Aly's POV
Ilang segundo ang lumipas at wala pa ring nagsasalita. Parang huminto ang oras-walang gumalaw, walang umimik. Ramdam ko ang kakaibang bigat na bumalot sa buong silid. Para bang may humigop ng hangin at iniwan kaming lahat sa gitna ng tensyon. Gusto ko nang tumayo at umalis, pero hindi ko magawa. Ayoko ring lumabas na bastos o tila may tinatago sa harap nila.
Nagkatinginan naman silang lahat. Wala silang sinasabi, halata sa mga mata nila na may malalim silang iniisip. Hindi na ito simpleng usapan lang. May something na. At sa tingin ko, pareho nilang nararamdaman 'yon.
Maya-maya, may boses na bumasag sa katahimikan-ang pinaka-tahimik sa kanilamg grupo mula pa kanina.
"Uh... I know this might sound crazy, pero... may narinig na akong kuwento tungkol diyan, sa The Twelve Core," mahina at may pag-aalangan ang tono ng lalaki. Tumingin siya sa amin, parang iniisip pa kung itutuloy ba niya o hindi. "Galing sa Papa ko. Noong bata pa ako, ikinukuwento niya 'to sa akin na parang bedtime story. Akala ko noon, gawa-gawa lang niya. Pero ngayon..." tumingin siya sa graffiti, "...baka nga totoo."
"Ano'ng kuwento, PJ?" tanong ni AA, agad na naging interesado.
Tiningnan kami ni PJ isa-isa, para bang sinusukat ang magiging reaksyon namin.
"Sabi ng Papa ko, may grupo raw na tinatawag na The Twelve Core. Hindi sila lumalabas sa balita. Pero may malalalim daw silang koneksyon sa bawat bansa, bawat mahalagang desisyon, bawat giyera, at maging sa mga panahong may kapayapaan. Sila raw ang dapat na 'nag-aayos' ng mundo-pero hindi bilang mga bayani. Hindi rin sila masasabing kontrabida. Sa paniniwala raw nila, kailangan nilang i-reset ang mundo para maayos ang kinabukasan."
Gano'n din ang sinabi sa akin ni LIRA. Kaya malaki ang posibilidad na totoo ang lahat ng patungkol sa The Twelve Core.
"That sounds... ominous," bulong ni AA, halos hindi naririnig.
"So cult sila?" tanong ni Dana, halatang hindi komportable at may halong pagkadiri sa tono.
"Hindi ako sigurado. Hindi naman gano'n ang pagkakuwento ni Papa. Parang mas secret society? Isang grupo ng mga taong may mga puwesto sa likod ng bawat sistema. Sabi niya, may labindalawang upuan-at bawat isa may kontrol o impluwensya sa isang sektor: military, economics, education, media... pati religion. Kapag nabuo na raw ang 'bilog,' doon na magsisimula ang tinatawag nilang 'paglilinis.' Nabanggit ko lang dahil pamilyar sa akin. Pero hindi ko na tanda ang lahat dahil bata pa ako noon."
Muling natahimik ang lahat.
At doon ko naramdamang unti-unting nabaling sa akin ang mga mata nila. Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung halata na ba nila. Pero sa loob-loob ko, may bumabagabag na. May kaba. May ingay na tumatakbo sa isip ko.
May alam ako tungkol sa The Twelve Core.
Hindi buo. Hindi detalyado. Pero may sapat akong nalalaman para maunahan ng kaba. Mga simbolong pamilyar sa akin, na alam kong hindi lang basta ukit. May mga koneksyon na minsan ko nang pinagdududahan, pero pinili kong huwag nang usisain.
Pero hindi ko puwedeng magsalita. Hindi pa. Kulang pa ang alam ko. At kung may masabi akong mali-baka may masamang mangyari. Baka makasama pa.
Kulang pa talaga ang mga impormasyong iniwan sa akin ni Papa. Kahit gaano ko subukang intindihin ang mga detalye, parang may mga parte pa rin siyang hindi sinasabi. At si LIRA... oo, tumulong siya, may ibinahagi rin naman siya sa akin, pero ramdam ko na hindi pa iyon sapat. Parang may mga bagay siyang pinipiling hindi banggitin-o baka hindi rin niya alam ang kabuuan.
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 2 (ON-GOING)
AcciónCUBH Season 2 After all the pain and the feeling of being abandoned, Zen stood on the edge of giving up. But then, something unexpected changed everything-a new spark of hope, a chance to begin again. He decided to return to the place where it all s...
