Chapter 115

132 9 0
                                        

Aly's POV

Sinundo sila ng mga tauhan ng Punong Ministro gamit ang isang chinook helicopter. Kitang-kita sa mukha ni Damian ang pag-aalala at pag-aalangan. Gusto pa sana niyang magpaiwan at samahan ako, ngunit wala na siyang nagawa kun'di ang sumunod kina Mr. Richard. Alam kong hindi siya mapakali, at ramdam kong gusto niyang manatili sa tabi ko, ngunit hindi iyon maaaring mangyari. 

Tahimik lang ako habang pinapanood ko sila mula sa gilid. Hindi naman nagtanong ang mga tauhan ng Punong Ministro kung bakit hindi ako kasama sa kanila. Marahil ay bahagi iyon ng utos o plano, kaya wala na rin silang sinabing anuman. Sa totoo lang, kahit magtanong sila, wala rin akong balak magpaliwanag. May tiwala ako sa plano namin, at alam kong mahalagang sundin ang bawat hakbang nito. Kailangan naming siguraduhing walang pagkakamaling magaganap dahil maaaring mas malaking gulo ang idulot ng kahit maliit na pagkukulang. 

Nasa loob na ng chinook sina Mr. Richard, Damian, Ate Sarah, at Kuya Alex, ngunit hindi pa rin maalis ni Damian ang tingin niya sa akin. Halata sa kaniya ang pag-aalala. Samantalang si Mr. Richard naman ay masayang ngumiti mula sa bintana ng chinook, pilit pinaparamdam na magiging maayos ang lahat. Ang alon ng emosyon ko ay parang hangin mula sa umandar na makina ng helicopter—malakas, magulo, at bumabagsak nang diretso sa akin. 

Dahan-dahang umangat ang chinook, at kasabay nito ay ang mas lalong pagbibigat ng nararamdaman ko. Pansin ko ang seryosong mukha ni Damian na para bang may gusto siyang sabihin ngunit pinili na lang niyang manahimik. Nang tuluyan nang magsara ang pintuan ng helikoptero at unti-unti itong naglaho sa paningin ko, napabuntong-hininga ako nang malalim. Wala akong magagawa kun'di tanggapin ang pangyayaring iyon. 

Pumasok ako sa loob na parang may dalang mabigat na bagaheng hindi nakikita. Tumungo ako sa kwarto ko, tahimik at tila nawawala sa sarili. Pagpasok ko, kinuha ko ang mga gamit ko at inilapag ang mga ito sa kama. Tumitig ako roon nang ilang sandali, parang tinatanong ang sarili kung tama ba ang mga desisyong nagawa ko. 

Kailangan kong maghanda. Kahit nararamdaman ko ang bigat ng responsibilidad sa mga balikat ko, hindi ako puwedeng magpaapekto. Hinubad ko ang basang damit ko at nagbihis. Habang ginagawa ko ito, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga mukha nila Mr. Richard at Damian bago sila umalis. Ang ngiti ni Mr. Richard na puno ng tiwala at ang mga matang alalang-alala ni Damian—mga ekspresyong tila nagtutulak sa akin na huwag sumuko. 

Kinuha ko na ang dalawang paper bag na iniabot sa akin kanina para makapagbihis na. Habang papasok sa kwarto, sinigurado kong nakasara ang pinto para walang makakita sa akin. Pagdating ko sa loob, inilabas ko ang stockings na may garter at maingat na sinuot ito. Pakiramdam ko, mas madali akong makakagalaw dahil sakto lang ang fit nito. Sunod kong inipit ang dalawang kutsilyo sa magkabilang hita, siniguradong hindi ito makikita o mahuhulog kahit anong mangyari. Kasunod nito, inilagay ko rin ang maliit na baril sa kanang hita. Alam kong medyo OA ito, pero mas mabuti nang handa kaysa magsisi sa huli kung sakaling may mangyaring hindi inaasahan.

Nang maayos ko na ang mga gamit sa katawan ko, saka ko kinuha ang gown mula sa bag. Medyo mabigat ito kaya kailangan kong maging maingat sa pagsuot. Dalawahan kasi ang disenyo nito, tulad ng suot ko noong nakaraan. Kapag sinindihan, masusunog ang ibabaw na layer ng gown at lilitaw ang bagong layer. Malinaw ang bilin sa akin: kailangan daw magpasiklab agad sa mga tao, kaya ganitong klase ng gown ang pinasuot sa akin. Habang inaayos ko ang gown, naisip ko kung gaano karaming oras at effort ang ginugol nila para lang magmukha akong kakaiba ngayong gabi.

Matapos iyon, nilabas ko ang mga makeup kit ko at naglagay ng kaunting kolorete sa mukha. Simple lang ang ayos, pero sapat para magmukhang elegante at handa sa anumang eksena. Kinulot ko rin ang buhok ko gamit ang maliit na curling iron na dala ko. Gusto kong magmukhang natural ang kulot pero may konting drama para sa mga taong makakakita sa akin mamaya. Nang matapos akong mag-ayos, humarap ako sa salamin.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 2 (ON-GOING)Stories to obsess over. Discover now