"Dad, maganda ba akting ko?" Napapangiti ako na binuhat ito.
Pauwi na kami sa bahay dahil tapos na ang program nila."Of course ang galing mo nga"
"Thank you Dad, I love you" pinugpog na ako nito ng halik.
Natatawang pumunta na kami sa naghihintay na sasakyan nang mapansin ko ang dalawang cute na cute na batang lalake at babae na magkahawak kamay bigla naalala ko ang biro ko dati kay Mama na kambal ang gagawin namin ni Agatha para mag tig isahan silang mag alaga."Avi, Mom will worry pag di agad tayo uwi" narinig ko na bigkas ng batang lalake, ewan pero bigla pagkadinig ko sa matinis na boses nito ay ang lakas ng kabog ng puso ko.
Katulad na katulad nang naramdaman nya nang makita sa unang pagkakataon si Vanna."Di kaya, makakauwi tayo,promise" sagot nang batang babae dito.
Pati sa batang babae din,
Shit! What the hell is happening to me?
Did I miss my wife and my unborn child so much that I want to imagine that what if the twins that we see is my other children?
Silly! It will never happen!"Eh! Wala tayong pera pauwi" napasibi na yun batang lalake.
"Dad, please can we help them?" Naaawang tanong ni Vanna sa akin.
Tumango ako kasi kahit di nya tanungin ay gagawin ko talaga.
Nagpababa na ito sa akin at tumakbo papalapit sa mga ito sumunod ako."Hello, I'm Vanna" agad na pakilala nito nang makalapit pagkaraan ay nilahad ang palad para makipag handshake,
Nagkatinginan ang kambal tapos ngumiti ang batang lalaki at nakipagkamay agad ito."Mavi, tapos sya naman si Avi" sagot nito.
"Mavi, hello"
"Hi, po Ate Vanna"
"Hello, Avi" kung si Mavi ay approachable ang batang babae ay medyo di masyado.
"Avi, handshake ka na, napapagod na kamay ni Ate" bulong dito ni Mavi nang tinignan lang ni Avi ang kamay ni Vanna.
Pairap na tumingin dito si Avi at nakipag handshake na kay Vanna.
Napangiti ako kasi parang nakikita ko sa kanya ang sarili ko nung ganyan edad pa ako.
Suplado daw kasi ako nun bata pa ako,"Avi, Mavi, narinig namin ni Daddy ang mga pinag usapan nyo, ano kaya kung ihatid namin kayo?" Tanong ni Vanna dito.
Lumiwanag ang mukha ni Mavi sa narinig pero si Avi tumaas lang ang mga kilay na tinignan kami ni Vanna."Ayaw namin ni Mavi, Mommy said don't talk to strangers"
"Eh,Avi we already talk----aww" naputol ang sinasabi ni Mavi nang sikuhin ito ni Avi. "Ah, ate di na pala lalakad na lang po kami" napapasibing wika na lang nito sa amin.
Nagsimula na uli silang lumakad kaya hinabol ko na sila."Here is my cellphone babies" sabay abot ng cellphone ko. "If alam nyo number ng Mommy nyo tawagan nyo na lang siya para masundo nya kayo kasi ang anak ko pag di nya nasigurong makakauwi kayo nang ligtas ay susundan at susundan namin kayo hanggang makauwi na kayo sa inyo so mas mainam na tawagan nyo ang Mommy nyo please" malambing na pakiusap ko sa kambal.
Nagkatinginan ang mga ito at tumango.
Inabot ko na ang cellphones sa kanila.
Pero umiling ang dalawa."Walang cellphone Mommy namin, at saka mahirap lang kami kaya wala din kaming telepono, kaya sige po sasabay kami sa inyo... pero magbabayad po kami" wika ni Avi sa amin.
Nakangiting ginulo ko ang mga buhok nila sa tuwa."Eto po address namin" agad na inabot sa akin ni Mavi ang papel na dinukot nya sa bulsa nya.
"Okay halina kayo" agad na hinawakan ko sila sa magkabilaang kamay ko at niyakag papunta sa naghihintay na si Vanna sa tabi ng sasakyan.