@yerdua99
@sharshar10
@AyssaMarieEsguerra
@BlackLove213
@maryanndevera10
Maraming maraming Salamat sa pagbabasa at pagboto nyo,
At sa mga nag add po sa mga reading list po nila ng story na ito salamat po nang marami....
-------------------------------------------------------------------
"Ayan na hija, natatanaw ko na ang ulo ng bata kaunting ire pa" wika ng babae na nakasuot ng puti coat at may mask din na puti ito sa mukha.
Nakapwesto sya sa pagitan ng mga hita ko,"Ahhhh!!!! Doktora masakit na po talagaaaaa!!!!!! Di ko yata kaya pa ahhh!!!!!" Teka tinig ko ba yun?
"Konting push pa hija, inhale, exhale lang at saka mo ipush ha, okay?" tumango ako dito,
"hinga nang malalim dahan dahan na ilabas sa ilong mo ang hangin" utos nito at tila sinunod ko naman at muling umire uli."Ahhhhh!!!!" Isang malakas pa na pag ire ang pinakawalan ko at nang pakiramdam ko na wala na akong lakas pa na umire ay bigla naramdaman ko na may lumabas sa kaselanan ko at maingat na inangat ito ng doktora pagkaraan ay itaas at mahinang tinapik ang puwitan.
Maya maya pa narinig na sa apat na sulok ng kwarto na ito ang matinis na pag iyak nito.
Sa nanlalabong mga paningin ko dulot ng labis na pagod at puyat ay nagtaas ako nang paningin sa sanggol na kasalukuyan na nililinis,
Patuloy pa rin ito sa pag iyak at tila gusto ko itong kunin na at yakapin pagkaraan ay patahanin sa pag iyak."It's a girl,hija at napakagandang bata" anito at inilagay sa tabi ko ang sanggol na tapos nang putulan ng pusod at linisin nakabalot na ito nang puting lampin.
Agad na nilagay ko ito sa tabi ko at niyakap.
Tila maiiyak ako sa galak pagkakita ko palang sa mukha ng anak ko,
Napakaganda nang baby na ito at tila di ako magsasawang tignan ito sa buong araw."So Mrs. Zevilla nakaisip ka na ba nang pangalan ng baby?" Mrs. Zevilla?
Humihingal na nagmulat ako ng mga mata at ramdam ko na pinagpapawisan ako nang malamig kaya agad na napabalikwas ako ng bangon at nilibot ko ang mga mata ko sa paligid ko.
Pagkaraan ay maang na napatingin ako sa mga anak ko na katabi ko sa kama.
Nasa gitna nila ako at nakayakap ang mga ito sa akin buti na lang at mahimbing pa din ang pagtulog ng mga ito at di mga naalimpungatan sa biglang pagbangon ko.
Tinignan ko ang alarm clock at nakita ko na alas tres palang nang madaling araw.
Muli ay napahiga ako at niyakap ng dalawang braso ko ang mga anak ko.Anung ibig sabihin ng panaginip ko na yun?
Misis na ko? Tapos Zevilla pa ang apelyido ko, parang katulad ng kay Sir, di kaya si Sir pala yun at mag......
Nahigit ko ang paghinga ko sa naisip ko at mabilis na pinilig ko ang ulo ko para mawala ang nakakakilig na pakiramdam na ito.
Ilusyonada!!!! Paggising mo hanggang sa pipikit ka na lang ay iniisip mo pa kasi ang lalake na yun kaya yan pati panaginip mo nandun sya!!!! Yun lang yun!
Pangaral ko sa sarili ko.Tinapik tapik ko ang mukha ko nang dalawang palad ko,
Nakakainis na talaga itong nangyayari sa akin wala naman kaming relasyon ni Mr. Zevilla maliban sa.....
tapos....tapos..ahhh! Letshe talaga naman oo, pati ba naman sa panaginip dala dala ko ang pangangarap kong maging asawa at ina ng mga anak nya,
Ganun ba iyun? Kasi masisiraan na ako nang ulo pag di pala yun ang dahilan,
Dahil tuloy kay Mr. Zevilla pumapangit ako lalo eh dahil sa pagod,
Dahil pirmeng overtime na nga sa trabaho,
Pinapagod pa nya ako lagi,
Tapos hanggang sa panaginip ko kasama sya, hay naku!