Epilogue

36 2 0
                                    

It feels like the memories of yesterday have returned to me. It’s exactly the same, rain pouring while I walk away from where Chanel is. The difference now is that I’m walking through the rainy path towards her.


It’s been 8 years... In the almost eight years that have passed, the hope of seeing and being with her again is still something I hold onto. And now, with fate bringing us face to face once more, there’s no longer any reason for me to look back at it.

Ito na si Chanel, abot kamay ko na. Abot na abot ko na.

The Chanel I saw 8 years ago is now standing right in front of me, unchanged. Her gentle face reminds me that she is truly Chanel, her eyes that shine like diamonds, her skin that seems untouched by the sun, and her lips, so red, with or without lipstick. Her presence still holds that familiar warmth, like an old melody that brings comfort with every note. The way she carries herself, effortlessly elegant, yet so full of life, makes it hard to believe how much time has passed. At this moment, I realize that despite the years, nothing has really changed. She is still the same Chanel, and I am still the same person who loves her very much, and deeper.

Deeper and deeper.

Fuck! Is this really happening? Talaga bang kaharap ko iyong babaeng tinatangi ko matagal na panahon na? Talaga bang pinagtagpo kami ng tadhana, mula sa ulang nasaksihan ang pagbitaw naming dalawa.

Hindi ako makapaniwala, gantong ganto iyon. Kinaibahan lamang ay tinulak ako papalayo ni Chanel, hinayaan ko siyang mag isa na umiiyak, at hinayaan niya akong maglakad papalayo sa kanya. Ngayon naman, ito ay tumakbo patungo sa akin, dahilan kung bakit siya bumunggo sa akin at parehas kaming sumukob sa iisang payong.

Pagtatagpuin parin pala kami, bakit mo pa pinatagal tadhana. Hinayaan mong maging miserable ang buhay ko sa paghahanap ng kalinga niya, at ngayon ay magpapakita siya sa akin na tila nakalimutan na ang lahat.

Pero hindi ko alam. Sapat na bang inantay siya? Sapat na bang nadirito ako ngayon at tinataw parin siya? Dahil maaaring nag hintay lang ako sa wala, baka mayroon ng nagmamay-ari ng puso niya.

Pero kung meron man, aagawin ko siya, magmukha man akong masama sa harap ng maraming tao. Basta maagaw ko siya. But if no one else, then maybe I can be the one, I'm more than willing, without hesitation. If she desires it, I would walk her down the aisle and marry her.

Successful na ako, pera ko na ang nagpapatakbo ng buhay ko, sarili ko ng pera ang umiikot sa mga kamay ko. Kaya kayang-kaya kong gumastos ng milyon-milyon mapa sakin lang siya.

Hindi saglitan, ngunit panghabang buhay. Dahil sinabi ko noon na kung magtatagpo muli ang mga landas naming dalawa, ay hindi ko na siya pakakawalan pa. If only I could kidnap her and claim her as my own, I would’ve done it already. Handa naman akong makulong basta sa mga bisig niya.

Marcus:
Nasa hotel mo ako, papunta ako kina Chanel, gusto mo bang sumama?

Hinaplos ko ang aking labi at pinaglaruan iyon. Tila lumilipad ang isipan ko sa meeting sa pag iisip na muli ko siyang makikita.

Kanina ay nagkita kaming dalawa sa elevator, halata sa mga mata niya ang gulat at pagkabigla. Hindi niya siguro inaasahan na ang tinutuluyan niya ngayon ay ang Hotel na ako ang namamahala.

See Chanel, successful na ako. Pero may kulang pa, kulang na kulang pa, hindi ako tuluyang magiging successful kung hindi ka pa napapasa akin.

“Tanginaka ba’t ang tagal mo?!” Bulyaw ni Marcus sa akin ng pagbuksan niya ako ng pinto.

Nangunot ang noo ko. Bakit ano minumura ng isang ‘to.

“Pakiramdam ko ay papatayin ako ni Chanel kapag nalaman niyang ikaw ang bisita.” Bulong niya sa akin.

Forever In Love (Book 2 Of AFIL, Love Back Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon