Aly's POV
Ang pintuan ng Archive Room ay bumukas ng may mabigat na tunog, kasabay ng malamig na simoy ng hangin na dumaan mula sa loob. Bawat hakbang ko ay tila nauurong, ang bawat ingay ng aking mga paa sa sahig ay waring binibigyang kahulugan ng mga mata ng kwarto. Hindi ito isang ordinaryong silid-ang bawat sulok nito ay puno ng mga elektronikong gadget, mga scanner at sensor na nagmamasid sa bawat paggalaw. Parang may sariling buhay ang mga kagamitan-bawat kanto at bawat display ay nagbabantay ng mga lihim na matagal nang nais itago at ilihim.
Habang lumalapit ako, parang naririnig niya ang mga yapak ng kasaysayan na patuloy na sumasabay sa bawat hakbang ko, na nagmumula sa mga lugar na matagal nang natabunan ng mga alon ng politika at takot. Ang silid na ito ay puno ng mga sekretong hindi para sa akin-ngunit ang akingpagkatao ay tila hindi na makakatakas mula sa mga ito. Pakiramdam ko ay natatakot ako sa maaari kong malaman. Gayunman, may parte sa akin na excited upang mas makilala ko pa ang totoong pagkatao ko.
Sa gitna ng kwarto, nakatayo ang Punong Ministro, ang kanyang ekspresyon ay tila isang tao na matagal nang pinasan ang bigat ng mga lihim. Ang mga mata niya ay puno ng pakiramdam ng kalungkutan, ngunit may kasamang matinding pagkatalo at paninindigan. Ang mga monitor sa paligid ay kumikislap, nagpapakita ng mga dokumentong hindi kailanman nasaksihan ng publiko-mga plano, mga sakripisyo, mga proyekto na natabunan ng alon ng politika at ng kasaysayan.
"Hindi ko alam kung bakit mo ako dinala rito," ani ko, tinig na may kabang hindi ko kayang takpan. Ang puso ko ay halos hindi na magkandahumayaw. Hindi lang ako naguguluhan, kun'di natatakot din-takot sa mga tanong na hindi pa ako handang malaman. "Bakit dito? Bakit ngayon?"
Tumingin ako sa Punong Ministro. Nagtaka na lamang ako sa kadahilanang ito ang unang pagkakataon na nagpakita siya ng emosyon-malungkot at nahahabag sa maaari niyang isiwalat sa akin.
"Ito lang ang lugar kung saan mo malalaman ang buong katotohanan," sagot ng Punong Ministro, ang tinig ay matalim, puno ng bigat. "Hindi lang tungkol sa ama mo. Hindi lang tungkol sa Ang Konseho. Kun'di sa kasaysayan na pilit nilang binura, tinago, at ipinagkait sa ating lahat. Minsan, ang tadhana ng isang pamilya ay nakatali sa nakaraan ng buong mundo. At sa pag-unawa mo rito, matutuklasan mong hindi lang ikaw ang nagdadala ng kasaysayan... ikaw ay bahagi ng isang kuwentong walang katapusan. Isang kwento na magbabalik sa iyo sa simula."
"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ko, ang mga mata ko ay malalim ang kabiguan at ang isang hindi maipaliwanag na takot. Hindi ko alam kung ano ang pinapalakas ng aking nararamdaman-takot ba, o galit sa lahat ng lihim na itinatago sa akin. "Wala akong ginugol na buhay para magtaglay ng ganitong klaseng kasaysayan. Kung may problema kayo, hindi na ako kasali sa bagay na 'yun." Gustong-guto ko nang umalis at tumalikod. Ngunit pakiramdam ko ay magsisisi ako kung hindi ko
"Tama," sagot ng Punong Ministro, na parang naghahanda na ipaliwanag ang hindi kayang yakapin ng sinuman. "Pero ang kuwento ng pamilya mo, Aly, ay hindi isang ordinaryong kuwento. Ang iyong ama, si Richard, ay isang arkitekto ng mga sistemang magbabago sa mundo. Minsan, ang kapangyarihan ng isang pamilya ay hindi lang nakikita sa yaman o sa lakas. Ang tunay na kapangyarihan ay nasa kung paano nila itinataguyod ang mga prinsipyo sa likod ng mga malalaking desisyon-mga desisyong maglalagay sa isang buong henerasyon sa alanganin."
Tahimik kong tinignan ang mga display sa harap ko. Habang ako'y lumalapit, ang hangin sa kwarto ay tila nagiging mas malamig, ang bawat hakbang ay nagiging mas mabigat. Biglang lumiwanag ang isang screen, at sa likod ng mga kumikislap na display, lumitaw ang isang larawan ng isang lalaking pamilyar sa akin-medyo matandang kamukha ni Mr. Richard.
"Ang Lolo mo, si General Ezequiel Ignacio Rodriguez," ani ng Punong Ministro, ang tinig ay puno ng pagkilala at mabigat na alaala. "Siya ay dating miyembro ng The Twelve Core-labindalawang pinakamapangyarihang tao sa buong mundo. Sila ang nagdidikta ng daloy ng ekonomiya, ng giyera, ng medisina, at ng populasyon. Sila ang may hawak ng kapangyarihan upang baguhin ang takbo ng buong sibilisasyon. Tinutukoy nila kung sino ang mabubuhay at kung sino ang maglalaho. Ngunit higit pa sa pagiging mga lider, sila ang mga arkitekto ng kapahamakan."
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 2 (ON-GOING)
AcciónCUBH Season 2 After all the pain and the feeling of being abandoned, Zen stood on the edge of giving up. But then, something unexpected changed everything-a new spark of hope, a chance to begin again. He decided to return to the place where it all s...
