Chapter 26

16.5K 373 11
                                    

Pagdating namin ni Vincent sa hospital ay agad na dinala sa Emergency room si Mavi at nilapatan na agad nang paunang lunas.

"Amanda, relax" napatingin ako kay Vincent na nakaalalay sa akin.
Mula pa kasi kaninang pinasok sa ER ang anak ko ay di na ako mapakali pa at abot abot ang dasal ko na sana ay malagpasan ni Mavi ito.

"V-vincent n-natatakot ako p-pano kung may mangya----" agad na pinutol nito ang dapat na sasabihin ko.

"Nope, it's never gonna happen, fighter ang anak natin so relax okay" agad na inalalayan ako nito papaupo sa upuan habang di nito binibitiwan ang mga kamay ko.
Naiiyak na tumango ako dito,
Nakakatuwa na marinig sa mga labi nito ang mga kataga na Anak natin,
Na di na rin iba ang turing nya sa mga anak ko.

Halos kalahating oras pa kaming naghintay nang maya maya pa ay lumabas na ang doktor na nag aasikaso kay Mavi.

"Doc ang anak namin kamusta na po?" Agad na tanong ni Vincent pagkalapit na pagkalapit pa lang nito sa amin.

"Well, we do treat his wounds in this area" turo nito sa x ray na dala dala nito sa amin. " but we need blood tranfussion because of so many blood that he lost" paliwanag ng doktor sa amin.

"A-ako po Doc magdodonate po ako" agad na prisinta ko.

"Doc ako na lang po buntis po kasi ang asawa ko at baka makasama lang po sa kanya" ani ni Vincent na agad na tinanguan ng doktor.

"Well in that case sumunod na lang po kayo sa akin Mister para makunan na namin kayo ng sample ng dugo at malaman natin kung match kayo ng anak nyo" sagot nito at nagpatiuna na sa amin.

"V-vincent, ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa iyo" naluluhang wika ko dito.

"Anything for you and to our children" tugon nito at hinalikan ako nito sa aking noo pagkaraan ay sumunod na ito sa doktor.
Nanghihinang napaupo ako uli sa upuan at tahimik na nagdadasal na sana ay magkamatch si Vincent at Mavi.
Alam ko na malabong mangyari yun kasi di naman ito mag ama,
pero sana pareho sila ng blood type na dalawa para agad na masalinan ng dugo si Mavi at makaligtas na sa tiyak na kapahamakan.

Matagal tagal na rin siguro akong nakaupo ng may lumabas na nurse,
Agad na lumapit ako dito para tanungin ito,

"Nurse a-ano na po yun r--resulta?" Kinakabahan na tanong ko dito.
Napatingin sa akin ang nurse at maya maya pa ay ngumiti ito,

"Don't worry Misis match po sila ng Mister nyo kaya masisimulan na po natin ang pagsasalin ng dugo sa anak nyo" sagot nito.

"T--thank you po Miss"naluluhang wika ko dito,
agad na nagpaalam na aalis na ito at pupunta na sa lab,
Thank you po Lord at dininig nyo po ang dasal ko, sana po maging okay na po si Mavi at si V--vincent,
Lihim na panalangin ko,

---------------------------------------------

"Amanda hija" agad na yumakap ako sa Mama ni Vincent pagkalapit nito sa akin,
Kasunod din nito ang Papa ni Vincent.

"A--ang mga bata po?"

"Iniwan muna namin kay Manang nang tawagan mo kami na nandito kayo sa hospital" sagot ni Mrs. Zevilla sa akin.

"Anu bang nangyari Amanda at nandito kayo sa Hospital? At okay ka lang ba hija?" Tanong ni Mr. Zevilla sa akin.
Tumango ako dito at dumako ang mga mata ko kay Vincent at Mavi na nasa magkabilang katre at payapang natutulog,
Out of danger na ang anak ko at si Vincent naman ay namamahinga,
Agad na bumaling ako uli sa mga magulang ni Vincent at inilahad ang mga nangyari kanina.

Mistress to my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon