"Babies, don't do that again, you got it?" Mahinahon na pangaral ko sa kambal.
Nasabi na kasi ni Mama na umalis ang kambal para makipaglaro sa kay Leo, apo ng kapitbahay nila pero sumama pala ang mga ito sa mag lola sa school na mag aaral si Leo tapos umikot ikot sila sa loob ng school at di nila napansin na di na pala kasama ang mag lola.
Buti na lang lagi kong nilalagyan si Mavi nang papel na may sulat na address kung saan sila nakatira kahit na dyan dyan lang sila sa mga kalaro nila sa subdivision nakikipaglaro mahirap na kasi.
Dati mayroon din si Avi ng papel na yun pero pirming tinatapon lang nya abala lang daw kasi,
isa pa ayaw daw nya kasi kahit daw nakapikit ay makakauwi sya.
Ewan ko ba kung saan nagmana yang anak ko na babae na yan parang nagkapalit sila nang gender ni Mavi, di kaya paglaki nito eh tomboy to?
kaya si Mavi na lang ang nilalagyan ko pirmi ng papel sa bulsa. Di katulad ni Avi masunurin masyado itong baby boy ko.
Mabuti na lang at may mabubuting mga tao na naghatid sa kanila.
Nagulat pa nga si Mama kasi nang makita nya ang lalakeng naghatid eh nastarstruck daw sya ang gwapo gwapo daw kaya naumid na ang dila at di na natanong ang pangalan nito.
Ang siste pa ay ang alam ni Mama ay kalaro lang nang kambal si Leo sa kabilang bahay.
Kaya nang pumunta ang mag lola dito kasi nga di nila napansin na nawala ang kambal ay naghanap pa sila sa mga paligid at nun di makita ay umuwi na sila para daw masabihan ang Mama na nawawala ang kambal.
Tapos ayun nagulat pa sila na makita ang mga ito na naglalaro sa sala.
At yun ang naabutan ko na senaryo pag uwi ko."Yes, Mom"
"Opo Mom"
"Mommy!" Napatingin ako kay Mavi na may dalang pamphlet.
Agad na inabot ko ito at binasa.
Pagkabasa ko ay tila sumakit ang ulo ko kasi parang alam ko na ang gustong sabihin ni Mavi sa akin.
Tumingin ako sa kanila kapwa sila nakatitig sa akin."Umm....okay pero pag ipunan muna natin ha? Next year promise dito kayo papasok okay ba yun?" Tanong ko sa dalawa kapwa sila tumango.
Niyakap ko ang mga ito pagkaraan ay lininisan ko na ang mga ito.
Pagkaraan ay pinatulog ko na sila.
Nakakatuwa kasi four years olds pa lang sila ay gusto na nilang mag aral.
Mukhang kailangan ko nang maghanap ng part time job para makapag umpisa nang makapag ipon,Ang mahal naman kasi ng school na yun eh! Bakit pa kasi yun kalaro nila ay dun pa mag aaral tapos dinala pa dun ang mga babies ko yan tuloy mukhang mapapasubo ako nito.
Nang makatulog na ang mga ito ay lumabas na ako nang kwarto at pumunta sa mga magulang ko na nanood ng late night news."Ma...Pa..." tawag ko sa mga ito pagkaraan ay umupo ako sa tabi ni Mama at humilig sa balikat nya.
"Ay ang anak ko, naglalambing na naman" natatawang niyakap ako ni Mama habang di inaalis ang mga mata sa TV.
"Nakatulog na ba ang mga apo ko?" Tanong ni Papa sa akin kaya tumango ako dito.
"Yes Pa, eh kayo gabi na ah dapat natutulog na kayo" puna ko sa mga ito na kinatawa ng mga ito.
"Opo Ate, maya maya pagkatapos lang nang balita na ito" sagot ni Papa sa akin.
"Naku ang bilis ng panahon talaga no Anne? Dati ikaw ang binebeybi namin ngayon ikaw na ang bumebeybi sa amin" natatawang puna ni Mama sa akin.
"Of course Ma, magulang ko kaya kayo, kaya normal lang yun, and besides bumabawi lang ako dun sa mga panahon na pasaway ako sa inyo" wika ko sa mga ito.
Niyakap na ako ng mga ito.
Pagkaraan ay tumayo na rin ang mga ito at pumasok na sa kanilang kwarto.
Yumakap ako sa mga ito at naggoodnight din pagkaraan ay pumasok na ako sa kwarto namin ng mga kambal at natulog na din ako.
Sa limang taon na nakalipas araw araw pinagpapasalamat ko sa diyos na nabubuhay ako sa mundo na kapiling ko ang mga mahal ko sa buhay,
na kahit di ko maalala ang nakaraan ay masaya pa rin ako.
Ay araw araw kapiling ko ang mga magulang at mga anak ko na kahit na madami akong naging pagkakamali sa buhay ko napakasuwerte ko at sila ang naging magulang ko.
Di nila ako pinabayaan,
Di nila ako binitiwan, hanggang di ako nakakaahon sa dating ako,
Handa pa rin nila akong tanggapin na bukas ang mga bisig at may ngiti sa mga labi.
Di ko maiwasan na isipin na ano ba talaga ako dati,
Masama ba talaga ako?
Rebeldeng Anak sa mga magulang ko?
Kung ganun ako dati ay mas nanaisin ko pa na di na bumalik pa ang mga alaala ko.
Kasi ang ako ngayon ay ang ako na mahal na mahal ang mga anak ko at mga magulang ko at ayaw ko silang biguin lahat.
This Family is my Most Treasured Wealth not in money but in love and I value every person who I think will completed my life.
Pakiramdam ko kasi parang ngayon ko lang naranasan ang magkapamilya.
Yung tipong may Nanay at Tatay ka,
May nag aalaga sa'yo,
May nag aalala sa'yo,
May gumagabay sa'yo,
May nagmamahal sa'yo,
Ang weird kasi talaga.
Parang di ako sanay, oo sanay ako pero parang di sa mga magulang ko kasi parang ngayon ko lang sila nakasama na para bang nabuhay ako sa mundo na ito na mag isa lang ako,
na ulila na ako sa magulang.
Di ba ang weird?
Sa umaga na gigising ako kakapain ko ang kabilang bahagi nang kama ko na para bang pakiramdam ko ay mayroon talaga akong dapat na katabi sa pagtulog,
Sa umaga parang may gusto akong ipaghanda ng almusal, sa tanghali may gusto akong alagaan, sa hapon parang may kakwentuhan ako,
At sa gabi parang may hinihintay ako na dumating.
Di kaya hinahanap na subconcious mind ko ang ama ng mga anak ko?
Ipinagwawalang bahala ko na lang ang mga nararamdaman ko at di ko na isinasatinig dahil ayaw ko na mag alala pa ang mga magulang ko.