@auds99 thanks sa pagboto \( ^ _ ^)/----------------------------------------------------------
"Sir ayaw ko, di ako pumapayag!" Wika ko habang papalapit sa gate ng sementeryo.
"Amanda di ko hinihingi ang permiso mo, inuutusan kita" sagot nito sa akin.
Di ako makapaniwalang napatigil sa paglalakad at humarap dito.
Nagising ako kanina na nakahiga sa mga hita nya at nandun pa rin kami sa puntod ng namayapang asawa nya!
Di man lang ako nilayo at dinala sa kotse,
Ang takot ko tuloy, akala ko binangungot na ako."Sir di simpleng bagay lang ang inuutos nyo, kalayaan ko ang nakataya dito, at saka Sir mag isip isip muna nga kayo ng ilang libong beses tapos pag naisip nyo ang kagaguhan na yan ay mali pala baka mapasalamatan nyo pa ako at di ako gagang pumayag agad sa gusto nyo!" Mahabang litanya ko dito.
"I told you, that today , this night, this hour, this minute, I decide that I WANT YOU TO MARRY ME" may diin na turan nito sa akin.
Nasapo ko ang noo ko na tila lalong sumakit at nakangiwing tumingin dito.
Bakas nang determinasyon ang gwapong mukha nito.
Na tila ba di ko na mababali pa ang desisyon nito."Sir pwedeng tumanggi ako sa gusto nyo?"
"No!"
"Sir pwedeng pag isipan ko muna ang lahat ng ito?"
"No!"
"Sir baka pwedeng umuwi muna ako sa amin kasi gabi na po baka nag aalala na po ang mga magulang ko pati na mga anak ko"
"...No?"
Tila lalong sumakit ang ulo ko dahil sa kanya.
Maka No Wagas!"Sir kung kayo ayaw pang umuwi ako kating kati na makalabas dito sa sementeryo, kaya po mauna na po ako" naiinis na paalam ko.
Agad na tumalikod ako dito at nagsimula nang maglakad papalayo."Amanda!" Agad na natigilan ako sa paglalakad ko at tila na estatwa sa pagkakatayo patalikod dito.
Nagsimula na itong humakbang papalapit sa akin at nang makalapit na ito ay niyakap ako nito mula sa likod ko.Sa pagyakap nya sa akin ay dagling napawi ang lamig na nararamdaman ko at pumalit ang mainit na pakiramdam mula sa pagkakadikit ng likod ko sa katawan nya.
Ramdam na ramdam ko din ang mabilis na tibok ng puso nya at ang traydor na puso ko ay tila nakikipag marathon dito sa bilis ng pagpintig nito."Amanda please listen to me, I think about it ten folds times than what you think and that was the reason I was sleepless last night, the responsibility of giving Vanna the woman who I think can fill the hole that my wife left is none other than but you, A loving Mother, that was you,
I know, that first hand,
Because everything and anything that you do, everytime that you spoke, I see and I feel that you genuinedly care and concern of Vanna, and I know that no gift has worth to give you but marriage, I know it was fast,but I'm gonna regret it if I don't do this sooner,please Amanda,
Don't think twice just say yes,
And I don't accept no as an answer"napapikit ako nang mariin at humarap dito."Sir may mga anak na po ako" ewan ko kung bakit pero yun ang nanulas sa bibig ko.
Ngumiti ito at hinagkan ako sa noo ko.
tinaas ng kanang kamay nito ang baba ko para mamasdan nya ako nang mabuti."I like them, magaan ang loob ko sa kanila, I promise to you that I be a good father to them,at ituturing ko silang mga sariling anak ko at kapatid ni Vanna, I mean it" agad na sagot nito.
Tinaas ko ang dalawang kamay ko at hinawakan ang magkabilang pisngi nito."A--ako ba Sir mahal mo?" Napangiti ako ng mapait nang makita ko na natigilan ito.
Agad na binaba ko ang mga kamay ko at agad na nagyuko at pumikit ng mariin para pigilan ang mga luha na gustong kumawala sa mga mata ko."Amanda, I like you I really do, our body is compatible, we are always in sync in the office,I like everything about you, you are smart, you are a loving parent to your two kids, you are kind and you like me also, don't you dare deny it 'coz I feel and I sense it" napailing ako dito at bahagyang lumayo.
"Pero...."
"Amanda I like you, isn't good enough to you?" Nakikiusap ang tinig nito at muli tinawid nito ang distansiya sa pagitan namin at kinabig ako papalapit sa katawan nya at bumaba ang mukha nito para abutin ang mukha ko at magtagpo ang mga labi namin.
Agad na tinugon ko ang paghalik nya at pinikit ko ang mga mata ko kasabay ng paglandas ng luha sa isang sulok ng mata ko.
Humihingal na naghiwalay ang mga labi namin at magkalapat ang mga noo namin na halos magkabungguan na ang tungki ng mga ilong namin sa sobrang lapit namin sa isa't isa."Amanda....please Marry me and help me to be finally be happy again and create a wonderful family with the five of us"
"five! Meaning pati mga anak ko kasama sa pamilyang gusto nyang buuin namin"
Pumikit uli ako pagkaraan ay mahinang tumango dito.
Agad na nagliwanag ang mukha nito sa naging aksyon ko."Is that a yes Amanda?" Muli tumango ako dito.
Natatawang hinapit ako nito sa baywang ko at pagkaraan ay kinarga at nagpaikot ikot kami."Oh god thank you! thank you!" sigaw nito habang nagpapaikot ikot kami.
"I promise you Amanda you will never regret that you say yes to me" binaba na ako nito pagkaraan ay inabot ang kamay ko para halikan.
Pagkaraan hinila na ako nito pabalik sa puntod ng namayapang asawa nya."Agatha" umpisa nito at tumingin muna sa akin bago muling binaling ang mga mata sa lapida.
"I know na nauunawaan mo ako sa desisyon ko na ito kasi ikaw na yata ang pinakamalawak ang pang unawa at pasensiya na nakilala ko at alam ko na masaya ka para sa akin....Agatha I know na nagkulang ako sa iyo nun nabubuhay ka pa, at pinagsisihan ko yun hanggang ngayon pati na rin ang pagkatorpe ko pero....I know ang daldal ko kaya" pumulupot ang isang braso nito sa beywang ko at kinabig ako papalapit sa kanya.
"Kaya di ko na patatagalin pa Agatha meet Amanda, at pumayag na syang magpakasal sa akin alam mo ba na katulad mo sya sa maraming bagay at katulad mo mabait din sya at maunawain at alam ko na magkakasundo sila ni Vanna" anito at bumaling uli sa akin at ngumiti ng pagkatamis tamis na ginantihan ko din ng ngiti.
Pagkaraan ay bumaling ako sa puntod ni Mrs. Zevilla at nag thank you sa kanya sa isip ko.
Nanatili pa kami dun nang may kalahating oras bago nagyayang umalis na si
Mr. Zevilla.