Chapter 19

16.1K 372 3
                                    


"Vincent!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at dagling pinuntahan ko ito para tapikin sa balikat.

"Henry!" Bati ko agad dito pagkaraan ay tinapik ko ang balikat nito na ginantihan din ng una.

"Ninong!" Tawag ni Vanna dito pagkaraan ay nagmano ito kay Henry.

"Vanna my cute na inaanak ang ganda ganda mo talaga, manang mana ka sa kagwapuhan ni Ninong" agad na binatukan ko ito sa ulo.

"Ang hangin mo talaga pare!"naaasar talaga ako dito pag binubuhat nito ang sarili sa harap ng anak ko.

"What?! I'm just telling the truth right my beautiful inaanak" baling nito kay Vanna na bumungisngis lang.
Maya maya pa ay dumako na ang mga mata nito kay Amanda.

"Oh, who's this beautiful lady Vanna?" Turo nito kay Amanda na namula agad sa simpleng papuri lang na sinabi ni Henry.

Damn! Naiinis ako sa sarili ko dahil nakaramdam agad ako ng inis sa papuri na binigay ni Henry kay Amanda kasi parang tutol na tutol talaga ang kalooban ko na pumunta kami sa party na ito tapos mas nadagdagan pa nang pagkayamot ko at mukhang kailangan ikalma ko ang sarili ko kasi alam ko na hindi tama ang nararamdaman kong ito,

"Tita Mandy meet Ninong Henry,
Ninong Henry meet Tita Mandy" agad na pinakilala ni Vanna si Amanda kay Henry sa pagkainis ko.

"Good Evening po Sir Henry" yumukod nang bahagya si Amanda dito pagkaraan
ay inabot ni Amanda ang kamay nya kay Henry para sana makipag handshake pero ang loko ay kinuha ang kamay ni Amanda at imbes na makipagkamay ay dinala ang kamay ni Amanda sa bibig nito at hinalikan.

"Nice Meeting you Mandy and don't call me Sir, Henry na lang" malambing na tugon dito ni Henry na nakakaasar dahil namula na naman si Amanda.
Naalala ko tuloy na ganitong ganito din ang reaksiyon ni Agatha nang pinakilala ko sila ni Henry noon sa isa't isa.
Bullshit!

Di na ako nakapagpigil at hinila ko na ang kamay ni Amanda sa pagkakahawak ni Henry.
"Enough Henry, my Secretary is off limits to you" pigil ang inis na wika ko dito.

"Really Vincent? kailan pa? Saka bakit? At wala naman akong sinasabi masama ah, nag aasume ka agad" natatawang nagtaas ito ng mga kamay at bahagyang dumintansiya sa amin ni Amanda.

"Hendrick!" Asik ko dito.

"Oo na nga ito na oh! Lumalayo na po ako" tumatawang sagot nito.
"My pretty princess tayo na lang ang mag usap Daddy mo may topak yata eh, sungit oh" wika nito sabay turo nito sa anak ko.
Nagpunas pa ito ng mata akala mo naman totoong umiiyak itong gago na ito.

"Daddy di ba sabi mo masama na mang away na lang basta mag sorry ka na Daddy look oh nagka cry na si Ninong"
Naaawang hinaplos ni Vanna ang mukha nito.

Aba't Gago talaga itong lalake na ito ah!
Bakit ko ba nakuha kuha na Ninong ito!
Lumapit ako dito at inakbayan ito at lumayo kami ng kaunti sa dalawa.

"Hendrick pag di ka umayos dyan ni dulo ng daliri nang anak ko di mo na mahahawakan pa" naiinis na bulong ko dito.
Agad na nawalan nang kulay ang mukha nito.

"T--teka wala namang ganyanan Pare naman eh! Magkaibigan na tayo since Highschool at tayong dalawa palagi ang magkasama sa hirap at saya, lungkot at ginhawa tapos ang mahalin at alagaan ang inaanak ko ipagdadamot mo pa" naiiyak na sagot nito.

"Oo!" Agad na tugon ko dito.
Lumabi ito at umirap sa akin.

"Ang Sama mo! Kaibigan ba talaga kita"

"Bakit di ka mag anak nang sarili mo at nang di kana umaligid ligid pa sa anak ko" inis na sagot ko agad dito.

"Wala pa akong mapiling Ina nang anak ko at saka ang damot mo sa anak mo pag ako nagka anak di ko rin pahahawak sa iyo" umikot lang ang mga mata ko sa banta nito.

"di mangyayari yun kasi may Vanna na ako"

"Ah ewan ko talaga sa yo" wika nito at humakbang na uli ito papunta sa dalawang naiwan namin.

"Daddy, Ninong, bati na kayo?" Agad na tanong ni Vanna sa amin.
Ngumiti si Henry at ginulo ang buhok ni Vanna.

"Of course naman My princess kami pa ng Daddy mo di magbabati eh halos magkapatid na ang turingan naming dalawa di ba Vincent?" May ngiting baling ni Henry sa akin.

"Of course Henry" sagot ko dito.

"See, my princess halika na nga at iwanan na natin yan Daddy at Tita Mandy mo at pumunta muna tayo sa Lolo at Lola mo" wika nito at inakay na agad si Vanna papunta sa mga magulang ko.
Naiwan kaming dalawa ni Amanda at ramdam ko na di na naman ito mapakali sa presensiya ko at aaminin ko naiinis ako kasi bukod tangi na sa akin lamang sya naiilang.

"Vincent!" Napalingon kapwa kami ni Amanda sa tumawag sa akin.

"Sofia" nawika ko na lang nang mapagsino ko ito.

"Hey darling why are you here in the corner it was dark here if i don't know you di pa kita makikita" malambing na wika nito habang lumalandas ang daliri nito sa dibdib ko.
At napapakagat labi na tumingin sa akin.
What a flirt! naisip ko agad pero isinaisip ko na lang.

"Sofia good to see you" pilit ang ngiti na sumilay sa labi ko.

Ngumiti ito lalo sa akin. "Oh Vincent me too" agad na tugon at akma pa na yayakapin ako kaya,
Mabilis na kinalas ko ang kamay nya na nakahawak sa akin at lumayo sa kanya at nang makalapit kay Amanda ay inakbayan ko ito na agad na kinagulat nito.
Kakalas na sana ito pero lalong hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa balikat nya kaya di na umalma pa.
Tumingin si Sofia sa akin at kay Amanda pagkaraan ay tumaas ang kaliwang kilay at naninningkit ang mga mata na ngumiti sa amin.

"Di ko alam na may kasama ka pala" tukoy nito kay Amanda.
Ngumisi ako at bumaba na ang nakahawak na kamay ko sa balikat nito papunta sa beywang nya at hinapit ko pa lalo palapit sa akin.

"Yeah she was my date tonight, so if you don't mind we may excuse to you because we don't want to be bother" sagot ko dito.
Kitang kita ko sa mga mata nya ang galit at inis na pinipigilan nya na kumawala.

"Really? Well excuse me if my presence here distract you and your date!" Ani nitn pagkaraan ay lumakad na ito papunta sa amin at dumaan sa gitna namin.
Dahil nga dumaan ito sa harapan namin ay nabitiwan ko si Amanda na kinawalan ng balanse nito.

Agad na niyakap ko si Amanda nang mabunggo sya ni Sofia at muntik na mapadausdos sa may mesa.

"Careful Amanda" bulong ko dito at kitang kita ko na namula ang mga pisngi nito.
She remind me of Agatha so much maybe that was the reason why I was attracted to her in the first place.
I chuckle and I cup her chin and move up her face to face mine and then I claimed her lips and kiss her deeply.
Natigilan ito pero maya maya lang ay naramdaman ko na tumugon na ito.
Sa pagtugon nito sa halik ko mas lalo pa akong ginanahan at lalo ko pang linaliman ang paghalik ko.
Pagkaraan ng ilang sandali ay naghiwalay kapwa kami at humihingal na nagkatitigan.
Namula ito at umiwas nang tingin sa akin.

"Let's get out of here I need you" bulong ko dito.
Nagtama ang mga mata namin.

"P--papano po si Vanna Sir?"
Ngumiti ako at hinaplos ang mukha nya.
Pagkaraan ay dinampian ko nang halik ang noo nya.

"Bahala na si Henry sa kanya at kasama naman nila ang mga magulang ko and besides di naman tayo magtatagal na dalawa" sagot ko dito at dumapo ang mga labi ko sa leeg nito at hinalikan ko na kinasinghap nito.
Lihim na napangiti ako dahil kahit di man nya isatinig ramdam ko na pumayag na siya sa gusto kong mangyari.
Agad na tinayo ko sya at inakay papalabas ng lugar na iyon.




Mistress to my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon