Stacey's POV
Kinabukasan ay nagising ako sa kwarto ko dahil sa pagtitili ng mga katulong namin sa ibaba. Letche talaga ang himbing ng tulog ko nagising lang dahil sa mga gagang ito.
Bumangon ako sa kama ko at kinamot ko pa ang ulo ko.
"Ayieeeeeee!!! May gash sila nanaman!" kinikilig na wika ng mga katulong ko sa ibaba. Dahil sa nainis na ako agad bumangon ako sa kama ko at bumaba.
Habang bumababa ako ng hagdan ay nakita ko na ang tatlo kong mga katulong na tumitili habang nanunuod ng balita sa TV.
"Hoy! Ano ba ang iingay niyo? Hindi niyo ba alam na nakaabot na sa kwarto ko 'yang mga matitinis yung boses! Para kayong mga baboy na kakatayin tss," naiinis kong wika sabay cross arms sa kanila.
"Mam sorry oh naeexcite lang kasi kami sa balita eh," pagpapaliwanag naman ng isa. "Hmmm bakit ano ba yang pinapanood niyo?" mataray na wika ko.
Natigilan kami ng may ng nagsalita na yung nag-uulat sa balita.
"Nagbabagang balita, kagabi may iniligtas nanaman ang The Zorro boy's na mga kababaihan dito sa kamaynilaan. Ayon sa sumaksi muntikan na kunin ang mga dalagitang tumatambay sa may waiting shed ng kalsada ng isang puting van. Mabuti nalang agad rumesponde ang mga kalalakihan na ito na may suot ng maskara. Hanggang ngayon labis ang pasasalamat ng mga tao sa tatlong kalalakihan na ito.
Ang tanong sino ba talaga ang mga kalalakihan na ito na nasa likod ng itim ng maskara?"
Ang sabi ng nag-uulat sa balita natigilan ako ng biglang tumili nanaman ang mga katulong ko.
"Mam?! Talagang nakakatuwa talaga ang Zorro boys na yan," masayang wika nila. "Oo nga eh huhuhu sana makita ko na sila in person," sabi naman ng isa.
Naalala ko si Z2 kagabi possible kaya isa siya sa mga Zorro boy's. Baka possible nga may gumuhit na mga ngiti sa labi ko.
"Hmmm paano kung sabihin ko sainyo na naencounter ko ang isa sa mga Zorro boy's" ani ko sa kanila na kinatigil nila.
"Ta-talaga Madam! Wow nice naman ano po itsura niya sabihin niyo naman po," nanabik na wika niya.
"Hmmm gwapo siya, matipuno ang katawan, tska malakas ang sex appeal, teka bakit ko ba kayo kinausap?" mataray na wika ko sa kanila ngunit tumili lang mga ito.
"Malakas daw ang sex appeal ibig sabihin may abs! Waaahh!" pagtitili ng mga gaga. Naalala ko kagabi hinawakan ko nga ang tiyan niya at ramdam ko may pandesal ito sa loob nito.
"Teka nga?! Bumalik na nga kayo sa trabaho niyo? Hays! Kakainis!" tugon ko sa kanila agad nagsibalikan naman ito sa kwarto nila.
Naisipan ko na din na bumalik sa kwarto para magprepare na para sa school. Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay ibinaling ko ang attention ko sa picture fram ni Stephanie.
"Hello my dear kambal goodmorning papasok ulit ako sa klase ko ngayon, haays alam mo ba kahapon may ginawa nanaman na kagagahan ang bunso mong kapatid, nagcheat kasi ako hehehe, muntik na nga ako maguidance, buti nalang madali ko nalusutan," natatawang wika ko sa kanya.
"Hays ano nanaman kaya mangyayari sa akin sis? Bantayan mo ako palagi ah and sana ikaw maging lucky charm ko. Dahil sasali ako sa contest for Miss Aquiantance 2019 sa school namin," masayang wika ko.
May napansin ako sa small album sa tabi ng lampshade ko. Agad kinuha ko ito at binuklit. May nakita akong isang pinaglumaan na picture when I was thirteen years old.
"Haays andito pa pala to tss, yung picture ko kung saan nakasubsub talaga ang pagmumukha ko sa tae ng kalabaw tss," wika ko sa aking sarili.
"Ikaw talaga Stephanie, kinunan mo pa talaga ako ng litrato that time hmmm, pasalamat ka di ko pa tinatapon to, kasi alam ko na ayaw mo, gusto mo ang epic na scene na to," wika ko sa larawan ni Stephanie.
![](https://img.wattpad.com/cover/264411452-288-k256688.jpg)
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat, My Lover
RomanceStacey Villanueva a spoiled brat girl. She wants everything she bounces off with beauty. She likes to play with men, because she doesn't take it seriously when it comes to love. She has rebelled in her life since her twin sister died due to the neg...