Chapter 30

18.6K 384 6
                                    


Kanina pa sya palakad lakad sa pasilyo nang hospital na pinagdalhan kay Amanda, pero di pa rin lumalabas ang doktor na umeestima dito.
Halos parang luluwa na ang puso ko nang madinig ko ang mga nagpingkian na mga bakal, ang langitngit ng gulong at ang malakas na pagsigaw ni Amanda.
Dali daling tumawag ako ng ambulansiya kahit wala akong ideya kung nasaan ito.
Basta ang nadarama ko lang ay kailangan na makapunta agad ako sa tabi nito at madamayan ito sa sakit na nadarama nya,
At masiguro na sana ay di naman sila napuruhan at okay lang si Amanda at ang anak namin.

Nagigiguilty ako kasi parang pakiramdam ko ako ang may kasalanan,
Kung sana di ko pinanaig ang selos ko at kinumpara sila ni Agatha,
Di kami mag aaway,
Di mga ito aalis sa mansion,
Sana di nangyari ang makuha ang mga bata at maaksidente si Amanda,

Halos tatlong oras na mula nang di ko na matiis ang pangungulila ko sa mga ito nang damputin ko ang cellphone ko para sana humingi sana nang tawad sa nagawa ko at nasabi ko dito.
Aaminin ko na nadala lang ako nang galit at panibugho sa mga nabasa at nakita ko na mga larawan,
Di ko naman sinasadya na mapagkumpara sila,
Wala akong kaide ideya na nasasaktan ko na pala ito,
Nashock ako nang bigla ay sumabog ang galit nya at pinamukha sa akin ang masakit na katotohanan na wala na si Agatha,
na si Amanda ang nandito at kasama ko,
Nagsisisi talaga ako,
Di ko alam ang gagawin ko kung pati si Amanda ay kunin sa akin kapares ni Agatha,
baka tuluyan nang huminto ang puso ko sa pagtibok nito,

Agad na lumapit ako sa pinto ng Emergency room nang may lumabas na mga Nurses at Doktor.

"Doc kamusta na po ang Mag ina ko?" Kinakabahan na tanong ko dito.
Di agad sumagot ito at sa halip hinubad ang face mask nito.

"Mr. Zevilla, first your wife is out of danger" nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito.
"But because of accident we need to act immediately and we do caesarian operation to save them both and treat your wife of her cuts and burns all over her body"

Nanlaki ang mga mata ko sa nadinig ko na sinabi nito at agad na tinanong dito ang lagay nang anak ko.

"Don't worry Mr. Zevilla despite what happen to your wife the baby is safe and congratulations for having a bouncing and healthy baby boy" wika nito at agad na kinamayan ako.
Pinaliwanag pa nito ang nangyari kay Amanda at nanlumo ako at nalungkot para dito.
Nagpaalam na din ang doktor sa akin.
Pumunta ako sa may salamin sa Emergency room at di ko napigilan ang maluha sa nakita ko na kalagayan ni Amanda.
Maraming paso ito sa buong katawan at puno nang sugat na gawa nang tumamang mga sharpnel ang mukha nito pati na ang mga braso at kamay nito na prumotekta sa tiyan nito para di mapano ang anak namin.
Ang mga sugat sa mukha nito ay masyadong malalalim at malalaki pa na halos kita ko na buto nito.
Ang sabi ng doktor maibabalik naman ang mukha nito sa dati pag naoperahan.
Naiiyak na hinawakan ko ang salamin na bintana nang Emergency room.

"I'm sorry Amanda kasalanan ko kundi ako nagselos at nagalit baka di nangyari na umuwi kayo sa magulang mo, di sana makukuha ng hayop na sinuman na lalake na yun ang mga anak natin,
Di mo sana hahabulin ang mga ito at di ka sana maaaksidenteng dalawa ng baby,
I'm really really sorry Amanda" paulit ulit na hingi ko nang paumanhin dito sa isip ko.

"Pare" napatingin ako kay Henry na agad na lumapit sa akin at tinapik ako sa balikat ko.

"Henry" tawag ko dito.
Agad na tinawagan ko ito kanina nang maisugod ko na sa ospital si Amanda.
Tinawagan ko na din ang mga Magulang naming dalawa at papunta na sila dito.

"How is Amanda and the baby?" Tanong nito.

"They already out of danger but as you can see about what happen to Amanda,
Henry di ako papayag na manahimik na lang, kailangan makuha ko sa hayop na lalake na yun ang mga anak ko at panagutin sya sa nangyari sa mag ina ko pare I need your help please find him use all of resources you need I don't fucking care basta makita ko lamang ang hayop na yun" tiim bagang na sagot ko dito.
Tumango ito at muli tumingin ako sa asawa ko na maraming aparato na nakakabit dito.
Di pa ito nagkakamalay kaya di ako aalis sa tabi nito at babantayan ko siya at aalagaan hanggang sa magising na ito.

Mistress to my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon