Nagising ako kanina na masama ang pakiramdam yun bang tipong hinahalukay ang sikmura mo at tila lumilindol ang paligid mo,
Agad nga akong napatakbo sa banyo ng nursery room ni Vanna at doon nagsuka nang nagsuka pagkaraan ay nanghihinang napaupo ako sa kama paglabas ko ng banyo.Masakit ang ulo na tinignan ko ang maliit na kalendaryo na nakapatong sa side table at napasinghap ako kasi mahigit dalawang buwan na pala akong di dinadatnan ng dalaw!
Naging masyado akong abala sa pag aasikaso kina Vincent at Vanna kaya siguro di ko napansin ang di pagdating ng dalaw ko.Napangiti ako at marahan na hinaplos ang impis na tiyan ko at tinignan si Vanna na himbing na natutulog sa kuna nya.
"Baby Vanna, mukhang magkakaroon ka na ng kapatid" nakangiting bulong ko dito at hinagkan ko ito sa noo at masuyong tinitigan.
Nitong mga nakaraang mga araw ay napakasaya ko dahil sa mag ama ko pati na rin ang mga magulang ni Vincent,
Tuwina'y laging sinasabi nina Mama at Papa na gusto nila ng isang dosenang apo na patakbo takbo sa mansion at sa malawak na garden nito.
Kaya alam ko na matutuwa sila kung sakali na tama ang hinala ko.
Lalo na si Vincent lagi na ay pirming nakangiti at nakayakap sa akin nitong mga huling araw.
Tila ba sa mga simpleng gesture nya ay pinapawi nya ang mga agam agam na naiisip ko.Nang masiguro ko na himbing na si Vanna ay iniwan ko muna ito kay Manang Soledad na mayordoma sa mansion kasi wala sina Mama magkasamang umalis sila ni Papa papunta sa party ng amiga ng huli.
Gusto kong makasiguro na sana tama ang kutob ko kaya pupunta muna ako sa obgyne ko dati pero malayo yun dito sa Maynila.Napabuntung hininga ako at nag isip kung saan nang maalala ko yun unang pinag check uppan ko bago ko sinabi kay Vincent na nabuntis nya ako.
Agad akong napangiti at nagsimula nang magbihis para makaalis na ako at maagang makauwi na din.
Pag tama nga ang hinala ko ay kay Vincent ko muna sasabihin saka ko na ipapaalam sa Mama at Papa.Agad akong nagpaalam kay Manang Soledad at pinatignan tignan ko muna sa kanya si Vanna dahil may importante akong lalakarin natuwa naman si Manang kasi sa wakas daw ay maaalagaan na nya si Vanna.
Pagkaraan ay nagpahatid ako kay Mang Ben na driver nina Papa.
Naiwan kasi ito pagkat si Papa daw ay gustong gusto na magdrive para practice lang daw tutal ay malapit naman daw lang yun party tapos tanghalian pa daw.Pagdating ko sa klinika ng Dating Ob gyne ko ay pang apat pa ako kasi may nauna na sa akin tanghali na kasi kami nakarating.
Sana naman ay matapos agad at nang di na kami matraffic pa ni Mang Ben papauwi kasi gusto ko na ipagluto sina Vincent, nakaugalian ko na kasi na ipagluto sila lalo pa't gustong gusto nila ang mga iniluluto ko at pirme pa ngang nagrerequest si Papa at Vincent sa akin ng mga putahe na gusto nilang lutuin ko."Ang tagal naman nuh?" Napangiti ako sa nagtanong sa akin at tumango dito, medyo nauna lang ako nang konti dito sa pagdating.
Pinasadahan ko ito ng tingin at napansin ko na di naman kami nagkakalayo ng edad pati nga sa hubog ng katawan ay parehas kami pero halata na ang umbok ng tiyan nya kaysa sa akin, tapos ang buhok nya ay mas mahaba kaysa sa akin kasi hanggang balikat ko lang ang pagkakaputol."Mrs. Zevilla?" Tawag nun midwife/secretary ni Dra. Santos sa akin kaya agad na napatayo ako at lumapit na dito kasi ako na pala ang kasunod.
"Uy, Ms. Bartolome ikaw pala yan? Kamusta ka na?" Nakangiting wika ni Dra. Santos nang mapagsino nya ako.
Umupo na ako agad tapos nagkamustahan lang nang konti tapos agad na nya akong sinuri pagkaraan pa nang ilang sandali ay nalaman ko na rin."Well, Mrs. Zevilla tama ka nang kutob you are two months pregnant, congratulations it's another blessing to your family right?" Bumugso ang tuwa ko pagkarinig ko ng magandang balita kaya tuwang tuwang na nakipagkamay ako dito.