Jake's POV
Naghintay ako ng dalawang buwan hanggang sa natapos na ang second semester ng pagmamasteral ko. Inasikaso ko na ang mga papeles ko sa paglipat ng school sa Pilipinas.
Gustong gusto ko na makauwi ng bansa ko para makita ko na din ang mag-ina ko. Ngayon ay handa na ako umuwi sa amin. Handa na ako harapin ang mga responsibilidad ko bilang anak at ama.
Habang nag-iimpake ako ng mga gamit ko sa mansion ni Lola, naramdaman ko naman ang presensya niya sa likuran ko.
"A—apo? Hindi ka na ba mapipigilan umalis?" naiiyak niyang wika habang inaasikaso ko ang mga gamit ko.
"Hmmm hindi na. Aalis na ako," malamig na wika ko. "A—apo bakit mo ba sinisira ang buhay mo? Hindi naman kami nagkulang ng Lolo mo ah? Binigay namin ang lahat, bakit mo kami iiwan?" di makapaniwalang wika niya.
Agad humarap ako sa Lola ko. Halos mangiyak iyak pa ito sa harapan ko.
"La, hindi naman oh kayo nagkulang sa lahat sa akin. Hindi ko gusto ang ginawa niyo sa Mommy Cyril ko. Lola mommy ko pa rin iyon eh, yung pinagtangkaan niyo ng buhay," malamig na wika ko sa kanya.
"Apo hindi mo siya mommy, hindi mo siya kadugo bakit gusto mo pa rin sa babaeng iyon. Nilalason lang niya ang mga utak niyo ng daddy mo!" aniya.
"La, hmmm kahit hindi ko man siya kadugo, still she is my Mom! Kung hindi dahil sa kanya eh patay na ako ngayon! Mas mabuti pa nga siya kesa sa tunay kong ina na gusto ako ipalaglag palang noong nasa sinapupunan niya ako? Lola hindi niyo oh ba naiisip iyon ah?" maanghang na wika ko.
"A—apo please stay with us ng Lolo mo tumatanda na kami," nagmamakaawang wika niya. "Yun na nga Lola eh, tumatanda na nga kayo ni Lolo, so dapat itigil niyo na ang pressure sa pamilya natin. Bakit hindi nalang tayo magmahalan, at tanggapin ang isa't isa tss," sabi ko kay Lola sana marealize niya mga sinasabi ko.
"Ha-handa ka ba maghirap para lang sa kanila ah?" aniya. "Oo! Walang problema sa akin iyon Lola, wala ako pakialam kung maghirap man ako. Aanhin ko ang kayamanan kung ang mga mahal ko sa buhay ay hindi ko makakasama, Lola kung mahal mo ako magpaparaya ka," malamig na wika ko agad kinuha ko na ang mga gamit ko at akmang aalis na sana siya.
"Apo! Please huwag mo kami iiwan, saan ka pupunta doon sa girlfriend mong spoiled brat?! Walang kwenta ang babaeng iyon!" mariin na wika niya na kinatigil ko. Tinignan ko ito ng masama.
"Don't ever call her na walang kwenta at spoiled brat! Hindi mo kilala kung gaano kabuti ang babaeng iyon. Hindi ko siya mamahalin kapag wala ako nakikita sa kanya na mabuti Lola, don't judge her!" mariin na wika ko ngunit umiling iling lang ito.
"Jake, please huwag mo naman gawin ito sa amin oh," nagmamakaawang wika niya. "I'm sorry Lola, aalis na ako, hmmm kung gusto niyo maging maayos ang pamilya natin, tanggapin mo mga mahal ko sa buhay Lola," ani ko.
Ramdam ko na ang pag-iyak ng aking Lola. Gusto ko maawa pero pinigilan ko. Mas kelangan ako ng pamilya ko sa Pilipinas. Bago ako umalis ay may isang balita ako iniwan sa kanya.
"Hmmm Lola, by the way sana sa sasabihin kong ito magbago ang isipan mo, na mahalin ko si Stacey. Magkakaroon na kayo ng apo sa tuhod, dahil nagiging daddy na ako. That's the reason why gusto ko na umuwi ng Pilipinas. Para sa mag-ina ko," ani ko na kinagulat niya.
"What? Mag-kakaapo na ako?" di makapaniwalang wika niya ngumisi nalang ako kay Lola. Hinalikan ko ito sa noo at umalis na ako sa harapan niya. . . .
*********************
Labing-dalawang oras ang hinintay ko para makauwi ng bansa ng Pilipinas. Atlast! Nakauwi na rin ako ng Pilipinas! Halos mapangiti pa ako ng pinagmasdan ko ang airport. It's been eight months since hindi na kami nagkita ni Stacey.
![](https://img.wattpad.com/cover/264411452-288-k256688.jpg)
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat, My Lover
RomanceStacey Villanueva a spoiled brat girl. She wants everything she bounces off with beauty. She likes to play with men, because she doesn't take it seriously when it comes to love. She has rebelled in her life since her twin sister died due to the neg...