Chapter 37

21.6K 469 1
                                    

Naluluhang nagyakap na lang ang mga magulang ni Anne nang ipagtapat ko na ang totoo.
Na di ako ang anak nila na ang akala nila Vincent na Ako ay si Anne na anak nila.

"M--mama I'm sorry po" naiiyak na paghingi ko nang paumanhin sa kanila.
Masakit din sa akin ang mga nangyari, napamahal na rin sila sa akin lalo noon na kagigising ko pa lang buhat sa aksidente at nangangapa pa ako nandun sila at nakaagapay.
Idagdag pa na wala na din akong nakalakhan na mga magulang kaya madali akong napalapit sa kanila kasi nandun yun pakiramdam na pamilyar sila sa akin na din ako ibang tao sa kanila.

"Wala kang kasalanan A--Agatha kasi may amnesia ka nun mga panahon na yun kami lang ang nag akala na ikaw ang anak namin dahil na din sa bracelet na hawak hawak mo" umiiling na sagot ng Mama ni Anne at hinawakan pa nito ang mga palad ko at marahan na pinisil.

"P--pero---"

"Dapat nun pa nagtaka na kami dahil iba ka sa anak namin sa ugali, sa pananalita, sa lahat lahat pero nagbulag bulagan kami at inisip namin na nagbago ka na at gabi gabi lagi namin hinihiling sa diyos na sana wag nang matapos ang kaligayahan namin mag asawa na nagsimula nun inakala namin na ikaw ang anak namin pati na ang mga apo ko" namumula na din ang mga mata ng Papa ni Anne tanda ng pinipigil nitong maluha.

"Pwede naman na ituring nyo ako na anak nyo M--ma, P--pa at saka kahit di pa bumabalik sa alaala ko ang nakalipas na anim na taon ramdam ko na pag nakikita ko kayo na mahalaga kayo sa akin at kung di nyo naitatanong maaga din po na naulila ako sa mga magulang ko po at ang tiyahin na nagpalaki po sa akin ay namayapa na din kaya sana po--"
Di ko na naituloy pa ang sinasabi ko nang bigla ay yakapin ako ng dalawa.

"Anak ka namin, maaaring di ka namin kadugo pero sa puso namin, sa isip namin, di ka na iba sa amin pakatandaan mo yan ha" natatawang naiiyak na pinunasan ni Helga ang mukha ko at namamangha na pinagmasdan ako nang maigi.

Kanina pagkaalis nina Sofia at Harry ay nag usap kami ng mga magulang ni Vincent at nagkamustahan after nun ay bigla ay niyaya ko ang huli na pumunta sa mga magulang ni Anne para ipagtapat ang totoo.
Sumang ayon naman si Vincent at sinabi nito na mainam na sa akin na rin manggaling ang totoo para di masyadong damdamin ng mga ito ang nangyari sa anak at apo nito.

"M-mama Bakit po?" Nagtatakang tanong ko dito nang mapansin ang di mapuknat na tingin ng mga ito sa akin.

"Napakaganda mo pala Hija at talaga bang asawa mo talaga si Vincent?" namumulang tumango ako dito.
At saka tumingin kay Vincent na katabi ko at masuyong nakatingin sa akin mula pa kaninang dumating kaming dalawa.

"Di na ako nagtataka na kagagwapo at magaganda ang mga apo namin kasi napakaganda mo pala at napakagwapo nitong manugang namin kaya naman parang mga kerubin ang mga apo namin sa sobrang kacutetan" sagot ni Mama sa akin at saka bumaling ng tingin kay Vincent.

"Sinabi nyo pa po Ma" nakangiting sagot dito ni Vincent at kumindat pa sa akin.
Nahigit ko bigla ang paghinga ko at saka namumulang nagyuko ng paningin.

"Nakakatuwa na pag kayo talaga ang kapalaran mismo ang gagawa ng paraan para muli ay pagtagpuin kayo" ani Papa sa amin na kagyat na tinanguan namin dahil pakiramdam namin ay ganun din.

"May Scotch ako dito binili ko para sana pag bumisita kayo sa amin ay may iinumin tayo" sabi pa ni Papa at tumayo ito at kinuha ang alak na nakalagay pa sa kahon at saka binuksan at itinapat sa gawi ni Vincent. "How about hijo mag inuman muna tayo?" Anyaya nito sa huli na agad na tinanguan naman ang paanyaya ni Papa.

"Teka magluluto muna kami nitong anak ko ha diyan na muna kayo" wika naman ni Mama at saka ako hinila papunta sa kusina.

------------------------------

"Momma?" Nanglalaki ang mga mata at nakanganga pa si Mavi habang nakatingala sa akin.

"Di kaya Nanay yan ni Ate Vanna" bulong dito ni Avi habang si Vanna ay naiiyak na agad na yumakap sa akin.
Kakauwi pa lamang namin mula sa sementeryo kung saan nakalibing si Anne kasama ang mga magulang ng huli.

Di naman ganun kalasing sina Vincent at ang Papa dahil kokonti pa lamang ang naiinom nila ng ayain ko sila para pumunta nga kay Anne.
Pagkakita nga ng mga magulang ng huli ay di na napigilan ng mga ito na umiyak kaya agad naman na inalalayan naming mag asawa ang mga ito at medyo nagtagal kami dun kundi pa siguro napansin ni Mama na madilim na ay baka nandun kami.
Agad na pinauwi na kaming dalawa ni Vincent para daw makita na kami ng mga bata dahil daw pihadong namimiss na kami ng mga bata.
Kaya pagkahatid namin sa mga ito ay agad na umuwi na kami ni Vincent ng mansion.
Pagdating namin nakita ko agad ang mga bata na gumagawa ng assignment kaya sabik na lumapit ako sa mga ito at tinanong kung may maitutulong ako sa mga ito.
Agad na sumagot si Mavi at nagtaas ng tingin pero lumarawan sa mukha nito ang pagtataka nang makita ang mukha ko.

"Mommy ikaw na ba yan talaga?" Naiiyak na tanong ni Vanna sa akin kaya agad na pinunasan ko ang mga luha nito at nakangiting tumango ako dito.

"Oo anak ako nga ito" sagot ko dito at bumaling ako sa kambal na nakatingin lang sa amin.

"Hey kids! I miss all of you so much can you please give me a big bearhug?" inuumang ko ang kaliwang braso ko at nakangiting pinalapit ang dalawa.

"Momma ikaw yan di ba? Boses mo yan po eh?" Nangingiting tumango ako dito kaya lumarawan sa mukha nito ang saya at mabilis na lumapit sa akin.

"I miss you Mavi" bulong ko dito at hinalikan ang noo nito.

"Namiss din kita Momma kaya lang ba't iba po ang face nyo?" Kunot noo na tanong nito.
Nagtatanong din ang mga mata nina Vanna at Avi na nakalapit na pala sa akin.
Pinagmasdan ko ang tatlong bata at naiiyak na muli ay niyakap ko ang mga ito.

"Kasi eto talaga ang mukha ni Momma naaksidente kasi tayo nun nasa tummy ko pa kayo ni Avi at naforget ni Momma ang ate Vanna nyo pati na ang Daddy nyo tapos nainjured pa ang face ni Momma kaya napalitan ito pero binalik na din ni Uncle Stan nyo ang dating face ko" Paliwanag ko sa mga ito.
"bakit gusto nyo ba yun dati na lang na face ko?"
Umiling agad ang tatlo sa tanong ko.

"Momma ganyan na lang face nyo para kamukha mo si Avi kasi kawawa naman si Avi eh walang kamukha tapos ako si Daddy kamukha at si Ate Vanna si Lola ang kamukha" ani Mavi na kinatawa nang malakas ni Vincent na papasok mula sa pinto at bitbit si Calix pati na ni Vanna.
Pero mukhang ang bunsong prinsesita namin ay hindi natawa at agad na hinampas ng notebook ang ulo ni Mavi.

"Aray ko Avi naman eh! Ikaw na nga ang inaalala ko tapos ikaw pa ang galit" nakangiwing hinimas ni Mavi ang ulo nito at niyakap na ang kakambal na nakasimangot.

"Mavi mag sorry ka na sa kapatid mo para di na magtampo si Avi sa'yo" natatawang utos ni Vincent kay Mavi at lumapit na sa akin at hinalikan ako sa pisngi at niyakap ang isang kamay sa akin habang nasa kabila naman si Calix at mahimbing pa rin na natutulog.

"Avi sorry na ikaw lang naman ang inaalala ko eh kasi di ba Ate Vanna tinutukso sya na ampon lang dahil sa gwapo ko at wala syang kamu---aww!"napadaing uli si Mavi nang batukan ito ni Avi at saka hinila na ang natatawang si Vanna at bago lumabas ng kwarto ay binelatan pa ang nakangiwing si Mavi na agad na sumunod din sa dalawa.
Naiwan kami ni Vincent at Calix.

"I wonder kung saan nagmana si Avi" nangingiting wika ni Vincent sa akin.

"Tinatanong pa ba yan, siyempre sa yo!" Agad na sagot ko dito.

"Ako?" Turo nito sa sarili at natatawang tumango ako dito.

"Yes my darling husband sa'yo po nagmana si Avi kasi ang kwento sa akin ni Henry dati na palagi mo daw syang binubully nun mga bata pa kayo" sagot ko dito.
Tumaas lang ang isang kilay nito at saka ngumisi na lalong kinabig ako papalapit dito.

"Well she's a Zevilla by names and genes and one of our daughters and I love them even if they are bully" sabi nito at saka nilapag sa kuna na nasa gilid si Calix at pagkaraan ay nangingiting hinarap ako at hinalikan ng mariin sa labi ko na agad na tinugon.
"And I love even more with my heart and soul the woman who give birth to them" wika nito pagkaraan na halikan nya ako.

"Vincent" ngumiti ito at bahagyang yumuko para magpantay ang mga mukha namin at pinagdikit nya ang mga noo namin.

"I love you my Wife" bulong nito at muli hinalikan ako sa mga labi ko.

Mistress to my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon