"Amanda pinagbalat kita ng apple oh, gusto mo?" Masuyong tanong ko kay Amanda pero tila di pa rin nya ako nadidinig kahit pang anim na alok ko na dito.
I heaved A silent sigh and put down the apples that I peeled and slice into tiny bites in the corner.
Tinitigan ko si Amanda na nakakaupo na at tulalang nakatingin sa may bintana.
Simula nang magkamalay ito lagi nang tulala ito pero pag kinakausap mo naman ay nagrerespond naman agad ito.
Pero pag tinawag ko ito sa pangalan nya ay tila may inis at selos ako na nababanaag sa mga mata nito.
Tila ba di nya gusto ang pangalan nya,
Bakit kaya?
Tinatanong ko naman ang doktor nya at sinabi naman nito na baka nasa state pa ito ng pagka shock kaya ganoon ang kinikilos ni Amanda.
Dapat unawain daw namin ang kalagayan nya lalo't di ito ang unang pagkakataon na nangyari ito sa kanya.
Nasabi na sa akin ng mga magulang nito ang nasabi ni Amanda na naaksidente ito at nagkaroon pa ng amnesia.Pati na ang pagkakasunog ng mukha at katawan nito kapares ngayon at the same time ay buntis din ito katulad noon.
Kaya lalong nagiguilty ako sa nasabi ko sa kanya noon."Amanda" tawag ko dito at nang di ito lumingon ay hinawakan ko ang kanang kamay nya at saka lang ito napalingon sa akin.
Nagtatanong ang mga mata nito na tumingin sa akin.
Ngumiti ako dito at marahan na ginagap ko ang kamay nya at saka ko hinalikan."Amanda kanina pa kita tinatawag pero mukhang malalim ang iniisip mo at tila di mo ako nadidinig" sabi ko dito.
"M--may iniisip l--lang ako" sagot nito at naiilang na inalis nito ang kamay nya sa pagkakahawak ko.
"Amanda nga pala sabi ng doktor pwede ka na raw munang lumabas ng ospital basta may nurse kang kasama habang nagpapagaling ka at para makasama mo ang mga bata" ani ko dito.
Nasabi din ng doktor nya na baka namimiss nya ang mga anak namin at baka mabawasan kundi man mawala ang depression na nararanasan nito kaya pinayagan nya na lumabas ng ospital habang nagpapagaling si Amanda.
Yun plastic surgery naman nya ay next month na naka scheduled kaya tamang tama lang para makasama nya ang mga bata bago kami tumulak pa America.
At di nakaligtas sa paningin ko ang pagningning ng mga mata nito."Sina Vanna at Calix?" Tanong nito.
"Nasa bahay natin pati na sina Mavi at Avi di ba nasabi ko na sa'yo na nabawi ko na sila at wala ka nang dapat ipag alala dahil legal na silang mga Zevilla at mga anak natin di na sila makukuha ninuman" nangingiting sagot ko ditn.
Tumango lang ito at di na kumibo pa.---------------------------------------
"Miss Cruz pakibaba nyo na lang yun wheelchair" utos ko sa private nurse na kinuha ko para bantayan si Amanda.
Agad naman na tumalima ang nurse at inayos na ang wheelchair.
Binuhat ko naman si Amanda at dahan dahan na iniupo sa wheelchair."Here we are Amanda to our home again" wika ko dito.
Tumango lang ito at walang kibong tinignan nito ang buong paligid.
Nang mula sa pinto ay lumabas ang mga munti naming tsikiting at nagtatakbuhan na lumapit sa amin.
Sinabi ko na sa mga bata ang mga nangyari nang iniuwi ko sila dito sa mansion at tinanong nila kung nasaan ang Nanay nila.
Umiyak pa nga sila lalo na si Mavi na pumalahaw pa talaga binatukan lang ni Avi na naiiyak na rin kaya huminto na ito."Momma nandito ka na!" Agad na wika ni Mavi at yumakap agad kay Amanda na di ko alam kung bakit natigilan ito.
"Mommy welcome back" salubong ni Vanna dito.
"Mommy!" Agad na yumakap din si Avi dito.
"Ahm Avi?" tawag tanong dito ni Amanda at kagyat na tumango ito,
Pagkaraan ay bumaling naman kay Mavi.
"M--mavi?" Agad na pinahid nang dalawang munting kamay ni Mavi ang mukha nya na tigmak na nang luha saka nakangiting tumango.
Saka ito bumaling kay Vanna na tila nagtataka kung sino ito pagkaraan ay bumaling ito sa akin na tila nagtatanong kung sino ito.