"Dad pag ba nag tell ako ng mga kwento ko kay Mommy maririnig nya?" Napangiti ako sa tanong ni Vanna kasi taon taon na lang buhat nang matuto itong magsalita ng diretso pirmi nyang tanong sa akin pag sasapit ang araw na ito.
"Of course My Princess, Ikaw pa eh love na love ka ni Mommy mo kaya, mas mahal ka pa nga ni Mommy mo kaysa sa akin " nakangiting binuhat ko ito at dinala sa stool at inayos ang pagkakaupo nito.
Napahagikhik naman ito nang mahina at tinakip pa nito ang dalawang kamay sa mukha."Daddy that's not true kaya! Sabi ni Lola parehas lang daw tayong love ni Mommy, di ba Mommy?" Bumaling ito sa lapida ni Agatha at hinawakan pa nang maliliit na palad nito ang mga letrang nakasulat dito.
Mabuti na lang at nakaharap si Vanna dito kaya mabilis na pinahid ko ang luha na nagpipilit na lumabas sa mga mata ko.
Kanina ko pa ito pinipigilan kaya lang may nakakaagpas pa rin.Hangga't maaari ayaw ko na magpakita na nasasaktan pa rin ako at umiiyak sa isang tabi kasi alam ko na iiyak at malulungkot lalo ito.
"Dad?" Busy na ito sa pag aayos ng mga bulaklak na dala namin dito sa sementeryo.
"Hmm?"
"Sana next year, kasama na natin sina Tita Mandy saka sina Avi at Mavi pag magbivisit tayo dito kay Mommy" natigilan ako sa gagawin ko sanang pagsisindi ng kandila at nagtatakang napatingin ako sa anak ko.
"Why? Ayaw mo na ba na tayong apat lang lagi ang dadalaw sa Mommy mo?" Tanong ko dito.
Humarap sa akin at umiling pagkaraan ay yumakap sa likod ko."No po Dad, kaya lang kukwento ko silang tatlo kay Mommy, baka magtaka si Mommy, kung sino sino sila kaya sasama ko sila sana next year para mapakilala ko silang tatlo kay Mom" sagot nito sa akin.
"Bakit pa kailangan maghintay pa ang princess ko kung pupwede naman na dalhin natin sila dito next week" agad na sagot ko dito.
Agad na nanlaki ang mga mata ni Vanna at tinakpan pa nito ng dalawang kamay ang bibig nito sa galak."Really Dad?" Di makapaniwalang tanong nito.
Nakangiting tumango ako dito.
"Thank you Dad! The best ka talaga" tuwang tuwa na pinaghahalikan ako nito sa mukha.
Natatawang ginulo ko ang buhok nito.
Pagkaraan pa ng ilang saglit ay tinawag na kami nina Papa at Mama buhat sa kotse para makapagsimba na kaming apat."Oh Vanna magbabye ka na kay Mommy mo" masuyong utos ko dito.
"Mommy bye bye po see you next week po ahm..." nakangiting lumingon ito sa akin at nagthumb ups ako bilang tugon dito. "May mga ipapakilala ako Mommy sa inyo po" wika nito at tinakbo na nito ang ilang hakbang na pagitan naming dalawa at nagpakarga na.
Natatawang kinarga ko na ito at minsan pa lumingon ako sa lapida ni Agatha at mahinang nag paalam.
Pagkaraan ay pumunta na kami sa simbahan.------------------------------------------------------
Maya't maya na sinisipat sipat ko ang relos ko para tignan ang oras.
Di rin ako mapalagay sa sobrang kaba.
At lihim na hinihintay ang pagdating ni Mr. Zevilla dito sa office.Pero nanlalatang nasapo ko lang ang noo ko dahil sa frustration sa di pagpasok nito dito sa opisina.
Antay ako nang antay pero hapon na wala pa din ito."Anne sasabay ka ba sa pag uwi sa akin" ani Martha sa akin.
Gulat na napatingin ako sa relo ko at nagulat pa ako na five thirty na pala nang hapon."M-may bibilhin kasi ako Martha na gamit ng k--kambal kaya mauna ka na" alanganin na sagot ko dito.
"Sus yun lang ba? Sabay ka na sa amin ng Mister ko at ihahatid ka na namin dun din naman ang way namin papauwi" anyaya nito.