Chapter 31

17.8K 379 4
                                    

"Amanda look at our baby boy di ba ang cute kamukha ko" masayang wika ni Vincent habang kalong ang isang sanggol.

"Ang dali ko namang nanganak ang alam ko two months pa lang ang baby namin ah saka sino ba yun Amanda na yun?" saisip isip ko kasi di pa ako makapagsalita tanging mga mata ko pa lang ang nakakagalaw kahit kamay ko tila naparalisado din kaya kahit gusto kong haplusin ang sanggol ay di ko magawa.

"Nga pala Amanda pwede na raw na ilabas si baby Calix kaya si Vanna excited na excited na raw sabi ni Mama" patuloy nito.

Isa pa yan sa pinagtataka ko kasi ang pinangalan niya dito ay Calix Vandrebb hindi Mavix Andrei di ba dapat yun ang pangalan ng second baby namin?
Kasi yun daw ang gusto nyang ipangalan pag nagkababy na kami at lalake.

"Don't worry Amanda alam ko na nag aalala ka kina Mavi at Avi don't worry nahanap na raw ni Henry yun bahay ng hayop na lalake na kumuha sa mga anak natin wag kang mag alala bago ka makalabas dito sa ospital nasa mansion na sila" sabi pa nito.

"Sino ba ang mga bata na yun na Mavi At Avi ang pangalan? Nag ampon kaya si Vincent habang nandito ako sa hospital?"
Sumasakit na talaga ang ulo ko sa kakaisip.
Maya maya pa ay may dumating na nurse at kinuha na kay Vincent ang sanggol at lumabas na uli ito.
Umupo na sa upuan sa tabi ko si Vincent at marahan na hinawakan ang may benda kong kamay.

"Amanda first of all i'm sorry kasi inaway at nagalit agad ako sa'yo dahil sa mababaw na dahilan sabi mo nga past is past at kinalimutan at nakalimutan mo na ang mga bagay na yun siguro dapat kalimutan ko na rin si Agatha right, tama ka nakakulong pa rin ako sa nakaraan at kailangan tanggapin ko na matagal nang patay si Agatha at ikaw, ikaw ang nandito sa piling ko," nakadama ako ng protesta sa nadinig ko hindi pwede yun ako, ako na asawa nya ang kakalimutan nya,
Sino ba kasi ang babae na binabanggit nya?
Nagawa bang umibig ni Vincent sa iba bukod kay Miss Sofia habang wala akong maalala at bakit nya sinasabi ang mga bagay na ito sa harap ko?
Ako ito si Agatha!
Kailan ako namatay?
Bakit pa ako nandito kung patay na pala ako!
At saka Ako ang Asawa nya!
Umungol ako dito at inikot ko ang mga mata ko.
"Bakit may masakit ba sa iyo ha? Teka tatawag ako ng doktor!" Nababahalang wika ni Vincent at pinindot ang buzzer at maya maya lang ay may pumasok uli na mga doktor at nurses.
Pagkaraan ay tinurukan ako nang sedative.

------------------------------------------

Naaawang natignan ko na lang si Amanda na nakatulog na uli pagkatapos turukan ng doktor ng pampatulog.
Masaya siya at nakaligtas ang mga ito at titiyakin nya na mahahanap nya ang mga anak nila ni Amanda na bubuo sa pamilya nila.

Napapitlag pa siya na nang tumunog ang cellphone nya at agad na sinagot ito nang makita na si Henry ang tumatawag.

"Henry!" Agad na bungad nya dito.

"Pare nahanap ko na sila at itetext ko na ang addres sa yo" agad na sabi nito sa akin.

"Thanks gods pare salamat, papunta na ako dyan" agad na naghanda na ako para umalis.
Pero muli napabalik ako at kinuha ang envelop na nasa sidetable at humalik sa may benda na mukha ni Amanda bago tuluyan na umalis.

"Pare tagal mo naman langhiya lamok na ang namiesta sa kagwapuhan ko oh!" Wika ni Henry nang nakalapit na ako dito.
Di ko siya pinansin sa halip pinasadan ko nang tingin ang kabuuan ng semi bungalow na bahay na may maliit na garahe sa harapan.

"Ito na ba ang bahay?" Tanong ko dito.

"Oo pare nakita ko nga ang mga bata na nakatanghod dun sa bintana sa second floor eh" agad na sagot nito.

"Let's go Henry I want to get my kids as soon as possible" nagpatiuna na ako sa paglalakad at nagbell na agad ako ng sunod sunod.
Humahangos na agad may lumabas na nakauniporme na katulong at lumapit sa amin.

"Nandyan ba ang mga amo mo?" Matiim na tanong ko dito.
Tila natakot naman ang katulong at bahagyang napaurong.

"Miss Ganda ang ibig sabihin ng kaibigan ko ay pakitawag kamo sila at nandito si Mr. Zevilla" singit ni Henry at ngumiti ng pagkatamis tamis sa kasambahay.
Kiming tumango ang katulong at pumasok na uli ng bahay.
Ang tagal namin na naghintay literal na tatlumpung minuto kaya halos gusto ko nang wasakin ang gate at pumasok sa loob ng kabahayan.

Naiiling na inakbayan ako ni Henry.
"Pare relax okay, di natin madadaan ito sa init ng ulo we need patience and be relax we really really need it as of now" sabi nito na tinanguan ko.
Maya maya pa ay muling lumabas sa bahay ang katulong at binuksan na ang gate at pinatuloy na kami sa loob.
Pagpasok namin sa loob ng kabahayan ay agad na namataan ko sina Mavi at Avi.

"Avi...Mavi..."tawag ko sa mga ito at agad na napalingon ang dalawa.

"Daddy!!"

"Daddy!!" Magkapanabay na wika ng dalawa at agad na tumakbo papunta sa akin.
Agad na nanguyapit ang dalawa sa pantalon ko.

"Daddy uwi na tayo ayoko dito masungit si Mrs. Piglet kinukurot nya ako" sumbong agad ni Mavi sa akin na sinegunduhan din ni Avi.

"Opo nga po, saka di ba Daddy ikaw lang at si Mommy ang parents namin wala nang iba?" Tumango ako sa tanong nito.

"Yeah, aalis na tayo dito at uuwi na tayo sa bahay nati--"

"Sinong nagbigay sa iyo ng karapatan na kunin ang mga anak ko!" Napalingon ako sa sumigaw at nakita ko na pababa ang lalakeng dahilan kung bakit nasa ospital ngayon si Amanda.
Agad na nagdilim ang paningin ko at lumapit ako dito at inundayan agad ito ng suntok sa sikmura.

"Argh! Hayop ka!" Nagkadapilipilit na ito sa sakit.

"Harry!!" Agad na sumaklolo ang asawa nito at pinagpapalo ako sa dibdib ko.
Naiinis na tinulak ko ito at napaatras ito.

"Wala akong pakialam sa inyong dalawa nandito lang ako para kunin ang mga anak ko" matigas na wika ko.

"Hindi ako papayag mga anak ko sila kaya sa akin lamang sila!" Napangisi ako dito.

"Oh talaga?" Nag uuyam na wika ko dito at saka hinagis sa kanila ang envelop na dala dala ko.
Agad na kumalat ang mga papel sa mga mukha nito at naiiritang kinuha ni Harry ang isa at binasa.
Di nagtagal ay namumutla na ito.

"That document release two weeks ago, the day that you kidnap my twins" imporma ko dito.

"D--di ko sila kinidnap s--saka mga anak ko sila!" Namumutlang sigaw nito.

"But that's not what the law says" nang aasar na sagot ko dito.

"Di mo ako madadaan sa mga dokumento na ito!" Nakangiwing nagpilit na tumayo ito.

"Whatever! I don't need to explain anything and everything to you, I just need my twins and I just collect them so goodbye" tumalikod na ako at kinuha ang mga kamay ng kambal at umakma nang aalis.

"T--teka mga anak ko yan! Di ako papayag!!" Pero hinarangan ito ni Henry.

"Whoops! Teka wag kang lalapit baka makalabit ko ang gatilyo nito" anito.
Tinangkang lumingon ng mga bata dito pero marahan na giniya ko na sila papalabas ng bahay.
Nang makalabas na kami ay pinapasok ko na ang mga ito sa likurang bahagi ng sasakyan at sinimulan nang paandarin ang sasakyan.

"T--teka hintayin nyo ako may date pa kaya ako at di pa ako naliligo!" Habol ang hingal ni Henry nang makalapit sa amin at mabilis na sumakay.

"Uncle may gun ka patingin" wika ni Mavi at lumapit pa ito kay Henry.

"Ah ito? lighter lang ito oh kalabitin mo ang gatilyo" sagot naman nito at inabot kay Mavi ang baril barilan at sabik na kinuha ni Mavi ito at kinalabit.

"Kyaaah! May apoy, Avi oh tignan mo" excited na bumaling ito kay Avi pero nakatulog na pala si Avi.
"Ay Uncle umissleep na pala si Avi"

"Oo nga no, teka tayo na lang ang maglarong dalawa" tila batang sagot naman ni Henry dito.
Nangingiting muli ay binaling ko ang paningin ko sa daan.

Mistress to my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon