"Hija tignan mo nga itong dress na ito" agad na tumalima ako sa gawi ng Mama ni Vincent. " maganda hija di ba?" Ngumiti ako sa tanong nito at tumango.
"Opo Ma maganda nga po yan"
"Hay Amanda hija di na ako makapaghintay pa sa pagdating ng panibago kong apo, excited na excited na talaga ako sa paglabas nya" anito.
"Ako nga rin po Ma" sagot ko dito at muli ay tinuloy na ang pagbuburda ko sa damit na gagamitin ng baby.
Nandito kami sa garden na dalawa ni Mama at hinihintay ang pagdating ng mga bata galing sa school.
Tumayo si Mama sa inuupuan nito at pumunta sa puwesto ko at tinignan ang binuburda ko."Ang ganda naman nyang ginagawa mo Amanda, alam mo ba na ganyan din ang ginagawa ni Agatha nun nabubuhay pa sya, laging nagbuburda ng mga BIB ni Vanna nun baby pa ang apo ko, naku nakakatuwa talaga kasi magkaparehong magkapareho kayo sa halos lahat ng bagay" natigilan ako sa ginagawa ko dahil sa sinabi nito at nakaramdam ako ng mumunting kirot sa puso ko dahil sa pagbanggit nito sa pangalan ng namayapang asawa ni Vincent.
"Oh hija bakit may masakit ba sa'yo?" ngumiti ako dito ng alanganin at agad na nag isip ng idadahilan.
"Ahm yun b--baby po kasi naramdaman ko po na sumipa po" agad na lumarawan sa mukha nito ang kasiyahan dulot ng sinabi ko.
"Talaga hija?!" Agad na lumapit ito at dinama ang maumbok ko nang tiyan.
"Naku oo nga ang lakas lakas naman nang sipa ng apo ko tila excited na sa kanyang paglabas" natutuwang wika nito.
Agad na nakahinga ako nang maluwag dahil naniwala agad ito at mabuti na lang kasi natiyempuhan na sumipa ang bata sa tiyan ko kaya naisipan ko agad na idahilan ito."I'm sorry darling at nagamit pa kita para di mahalata ng lola mo na nagselos at nainis na naman ang Mommy sa ex wife ng Daddy mo dahil sa napagkumpara na naman kami" lihim na paghingi ko nang paumanhin sa baby ko.
"Senyora may tawag po kayo sa telepono" tawag dito ng isa sa mga kawaksi sa mansion.
"Oh sige pakisabi sandali lang ha, Amanda maiwan na muna kita ha" paalam nito sa akin at marahan na tinapik ako sa balikat.
"Opo Ma, dito lang po ako"
Naiwan na ako sa garden,
Nagpakawala ako ng malalim na buntung hininga at nilapag sa lamesa ang binuburda ko.
Marahan kong tinignan ang garden at nag inisip kung bakit ko ba nararamdaman ang mga di magagandang pakiramdam na ito,
Alam ko di ito tama,
Alam ko na di ko dapat ito maramdaman,
Pakiramdam ko nagkakasala ako kay Vincent....Nun una akala ko dulot lang ito ng pagbubuntis ko,
Na lilipas din ito sa pagdaan ng mga araw...
Pero hindi eh,
Nandito pa rin sa dibdib ko at sa pagdaan ng mga araw,
Lalo itong yumayabong,
Lalo itong kumakalat sa sistema ko,Masama ako... Makasalanan ako...
Pakiramdam ko wala na din akong pinag iba kay Miss Sofia...
Kasi di ko maiwasan na magalit, mainis,
Magselos, kay Mrs. Zevilla,
Kasi alam ko na patay na nga yun tao pero......
Kasi sa loob ng pitong buwan na nandito kami ng mga bata ay ramdam ko na nakikipag kumpetensya ako sa multo,
Bakit? Kasi madalas di nila ramdam o sadyang pinararamdam nila sa akin na parang ginagaya ko si Mrs. Zevilla,
Di ko man sadya pero sa lahat ng gawin ko,
Sa lahat ng kilos ko,
Pati na sa pananamit,
Maging sa pananalita ko ay parang ginagaya ko si Mrs. Zevilla,
Which is alam ko sa sarili ko na di ko naman sadya,
Wala nga akong ideya sa itsura nun tao eh,
Panu wala daw picture yun ayon mismo kay Vanna,
Mahiyain daw kasi ang Mommy nya,
Tapos ang kamukha pa daw niya ay yun lola nya kaya daw nakakahinayang kasi ayon mismo sa lola nya ay napakaganda daw nito,
Well maganda naman daw ang lola nya pero mas masaya daw sana kung namana nya ang itsura ng Mommy nya,