"Sir?" Nakakaloko na talaga itong boss ko.
May saltik yata, hay! Kanina pa ako tapos magpaliwanag nang nangyari kanina pero.....
Di ko man lang makitaan ni miski maliit man lang na emosyon sa mukha at blangko ang mukha na nakapangalumbaba sa manibela at nakatingin sa labas ng kotse nito.."Sir?" inulit ko ang pagtawag ko.
"I hear you" walang ganang tugon nito sa akin.
Susme! Narinig mo na pala eh di ka pa rin sumasagot hay naku! Gabi na ako nito eh,"Umm.... Ano po Sir?"
"What?" Nakangisi pa si Mr. Zevilla nakakakaba lalo.
"Ahm...ano po ah kasi po eh" nabubulol na ako nakakakainis naman kasi itong dila ko na ito.
"Damn!" Gulat na napatingin ako dito nang marinig ko itong magmura.
Nakatingin ito sa wristwatch nya at nakangiwi."Ms. Peralta maybe later na lang natin ito pag usapan may susunduin pa ako" agad na ini start na nito ang engine ng kotse.
"Ah okay po Sir, bababa na po ako" akma na sana akong bubuksan ang pinto na pigilan ng kamay nya ang kamay ko sa gagawin kong pagbukas.
Naku naman eto na naman yun pamilyar na kuryente na naramdaman ko nang unang magdaop ang mga palad namin.
Napapalunok na tumingin ako uli dito."No, Missy, we gonna talk later right, I just need to go back to Mall and fetch my daughter and after that we talk" may ngiting nakakaasar na wika ni Mr. Zevilla sa akin.
Tumango na lang ako at umayos na nang upo,
Sinimulan na ni Mr. Zevilla na paandarin ang kotse at umalis na sa lugar na yun.//////////////
"Daddy, where are you kanina?, paglabas ko kanina dad, wala ka" nakalabing wika ni Vanna sa akin.
"Sorry Sweetheart may nakita kasi akong kakilala kaya pinuntahan ko lang at kinausap saglit, anyway natakot ka ba?" Malambing na sagot ko dito.
Papunta na kami sa sasakyan kung saan naghihintay sa amin si Ms. Peralta."No, Daddy, Vanna is big girl na kaya di naman ako natakot" umiiling na wika nito.
"Hmm...okay, malapit na tayo sa Car natin, you want to eat?" Nagningning ang mga nito sa tanong ko.
"Yes, daddy!"
"May kasama tayo okay lang ba?"
Lumabi bigla si Vanna."Tita Sofia?" Hula nito.
Umiling ako."Nope"
"Oh, I see, Daddy someone standing malapit sa Car natin" turo ni Vanna ng matanaw niya si Ms. Peralta.
"Pakilala kita, come sweetheart" agad na kinarga ko na ito at pumunta sa sasakyan.
"Ms. Peralta nainip ka ba?" Tanong ko agad dito nang mapansin ko na nagpapatay ito ng lamok sa braso.
"Hindi naman po, Sir" alanganin ngumiti ito at agad na tumingin sa anak ko na titig na titig din kay Ms. Peralta.
"Vanna, this is my secretary Ms. Amanda Peralta, and Ms. Peralta this is my precious daughter Vanna" pakilala ko sa dalawa.
"Uhm...hi Vanna" bati nito.
"Hello po tita?..."
"Call her Tita Mandy" utos ko sa anak ko.
Nakita ko na kumunot ang noo ni Ms. Peralta pero di na ito kumibo pa."Hello po Tita Mandy"
Ngumiti si Ms. Peralta dito at inakma ang mga braso para kargahin si Vanna.
Agad naman na nagpakarga ito kay Ms. Peralta.