Chapter 15

17.9K 385 5
                                    

"Daddy eto po, okay po ba?" Napalingon ako kay Vanna na nakangiting nakatingala sa akin.
Suot nya ang isang bestida na sleeveless at kulay peach na may ribbon sa bandang beywang at pantay lang sa tuhod nya ang haba.
Nandito kami sa boutique na pagmamay ari ni Mama para bumili ng isusuot namin dalawa sa party bukas ng gabi.
Actually apat dapat kaming pupunta para makapamili ng isusuot pero dahil excited si Mama ay two days ago pa sya nakabili pati si Papa at Vanna nga naibili nya na.
Kaya lang gusto ko kasi na makasama si Vanna sa pamimili ko kaya isinama ko na sya para na rin makapag bonding kaming dalawa.
Kahit kung tutuusin ay pwede naman na wag na lang akong bumili kasi marami naman na akong tuxedo sa bahay mga isang gamitan lang tapos tago nasa cabinet pero dahil pirming si Mama nga ang bumibili sa amin ni Vanna ay di ko na uli naisusuot ang mga iyon.
Dapat magbawas na siguro ako masikip na kasi eh isang kwarto din yun na dressing room namin ni Agatha.
Tama bukas nga matawagan ang kaibigan ni Mama na mahilig magbenta at bumili ng kahit ano para ma auction ito at kung pupuwede ay maibigay na lang ang kikitain sa orphanage na iniinsponsoran ni Mama.

"Bagay sa iyo darling, you want that?" tanong ko dito.
Nakangiting tumango ito at inakay ko na ito papunta sa saleslady na nasa tabi ng dressing booth.

"Miss my daughter want it" agad na tumango ito at inakay na nito si Vanna para makapagpalit na ito.
Naupo ako sa isang upuan na katapat ng salamin kung saan kitang kita ko ang mga dumadaan na mga tao dito sa mall.

Kumunot ang noo ko at agad na kumabog ang dibdib ko nang mapansin ko ang bulto nang katawan na katulad na katulad nang kay Agatha.
Napalingon ako sa kung naroroon ang anak ko at agad na tumayo para bilinan ang manager.

"Mrs. Diaz!" Agad na lumapit ito sa akin.

"Yes Sir?"

"Pakitignan lang sandali si Vanna may pupuntahan lang ako sandali babalik din ako agad pakisabi sa anak ko" bilin ko dito.

"Yes Sir, don't worry po kami po muna ang bahala sa anak nyo po" wika nito.

"Thanks," agad na umalis na ako at hinanap agad ng mga mata ko ang pamilyar na bulto nang katawan na nakita ko kanina.
Ayun! Mabilis na nakita ko ito at agad na sinundan habang ang lakas ng kabog ng puso ko.

////////////

Naku naman late na ako nito, bakit kasi nakalimutan ko na nagpapabili pala ang kambal ko nang mga gagamitin nila sa project sa school.
Last month di ko na napigilan ang sarili ko at ini enroll ko muna sila sa daycare center sa subdivision namin kasi naman gustong gusto talaga na nilang mag aral kaya ayun.
Pero di pa rin nila nakakalimutan ang promise ko sa kanila na dun sa nakita nilang school next year gustong pumasok.
Kaya kailangan ko talagang maghigpit ng sinturon para maipasok ko na sila sa gusto nilang school.

Malapit na ako sa bookstore nang may mabangga ako na babae napaupo ito agad at ako naman ay agad na napahawak sa salamin ng bookstore kaya di ako napaupo.
Di ko agad sya napansin kasi kinukuha ko sa bag ko ang listahan ng pinapabili ng kambal ko sa akin.
Agad na dinaluhan ko ito.

"Miss sorry po" tinulungan ko ito na tumayo.

"Tatanga tanga ka kasi!" Naiinis na wika nito pagkaraan ay nagtaas ito nang paningin at agad na napasinghap ito nang mapagsino ako " Anne!"
Kumunot ang noo ko at tinignan ko ito nang maige pero di ko naman ito makilala.

"Kilala mo ko?" Tanong ko dito.
Saglit lang na nagulat ito at mabilis na sinampal ako sa pagkagulat ko.

"Of course! Pa'nu kita di makikilala eh ikaw ang kabit ng asawa ko" sigaw nito.
Nagulat ako sa sinabi nito at mabilis na lumingap sa paligid ko.
Napakagat labi ako dahil huminto ang mga tao at nagbulungan ang mga ito.

Mistress to my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon