Chapter 12

19.8K 437 9
                                    

"Uy, Anne narinig mo na ba ang latest?" Napaangat ako mula sa mga binabasa kong papeles at ngumiti nang makita si Martha na kasamahan ko dito sa opisina.

"Hindi pa, anu ba yon?"

"Na acquire na raw yung kumpanya natin ng Zevilla Group of Companies"
Balita nito na ikinangiti ko kasi nasabi na ito sa akin ng boss ko kahapon.
Magmamigrate na kasi si Mr. Castro sa Australia tapos wala namang siyang mapagkakatiwalaan na mamahala nito kaya ipinagbili nya na lang ito kaysa isara kasi kawawa naman daw kaming mga Empleyado nya.
At ang nakabili nga ay ang Zevilla Group of Companies, kasama sa kundisyon ng pagbili ay ang pananatili namin mga empleyado dito at walang tatanggalin.

"Oo nga eh,mabuti na lang sila ang nakabili kasi kasama sa conditions daw ni Boss ay ang pananatili natin sa mga posisyon natin" sagot ko dito.

"Ay talaga! alam mo naman yun Panganay ko gagraduate na sa elementary kaya kailangan ng datung masuwerte talaga tayo ang bait talaga ni Boss palagi na ay iniisip tayo"

"Ako nga rin kinukulit na nang kambal kung kelan sila mag aaral sabi ko next year na lang kasi nga di ba nag loan ako dito sa office para di maremata ang bahay namin" wika ko.
Naisanla kasi ang bahay namin ng sumailalim ako sa reconstructive surgery four years ago at tulong kami ni Dad na magbayad para mapabilis makatapos kami sa utang ay nag loan nga ako last year dito sa office para maipambayad sa utang namin.

"Oo nga Anne, pero wag kang masyadong pakabusy sa trabaho ha, wala ka nang time na maghanap ng dyowa"

"Mayroon na akong Mavi at Avi kaya di ko na kailangan pa ng boyfriend" nakangiting tugon ko na lang dito.

"Naku Anne, tama ka basta may mga Anak ka na saksakan ng ganda at gwapo at idagdag mo pa na mga bibo naku! Keri na maging single, ang gwapo siguro ng Ex mo nuh? Aba'y walang namana ni miski anu sa yu ang kambal mo eh" kahit ang mga magulang ko rin sinasabi din yun kasi nga talagang wala man lang bakas ng pagkakahawig sa amin.
Sabi pa nga ni Mom ay siguro Amerikano daw ang Ex ko kasi kay puputi daw at kay bibibo malayo nun bata daw ako.
At ang buhok pa ni Avi ay kulay Caramel tapos kay Mavi ay Blue Black medyo may pagkakapareho kami ni Avi ng kulay nang buhok kasi brown ang kulay ng buhok ko,

"Ikaw talaga Martha" tinawanan ko na lang ito.
Nag usap pa kaming dalawa nito pagkaraan ay pumasok na si Mr. Castro kasama ng bagong may ari ng kumpanya nito at mga ilang executives ng kumpanya agad kaming pumunta sa kanila at bumati.

"Good Morning din sa inyo, as all of you know ay si Mr. Zevilla na ang bagong may ari nitong kumpanya sana ay kung papaano kayo magtrabaho dati sa akin ay ganun din kayo kay Mr. Zevilla"wika ni Mr. Castro at may ibang napaluha ng mga empleyado at yun iba ay napayuko kasi di makakailang mabait at maunawain ito at pag may kailangan ka ay dika magdadalawang salita dito.
Isa isang pinakilala ni Mr. Castro ang mga empleyado kay Mr. Zevilla at may tipid na ngiti sa labi na nakipag kamay din ito sa mga empleyado.

"Oh andyan ka pala hija" bahagya ako yumuko dito at ngumiti kay Mr. Castro at Mr. Zevilla.

"Mr. Zevilla meet Ms. Amanda Anne Peralta my brilliant secretary and from now is your new Secretary" pakilala nito sa akin tumingin si Mr. Zevilla sa akin at nilahad ang palad para makipagkamay.
Agad na nakipagkamay ako dito pero biglang nakaramdam ako ng tila mumunting kuryente na dumaloy sa kamay niya papunta sa kamay ko at nahigit ko ang paghinga ko nang marahan nyang pinisil ang palad ko,
Tila ang puso ko ay nawala sa puwesto nya sa lakas ng kabog nito mabuti na lang at agad na binitiwan ni Mr. Zevilla ang kamay ko.

"My pleasure to meet you Ms. Peralta I hope that from now we get along together" wika nito sa akin tumango ako pero sa kaloob looban ko ay malakas ang kabog ng dibdib ko.
"shit! pati boses nya swabeng swabe tapos ang gwapo pa naku ikaw Amanda ha di ka pwede humanga dyan naku baka yan pa ang ikawalan mo nang trabaho,
Don't mix business with kalandian dapat focus ka lang sa trabaho kundi resign ang peg natin" lihim na pangaral ko sa sarili ko pag angat ko ng tingin ay nakalampas na ito sa akin.
Ewan ko pero bigla nalungkot ako na umalis agad ito sa harap ko.
Pagkaraan nitong makipagkamay sa mga Empleyado ay umalis na rin ito agad kasi may next meeting pa raw ito na pupuntahan.
Well next week pa naman opisyal na ipapasa ni Mr. Castro kay Mr. Zevilla ang kumpanya pumunta lang ito dito sa office kasi daw on the way naman itong office sa pupuntahan nya kaya dumaan na rin ito dito.

Mistress to my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon