Chapter 7

25.5K 507 6
                                    

"Naku hija ang ganda ng apo ko mana sa akin,look mahal ko oh" karga karga ni Mama si Vanna.
Kanina pagdating na pagdating naming tatlo ay halos di na magkadantuto ang Mama sa pag aasikaso sa mag ina ko.
Nang ipakilala ko ang mag ina ko ay halos ipagtulakan pa ako ni Mama papalabas ng bahay para masolo sila.
Halos silang dalawa na lang ng asawa ko ang humahawak sa anak namin.
Kaya eto ako nasa isang tabi at kasama si Papa na umiinom ng kape.

"So that woman is your wife" tumango ako dito.

"Yes, Papa"

"She kind of familiar to me, di ko lang alam kung saan ko sya nakita"

"She was my former secretary Papa kaya siguro familiar sya sa inyo"

"Oh, really, I think she will be a perfect wife to you and mother to Vanna"
Napangiti ako dito.
Nakita ko na papalapit na sila sa amin.

"Look baby this is you Lolo, hay ang ganda ganda talaga ng apo ko" gigil na pinaulanan nya ng halik ito at mukhang gusto gusto ng anak ko ang atensiyon na binibigay namin sa kanya kaya hagikhik ito nang hagikhik.
Naupo na si Mama sa tabi ni Papa karga si Vanna at si Agatha naman ay pinaupo ko sa tabi ko.

"Kailan ang binyag ng apo ko ha Vincent ako nang bahalang mag ayos sa baby princess natin, anu baby ang lola na ang bahala sa yo no" nakakatuwa kasi tila naiintindihan ni Vanna ang sinasabi nya kaya humuhuni ito at tawa nang tawa kay Mama.

"Hay naku hija buti na lang at di itong asawa mo ang pinagmanahan ni Vanna"

"Ma naman"

"Bakit naman po.....mam" alanganin na tanong ni Agatha dito.

"Hay hija sinabi ko na Mama na ang itawag mo sa akin, magtatampo ako nyan eh" nakalabing wika ni Mama.

"M -mama" mahinang tawag dito ni Agatha habang namumula kaya napayuko ito pero kinabig ko ito papalapit sa katawan ko at niyakap ito.

"Yan dapat, naku ikaw talaga hija wag ka nang mahiya anak na rin kita, namin ng Papa mo, right Mahal?" Baling nito kay Papa na nakangiting tumango kay Agatha.
"See, anyway hija mabalik tayo sa usapan natin kanina buti na lang at di dito kay Vincent nagmana ng mood itong apo ko, alam mo kung bakit? Kasi di marunong ngumiti man lang yan anak namin lagi na ay nakaiyak tapos gusto laging karga ng Papa nya at nabreastfee----"

"Ma stop it nakakahiya" namumulang saway ko dito kasi naman eh,

"But thats the truth, ano Baby Vanna daddy mo iyakin dati" para talagang nakakaintindi na ang anak ko kasi humuhuni na sya, i mean tumatango sya at nakikinig, tumatawa, nagmamake face,
Tapos ang mga kamay nya laging magkasalikop tapos iaangat ang mga ito at hahawakan ang mukha mo, ang cute talaga, at di sya moody minsan ko nga lang narinig na umiyak ito at yun time na di ko alam na basa na pala diaper nya.
So I make sure na tuyo lagi ang diaper ng baby namin.
Ewan ko ba siguro sabik na sabik at gusto ko na laging nakikita ang anak at asawa ko.
Imagine Vanna is only three months old at amaze na amaze talaga ako sa kanya pag kaya nakabigkas na ito nang kataga Mama o Papa kaya?
Sabi ni Mama Dadada daw ang unang nanulas sa bibig ko nun.
This is irony of life, dahil nun una ayaw ko sa kanya pati na sa anak ko at lihim na lihim ay pinagsisisihan ko yun hanggang ngayon.
Kaya babawi ako sa pamilya ko.
Katakot takot na pang aasar pa ang inabot ko kina Mama tungkol sa nung baby pa ako.
Pero tumatawa lang si Agatha sa mga ito.
At pakiramdam ko na gusto na agad sya ni Mama at magaan ang pakiramdam ni Papa dito kaya panatag ang loob ko.
Di katulad nun time na pormal na pinakilala ko si Sofia sa kanila, oo pinakiharapan nila ito nang maayos pero ramdam ko ang pagkadisgusto ni Mama sa huli.
Di lang nila masabi sa akin kasi ayaw nila na magdamdam ako sa kanila.
Pero dito kay Agatha ramdam ko na di plastic ang pakikitungo ni Mama.
After nang asaran at kwentuhan napag usapan na namin kung kailan bibinyagan si Vanna, kung saan na simbahan, ilan ang ninong at ninang, at marami pang iba.
Halos kami nina Mama at Papa na ang nagplano nang lahat kasi si Agatha ay di na nakialam kasi wala naman daw syang ka close na kaibigan tapos ulila na raw sya.
Nalungkot ako nang malaman ko yun.
Imagine matagal syang nagtrabaho sa akin pero di ko alam na ulila na pala sya.
Pero sabi nya okay lang daw yun kasi bago namatay ang mga magulang nya ay kinupkop naman sya ng tiyahin nya at di hinayaan na mapunta sa ampunan.
Pinag aral pa sya at binusog nang pagmamahal.
Kaya overall kami na ang umayos sa lahat at dahil excited na si Mama ay gusto nya na next week na mangyari yung binyag.

/////////////////

Sa makalawa na ang binyag ni Vanna kaya eto ako halos di na makakain sa sobrang pagmamadali ko na matapos ang trabaho ko kasi excited na akong umuwi nang maaga.
Namimiss ko kasi lagi sina  Agatha at Vanna at lagi na ay inspired ako na magtrabaho.
Sa bahay ng mga magulang ko na kami tumuloy kasi nagtatampo si Mama pag ino open up ko ang topic na lumipat kami.
Gusto nya kasi kasama nya lagi si Agatha at pirming alaga nya si Vanna.
Kaagaw ko nga sa atensiyon ito ng anak ko eh lagi na ay tinataboy kami ni Agatha para daw makagawa kami ng baby boy naman.
And suprisingly ay talagang magkasundong magkasundo silang dalawa ng asawa ko lalo pa't magaling magluto si Agatha bagay na wala syang katalent talent.
Kaya pirmi nay tagatikim si Mama at madalas nagrerequest lagi naman si Papa na ipagluto sya nang pagkain nito.
Kakatampo nga kasi ako ang anak nila pero no pansin na ako sa mga magulang ko parang si Agatha ang anak nila at ako ang manugang eh.

"Sir nandito po si Mam Sofia papapasukin ko po ba?" Pukaw ng secretary ko.
Narinig ko sa background nito ang pagsisigaw ni Sofia dito.
Napahilot ako ng ulo,

"Don't, tumawag ka nang guard para palabasin mo sya at mahigpit na bilinan ang guard na wag syang papasukin dito sa company kahit kailan" matigas na bilin ko dito.

"Opo sir" tila natakot naman ito sa maawtoridad na utos ko.
Akala ko okay na pero nagulat na lang ako nang bigla ay pumasok ang galit na galit na si Sofia.

"Vincent tell your secretary that she is fired and the guards!" Turo nito sa namumutlang sekretarya ko.

"S -sir sorry po ayaw pong papigil ni Miss Sofia"

"It's okay Mrs. Santos but dyan ka lang sa pinto at yung inuutos ko gawin mo na" tila naunawaan naman nito ang ibig kong sabihin kaya agad na umalis na ito.

"Hah! The nerve of that woman, me Sofia Quizon dare to throw out of this building! Stupid!" Nanggagalaiting sabi nito.

"What are you doing here Sofia?" Di ko pinansin ang mga sinabi nya.
Napangiti ito at tangkang yakapin ako nang umatras ako dito.

"I came to visit you Vincent, and to confront you about Nora said to me"

"About what?"

"She said that you have a child to other woman at tinitira mo pa sa bahay ng magulang mo, is it true?" Napaangat ang kilay ko sa narinig ko sa kanya.
Pagkaraan ay napangisi ako.

"Why are you smirking Vincent? Sagutin mo ang tanong ko!" Gigil na pinalo nito ang mesa ko.

"Yes" bigla sinampal nya ako.

"You cheat on me! Damn you! Damn you!" Pinagpapalo nya ang dibdib ko.
Hinuli ko ang mga braso nya at marahang tinulak.
Kahit naiinis ako dito, buntis pa rin ito at ayoko na may gawin na marahas dito at baka may mangyari di maganda sa bata.

"Yeah, It's true, at wala akong obligasyon na sabihin ang bagay na yun sa'yo Sofia, baka nakakalimutan mo na wala na tayong relasyong dalawa" umiyak na ito.

"Vincent, I'm sorry okay please ayusin natin ito para sa bata kung inaalala mo ang anak mo sa labas handa ako na maging ina dito pakiusap makipagbalikan ka na sa akin"
Konting konti na lang papatulan ko na to.

"Don't you dare say it again to my child, Vanna is my real daughter unlike yours, and I'm already married to the mother of my child, at habang nakakapagpigil pa ako lumayas ka na sa harap ko! Bakit di ang pesteng ama nyan anak mo ang hanapin mo at kulitin na panagutan ka!" Di ko na napigilan at sinigawan ko na ito at nagulat pa si Sofia pagkat ni minsan ay di ko pa sya napagtaasan man lang ng boses.
Buti na lang at pumasok na si Mrs. Santos at ang mga kasama nyang guard at sapilitang  pinalabas na ito.
Walang nagawa ang pagpupumiglas nito at nasama na ito ng mga guards.

"Damn you Vincent! I swear you will pay to all that you done to me and my baby!" Sigaw pa nito bagay na di ko na lang pinansin.
At sya pa talaga ang may ganang magalit at maningil sa akin,
Umiiling na naisip ko at inutusan ko ang sekretarya ko na ipaalam sa lahat na bawal nang tumungtong dito sa opisina ni anino ni Sofia.
Pagkaraan ay binalikan ko na ang naiwang trabaho ko at pinagpatuloy.
Maaga pa akong uuwi sa mag ina ko.

Mistress to my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon