Stacey's POVLumipas ang mga araw hanggang ang araw ay naging buwan na. Magsisiyam na buwan na akong buntis. At ang buwan na ito malapit na ako manganak. Nagtungo kami ni Jake sa ospital para magpaultra-sound.
Sabi ng doctor ko ay kelangan ko magpacheck up bago sumapit ang araw na manganganak na ako. Isang linggo nalang ang hinihintay namin ni Jake. Palagi siya nasa tabi ko, gusto niya ako palagi binabantayan.
Naawa ako sa kanya dahil hindi na muna siya pumasok sa pagmamasteral niya dahil sa akin. Mas gusto niya na bantayan ako.
Ramdam na ramdam ko ang pag-aasikaso niya sa akin.
"Goodnews, malusog at maganda ang kondisyon ng bata, kaya wala tayo ipag-aalala," masayang wika sa amin ng doktor.
"Talaga doc? Maraming salamat ah kelan po talaga lalabas ang bata?" Pagtatanong ni Jake.
"Hmmm mga nextweek basta abangan mo nalang, due date na ng Misis mo. Pero payo ko lang ah? Huwag ka pa rin masyado magalaw, kasi mahina ang kapit ng bata sa tiyan," sabi sa akin ng doctor. "Hmmm okay po Doc, sige po." ani ko.
"Makakaasa kayo na iingatan ko ang Misis ko," sabi naman ni Jake na kinagulat ko. "Misis mo? Eh di pa nga tayo kinakasal eh tss," asik ko.
"Hahaha parehas na din iyon eh, ako ang ama ng bata di ba? Di Misis na tawag ko sayo," natatawang wika niya.
"Hmmmm bahala ka sa buhay mo," asik ko ngunit natawa lang ito sa akin. Pero sa totoo lang kinilig ako sa sinabi ni Jake sa akin.
Naisipan na din namin umuwi ng mansion dahil hindi ko kelangan magtagal sa labas. Habang nasa biyahe ay binasag ni Jake ang katahimikan.
"Babe, ano ipapangalan natin sa baby natin?" pagtatanong niya. "Ah eh oo nga nuh hehehe, lumipas na ang ilang buwan, wala pa tayo naiisip na ipapangalan sa kanya," natatawang wika ko.
"Hahahah pambihira ka! Ikaw lang ang kilala kong buntis na ngayon palang mag-iisip ng ipapangalan sa anak niya. Ang iba diyan nakakapag-isip na ng pangalan," natatawang wika niya rin sa akin habang nagmamaneho.
"Eh sorry naman oh, busy ako sa paperworks ko sa school eh, alam mo naman kelangan ko makapasa ng mga iyon, baka di ako pumasok sa third year college," pagpaliwanag ko.
"Hehehe hindi sabihin mo, dumating lang ako kaya nakalimutan mo," natatawang wika niya. "Kapal mo! Nakakahalata na ako ah madalas ang pagiging mapresko mo ah?" mataray na wika ko.
"Hahaha hindi ah? I'm just telling the truth nuh? Hehe," aniya ngunit inismiran ko nalang ito. Sabagay may point siya simula na dumating siya nakalimutan ko na kung mag-isip ng pangalan ko sa anak namin.
Hmmmm ano nga ba talaga ipapangalan ko sayo baby?
Nakaabot na kami ng mansion agad inalalayan naman ako ni Jake papasok ng bahay. Sinalubong naman kami ni Mommy.
"Mabuti nalang andito na kayo naghanda ako ng makakain niyo," sabi ni Mom sa amin. "Nako maraming salamat Tita,"
"Ano ka ba Jake tawagin mo na din ako na Mama mo, dahil soon to be mother-in-law muna ako ," Mom said. "Ah okay po Mama heheh," natatawang wika ni Jake.
Maya pa may biglang tumawag sa cellphone ni Jake. Sinagot naman niya ito.
"Wait lang ah sasagutin ko muna ito," aniya. "Okay go ahead babe," ani ko. Lumayo muna si Jake para kausapin ang nasa kabilang linya.
"Anak anong balita sa baby niyo kumusta siya?" pagtatanong ni Mom. "Maayos naman po ang condition ng bata, kaso bawal pa rin ako gumalaw ng masyado, mahina lang po ang kapit niya. Baka possible po na malaglag,"pagpaliwanag ko.
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat, My Lover
RomanceStacey Villanueva a spoiled brat girl. She wants everything she bounces off with beauty. She likes to play with men, because she doesn't take it seriously when it comes to love. She has rebelled in her life since her twin sister died due to the neg...