Napatingin ako sa relo ko at napabuntung hininga na lang.
Pagkaraan ay niligpit ko na lang ang pagkain na nasa mesa.
Siguro di na naman uuwi si Mr. Zevilla,
Mr. Zevilla ang tawag ko sa asawa ko dahil ayaw nyang tawagin ko sya sa pangalan nya.
Ang sabi nya nakakairita pag ako ang tumatawag sa kanya ng pangalan nya,
Vincent Andrew Zevilla, ang buo nyang pangalan ng sinubukan ko syang tawagin ng Vincent ay nagalit sya at sinigawan ako, tandang tanda ko pa ang sinabi nya,
"You" dinuro nya ako. "Have no right to call me on my given name, you don't deserve it, you ruined my life, to be married to my beloved Sofia, to be able to live together with her, to make my dream family come true, by carrying that child" turo nito sa wala pang umbok na tiyan ko. "You put in your sinful mind that i only marry you to have that child a name, nothing more, nothing less, don't expect me to be a real husband to you, you don't deserve it Mrs. Zevilla" may diin na wika nito sa akin.
Di rin nya ako tinatawag sa pangalan ko kundi sa apelyido lang.
Masakit kasi kahit ganun ay mahal ko pa rin sya kahit parang hangin lang ako sa harapan nya,
Kahit umuuwi lang sya sa townhouse na ito para magpalit lang ng damit.
Sa townhouse na malayo sa Manila nya ako tinira malayo sa mga magulang nya at malayo sa mga tao.
Di ko alam kung alam na ng lahat na pinakasalan ako ni Mr. Zevilla.
Di ko rin alam kung nakipaghiwalay sya kay Miss Sofia Quizon ang fiancee nya.
Pagkaraan kasi na ikasal kami ng kakilala nyang huwes ay agad nya akong dinala sa townhouse na ito.
Agad nya akong pinahinto sa trabaho ko dahil di nya masikmura na makatrabaho pa ako at araw araw ay makita.
Di rin nya raw kayang iuwi ako sa bahay na pinagawa nya para kay Miss Sofia.
Pagkaraan na mailigpit ko ang mga pagkain ay tumuloy na ako sa kwarto para makapagpahinga na kasi bawal sa akin ang magpuyat sabi ng Obgyne ko.
Maselan daw kasi ang pagbubuntis ko na nasa ikaapat na buwan na.
Wala rin naman akong kasama dito,
Walang tutulong sa akin pagnagkataon.
Kaya kahit gusto ko na hintayin si Mr. Zevilla ay hindi maaari.
Ayokong pati baby ko ay mawala sya na lang ang meron ako.
Maagang namatay ang mga magulang ko ayon na sa tiyahin at ang tiyahin ko na lang ang nakasama ko sa aking paglaki pero binawian din ito ng buhay sa sakit na cancer pagtuntong ko sa Kolehiyo.
Nagworking student ako para matustusan ang pag aaral ko dahil naibenta ko ang bahay na tinutuluyan namin ng tiyahin ko nang magkasakit ito para may ipangtustos ako sa pagpapagamot nito pero sa huli ay binawian din ito ng buhay.
At pagkatapos ko sa college ay natanggap agad ako sa kumpanya ni Mr. Zevilla bilang secretary duon sa unang pagkakataon ay naranasan kong umibig at sa unang pagkakataon din ay naranasan ko ang mabigo dahil saksi ako sa pagmamahal ni Mr. Zevilla kay Miss Sofia.
Kaya nakuntento na lang ako sa mga nakaw na tingin at pakikinig sa malamyos nyang boses akala ko masaya na ako sa ganun pero may nangyari na nagpabago ng lahat.
Katatapos lang ng meeting ni Mr. Zevilla sa mga kliyente ng kumpanya at medyo naparami ang nainom nito.
Nagkataon na nandun din ako sa lugar na yun dahil malapit lang din ang sementeryo kung saan binisita ko ang puntod ng mga magulang ko pati na ang tiyahin ko medyo ginabi na ako kaya nakaramdam na ako nang gutom at pumunta nga ako sa restaurant kung nasaan ang meeting ni Mr. Zevilla.