Chapter 24

16.1K 364 2
                                    

"Lola, kanina ka po pa dyan pabalik balik sa bintana" kagat kagat ni Mavi ang point finger nya at nakatingalang pinuna si Mama na dagling namula ang buong mukha.

"Naku ikaw talaga Mavi pagbigyan mo na ang Lola mo't excited talaga yan dun sa bisitang dadating ng Mommy nyo" natatawang sagot ni Papa dito.
Lalong kumunot ang noo nito at tumakbo papalapit sa akin.

"Mommy sinong dadating?" Agad na tanong nito at namaywang pa ito.

"Hmm...anu ah---"

"naku Mavi halika na nga dito at wag mo na  munang abalahin ang Mommy mo" saway ni Papa dito at agad na kinarga nito si Mavi.

"Pero Lolo" angal dito ng anak ko.
Pero wala na itong nagawa pa ng nagsimula nang maglakad ang Lolo nito papalayo sa akin.
Tinanaw ko na lang ng tingin ang mag Lolo.
Si Avi ay nasa kwarto pa at gumagawa ng assignment nya kasi nauna nang matapos yun kay Mavi kasi pagdating pa lang nito galing ng daycare ay ginawa na agad nito ang assignment nya,
Habang nakatulog naman ang baby princess ko.

Napabuntung hininga ako at napapikit ng mariin kasabay ng pagsalikop ko ng mga palad ko.
Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko sa bawat paglakad ng bawat segundo.
This is the day that Mr. Zevilla will finally meet my family.
Right mayamaya'y mamamanhikan na ang Pamilya ni Mr. Zevilla sa amin.
At eto rin ang araw na makikilala ko ang mga magulang nito.
Napapitlag ako nang biglang lumapit sa akin si Mama at hinawakan ako sa kanang braso ko.

"Naku anak nandyan na yata ang boyfriend mo, halika na" bakas ang excitement sa mukha nito habang hila hila ako papalapit sa pinto.
Nang sabihin ko sa kanila na magpapakasal na ako tila sila napatulala at waring di makapaniwala sa sinabi ko.
Tandang tanda ko pa nga ang naging pag uusap namin.

"A---anak pakiulit nga at di ko yata naintindihan" anang Papa ko.

"Oo nga anak" segunda naman ni Mama sa sinabi ni Papa.

"Ma, Pa, ahm magpapakasal na po kami ng b---boyfriend k--ko p--po" pautal utal na ulit ko uli sa sinabi ko kanina.

"Eh anak pasensiya na at nabigla kami sa sinabi mo teka nakakaalala ka na ba at nahanap muna ang tatay ng mga anak mo kaya di mo na pinakawalan pa?" nakangiting tanong ni Mama sa akin.
Napangiti ako dito ng kimi at umiling iling ako dito bilang tugon ko,
Kahit kailan talaga si Mama napakahopeless romantic talaga,

"Anne hija isa ba ito sa mga manliligaw mo at nasagot mo na nang oo kaya papakasalan ka agad nang di na magbago pa ang isip mo?" Tudyong sapantaha ni Papa na di ko napigilan na mapatawa nang malakas.

"Di po Papa anu ba kayo, para naman pong may nanliligaw sa akin maski po isa eh wala naman po" natatawang kaila ko dito.

"Eh sino ba yan ha pakilala mo na muna sa amin para makilatis namin ng Mama mo" utos ni Papa na kinailing ko.
Kumunot ang noo nito.

"Aba, bakit ayaw ba nya na magpakilala sa amin?"

"Di naman po sa ayaw Pa, infact gustong  gusto po nya na makilala  na kayo, kaya lang po busyng busy po kami sa dami ng work natambakan nga kami kaya po gusto nya na po na mamamanhikan tuloy makilala na rin kayo po Ma, Pa" natatarantang paliwanag ko.

"Ah anak kaopisina mo ba ang boyfriend mo na yan?" Ani Mama.
Tumango na lang ako at di ko na tinama pa.
Tama naman sya sa isang banda, kaopisina ko nga si Sir.

Mistress to my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon