Aly's POV
Hinalungkat ko pa ang mga gamit ni Papa. Hindi ko rin alam kung ano bang hinahanap ko-basta may kutob lang ako na may kailangan akong makita. Sa isang lumang kahon sa ilalim ng lamesa, may mga notebook akong nahanap. Ang iba, gutay-gutay na ang mga pahina, at may mga sulat na parang hindi ko maintindihan. Tapos may mga papel pa na puno na naman ng mga symbol-mga hugis at linya na parang galing sa ibang mundo. Seryoso, para akong nagbabasa ng textbook para sa mga alien. May ilang tech parts din, mga wire at lumang circuit board na hindi ko alam kung gamit pa o basura na.
Bago pa ako tuluyang lumabas, bitbit ang isa sa mga notebook, may biglang nangyari.
May liwanag na lumitaw sa harapan ko. Maliit lang sa una, parang static sa ere. Tapos dahan-dahang lumaki, hanggang sa may nabuo na hugis. Silweta ng isang tao. Napaatras ako sa gulat at, dahil sa reflex, sinipa ko agad.
Pero hindi ko siya tinamaan. Tumagos lang ang paa ko.
"Apologies, Aly. Did I startle you?" sabi ng babae habang unti-unti siyang lumilinaw. May konting ngiti sa labi niya at bahagyang kumikislap ang katawan niya. Hindi siya tao-hologram siya. Pero kahit halatang artificial ang hitsura, mukha siyang kalmado at... somehow, familiar.
Napalunok ako. Babae nga siya. Pero hindi ko maintindihan kung ano ba talaga siya. Robot? Projection? Illusion?
"S-Sino ka? At paano mo ako kilala?" tanong ko habang dahan-dahang umatras. Hindi ko siya inalisan ng tingin.
"I am LIRA-Localized Intelligent Reactive Assistant. I was created by Lord Richard, your father."
Nanigas ako. Parang may malamig na hangin na dumaan sa likod ko. AI? Si Papa ang gumawa ng ganito?
"AI...? You mean... my father built you?" tanong ko, hindi pa rin makapaniwala.
Tumango naman ito. "Yes. I was designed to safeguard all classified data, backup coordinates to fallback safehouses, encrypted access points to gold reserves, and a number of unpublished projects. All of which were personally handled by Lord Richard."
Hindi ako nakapagsalita. Nakatingin lang ako sa kaniya. Sa dami ng sinabi niya, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Ang daming tanong-pero parang nanikip ang dibdib ko sa bigat ng narinig ko.
"I understand that you're confused," patuloy niya. "But if you allow me, I can help you understand everything. Your father didn't want you to live in the dark."
Sa harapan ko, may biglang lumutang na isa pang hologram. Isang puting square na bahagyang umiilaw. Parang naghihintay sa akin.
"Place your hand on the hologram," Marahan niyang saad sa akin. "It will begin the process."
Tumingin ako sa kamay ko, tapos sa hologram. May kaba pa rin sa dibdib ko, pero naramdaman kong kailangan kong gawin 'to. Parang lahat ng tanong ko-lahat ng gustong kong malaman tungkol kay Papa-nandoon. Kaya kahit nag-aalangan, nilapat ko ang kamay ko.
Pagkahawak ko sa hologram, bigla kong naramdaman na parang may humigop sa paligid. Nag-vibrate nang bahagya ang sahig sa ilalim ko-o baka ako lang 'yon. Unti-unting nag-iba ang paligid ko. Dahan-dahan, parang binubura ng puting liwanag ang kwarto. Tila sinisipsip ang lahat ng bagay-mga pader, mga gamit, hanggang sa wala nang natira kundi liwanag.
Pagdilat ko, napalibutan na ako ng puti. Walang kisame, walang sahig, walang hangganan. Para akong nakalutang sa kawalan. Lahat ng nasa paligid ay puro puti, pero hindi nakakabulag. Isang 360-degree projection ang bumalot sa akin. Hindi ko alam kung ano'ng totoo at kung ano'ng illusion. Parang memorya ito na may sariling isip. Parang dinala ako sa ibang dimensyon-isang virtual replica ng isang lugar na hindi ko pa kailanman nakita.
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 2 (ON-GOING)
AcciónCUBH Season 2 After all the pain and the feeling of being abandoned, Zen stood on the edge of giving up. But then, something unexpected changed everything-a new spark of hope, a chance to begin again. He decided to return to the place where it all s...
