Aly's POV
Makalipas ang tatlong buwan, saka pa lang nila inihayag sa publiko ang pekeng pagkamatay ni Papa. Lahat ay planado. Lahat ay kalkulado. Lahat ay isinakdal na parang isang palabas—at pinaniwala nila ang buong mundo na wala na siya.
Sa loob ng tatlong buwang ‘yon, maingat nilang inilabas si Papa mula sa ospital—walang nakapansin, walang nakahalata. Pati ang CCTV footage, dinaya. Binura ang bakas ng gabi na ‘yon. Lahat ng doktor na may kinalaman sa kalagayan niya, tumulong din dahil sa respeto. Dahil kilala nila si Papa. Dahil naniwala silang mas dapat siyang mabuhay kaysa mamatay sa kamay ng mga hayok sa kapangyarihan.
Nang ilabas ang balita, sumabog ang lungkot. Sa media. Sa mga lansangan. Sa mga pamilyang minsan niyang natulungan. Nakiramay ang mga estudyante. Ang mga may sakit. Ang matatanda. Pati ang mga tagong komunidad na minsan niyang binigyang liwanag.
Sinabi sa’kin ni Mr. Eric na pati mga kakilala ni Papa mula sa ibang bansa ay nagpadala ng mensahe. Ang ilan, dumayo pa para makidalamhati. Sa press conference, ni hindi man lang binanggit ang pangalan ko. Walang koneksyon. Walang anino. Lahat ay itinagong mabuti.
At sa gitna ng lahat ng ‘yon, doon ko lang napagtanto—hindi ko talaga alam kung gaano kalaki ang pangalan ni Papa. Gaano karami ang taong nagmamahal sa kanya. Gaano karami ang nagbabantay. Kaya hindi ako magtataka... kung sa mga susunod na araw, malaman nina Jared ang tungkol sa balitang ito. At kapag nalaman nila, alam kong hindi ito matatapos sa pakikiramay lang.
Nandito ako ngayon sa apartment ko. Bihis na bihis, lahat ng suot ko itim. Hindi ko alam kung bakit, pero parang ganito na lang ako. Sa bawat piraso ng damit, pakiramdam ko ay parang isang simbolo ng pagkawala ni Papa—na hindi ko pa rin matanggap.
Ang balak ko lang naman ay sumilip sa pekeng puntod niya sa Highgate Cemetery. Nabanggit ko na kay Damian na pupunta ako. Sinabi ko na lang na mag-iingat ako, at na hindi ako mag-iiwan ng bakas. Hindi ko na kailangang magpaliwanag pa ng sobra, kasi alam ko na hindi nila ako maiintindihan. Hindi nila alam kung gaano kabigat ang lahat ng ito para sa akin.
Binigyan ako ni Damian ng mapa kung saan pwede akong makapasok nang hindi malalaman ng iba. Walang ibang tao sa lugar na 'yun, kaya sigurado akong walang makakakita sa’kin—maliban siguro kung gusto ko talagang makita.
Tumingin ako sa salamin. Parang hindi ko na kilala ang sarili ko. Ang laki ng ipinayat ko, at pati ang balat ko, namutla na. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa katawan ko—parang ang bigat ng lahat. Parang wala na akong lakas. Pero patuloy pa rin ako sa trabaho, sa pag-aaral, kahit na para akong nagtatago na lang sa mga routine. Kahit na parang hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko.
Ngayon, parang nag-iisip na ako kung hihinto muna ako. Siguro nga, kailangan ko. May plano na siguro akong susundan, pero hindi ko pa alam kung paano ko haharapin ‘yun. Siguro kailangan ko munang malaman kung ano talaga ang nangyari sa lahat ng ito, at kung may kahulugan pa ba lahat ng ginagawa ko.
Wala akong sagot sa mga tanong ko, pero alam kong isang hakbang lang ang kailangan ko gawin. At sa mga susunod na araw, baka dito ko malaman kung saan na ako patungo.
Iniwan ko naman 'yung motor ko at sumakay na lang ng bus. Siguro mga tatlumpung minuto din bago ako nakarating sa Highgate Cemetery. Nang makita ko na ang dami ng mga bulaklak na nakalagay sa labas, agad akong naluha. Puno ng mga mensahe, mga pakikiramay para kay Papa. Hindi na ako magtataka kung bakit mahal siya ng mga tao—kasi, sa totoo lang, mabait talaga siya. Hindi siya naghahangad ng anumang kapakinabangan, kundi kapayapaan lang. Gusto lang niyang tumulong, walang halong kapalit.
Umikot naman ako sa likod, tapos dumaan ako sa isang maliit na lagusan. Hindi kasi ako puwedeng dumaan kung saan-saan, kailangan ko mag-ingat. Kaya nagsuot ako ng mask at sumbrero para hindi ako makita ng kung sino man.
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 2 (ON-GOING)
ActionCUBH Season 2 After all the pain and the feeling of being abandoned, Zen stood on the edge of giving up. But then, something unexpected changed everything-a new spark of hope, a chance to begin again. He decided to return to the place where it all s...
