sir, lang ang sinasagot nito.

Kaya kanina nabigla talaga ako sa sinabi nya sa akin.

Dumako ang mga mata ko sa pinto ng kwarto nila ni Vanna, My daughter.

Ang balak ko hanggang nito lang last week ay pag naisilang na ni Mrs. Zevilla ang anak ko ay kakausapin ko ito para masimulan na naming maisaayos ang pagpapawalang bisa sa kasal namin.

Pero nang makita ko si Vanna tila di na ako makalayo pa dito.

Pakiramdam ko nang sabihin nito na ang pinangalan nito sa bata ay Vannessa Andrea ay agad kong naisip na sinunod nya ito sa pangalan ko na Vincent Andrew  ay tila natuwa ako lalo pa ngat malaki ang pagkakahawig namin ng anak ko.

Feeling ko na attach na ako sa anak ko ganito pala ang pakiramdam na makita at makasama ang anak mo tila ayaw mo nang mawalay pa dito.

At tila ganun din si Mrs. Zevilla dito lagi na ay inaalalayan ako nito at tinuturuan kung papano hawakan si Vanna, kung papano pakainin ito, paliguan, bihisan.

Masyadong hands on ito kay Vanna halos di madapuan ng lamok at di man lang pinagpapawisan ang anak namin.
Anak namin?

Namula ako sa naisip ko, ewan pero ang lakas ng kabog talaga nitong puso ko pag nakikita ko na magkasama ang mag ina ko. Mag ina ko talaga? Buska ng isipan ko.

Pinilig pilig ko ang ulo ko baka lasing na ako kaya kung anu ano ang naiisip ko.
Tama! Tama!

Nahihilong umakyat na ako sa taas at binuksan ang doorknob at dagling nahiga sa tabi ng mag ina ko.

/////////////////////

May tatlumpung minuto na akong gising ay di pa rin ako makatayo kasi naman nakadantay sa baywang ko ang braso ni Mr. Zevilla.

Nakatalikod ako dito pahiga at nasa kaliwa ko naman si Vanna na tulog na tulog pa.

Nagulat ako nang pagmulat ng mga mata ko ay tumambad sa akin ang matipunong dibdib ni Mr. Zevilla at nakayakap pa ito sa akin.

Agad akong napalingon kay Vanna kasi baka nadaganan ko o nito ang baby namin.

Nakahinga ako nang maluwag nang nasa kaliwa ko ito at may unan na nakapagitan sa amin ng anak namin.

Agad akong pumaling paharap kay Vanna at babangon na sana pero bigla dumantay ang braso ni Mr. Zevilla sa akin at ang mukha nito ay sumubsob sa leeg ko.

Agad agad ay lumakas ang tibok ng puso ko at nanlaki ang aking mga mata sa ginawi nito.
Bakit kaya nandito si Mr. Zevilla pag nagising pa to eh baka magalit ito sa akin dapat kasi ni lock ko ang pinto kagabi eh

anang isip ko.

Maya maya pa ay tila magigising na ito kaya dali daling pinikit ko ang mga mata ko at nagkunwaring tulog pa.

"Hmmm...." pero lalong bumigat ang pagkakadantay nito.

Dinilat ko ang isang mata ko at tinignan ang braso nito.

Nakayakap na ito sa akin.
Naku lord please po gisingin nyo na po si Mr. Zevilla please, please. piping dasal ko.

Ang lakas na nang tibok ng puso ko at tila sa sobra kaba ko ay di ako makakilos sa kinahihigaan ko.

"Hmm.... "ramdam ko ang mabini nyang paghinga sa leeg ko.

Hanggang tila numormal na ang tibok ng puso ko at muli dinalaw ako ng antok.

Sa tulog na diwa ko ay nahiling ko na sana laging ganito pag matutulog kami at gigising.

"Hey Mrs. Zevilla wake up!" Naramdaman ko na may mahinang bagay na tumapik sa pisngi ko.

Inaantok na nagmulat ako nang mata tumambad sa akin ang nakasimangot na gwapong mukha ni Mr. Zevilla karga si Vanna.

Agad na nawala ang antok ko at dagling napabangon.

"I made breakfast, hurry up and we can start to eat" anu raw?

"Mr. Zevilla?" Maang na napatitig ako dito.

He smirked.

"Bumangon ka na dyan at kakain na tayo" ulit nito at mabilis na lumabas ng kwarto.

Ilang sandali pa bago nag sink in sa utak ko ang sinabi nya at napasinghap ako ng maintindihan ko ang sinabi nya.

Inaaya nya ako na sumabay sa kanyang kuwain.

Wala na akong inaksayang panahon pa.

Dali daling inayos ko ang kama at ang sarili ko at nakangiting sumunod kay Mr. Zevilla minsan lang to baka di na maulit pa kaya susulitin ko na.

Mistress to my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon