Stacey's POV
Simula na may nangyari sa amin ni Jake mas naramdaman ko ang pagmamahal niya sa akin. Tinuturing niya ako bilang kabiyak ng buhay niya. Araw-araw niya pinaparanas sa akin na special akong tao. Hanggang sa umabot ng two months ang aming relasyon.
Pinapataba niya ang aking puso sa pamamagitan ng mga surpresa niya sa akin. Minsan naman mabibigla nalang ako na may surpresa na pala siya.
Ngunit hanggang ngayon hindi ko pa rin kinakausap sina Mom at Dad. Hindi dahil galit pa rin ako sa kanila, dahil nahihiya ako humarap sa kanila. Dahil kay Jake kaya naibsan ang galit ko sa sa mga magulang ko, sinabi niya sa akin na patawarin ko na sila para makalaya na ako sa mabigat na nararamdaman ko.
Ako lang talaga ang hindi lumalapit sa kanila. Nahihiya ako dahil sinagot sagot ko sila sa maraming tao. Natigilan ako ng may tumawag sa cellphone ko.
Si Jake agad sinagot ko naman ito.
"Hello Babe," sabik na wika ko. "Babe kumusta ka diyan sa bahay mo? Ayos ka lang ba," aniya. "Yeah I'm fine po," ani ko.
"Ah okay kinausap mo na ba sina Tita?" pagtatanong niya bumuntong hininga muna ako bago magsalita. "Well to be honest babe, hindi pa eh, hmmm hindi pa ako handa, I'm sorry," malungkot na wika ko.
"It's okay dear, magpapaalam ako sayo ngayon, ah may pupuntahan kasi kami nila Lolo at Lola, kasama si Dad," aniya.
"Teka saan kayo pupunta?"pagtataka ko. "Sa isang five star hotel, may event kasi sina Lola at Lola eh, may party doon regarding lang naman sa investors nila mulang ibang bansa. Siyempre si Lola gusto ako ipakilala sa lahat eh," malahad na wika niya.
"Ah ganon ba, hmmm okay sige babe enjoy ka ah," ani ko nakaramdam ako ng lungkot. Hindi man lamang ako inimbitahan ng pamilya niya sa ganon na gathering events.
Girlfriend naman ako ni Jake ah? Bakit parang pakiramdam ko hindi ako welcome sa pamilya niya. Wala naman ako problema sa Daddy ni Jake. Si Ate Cyril medyo okay naman siya sa akin, kaso mataray lang. Ang Lolo at Lola niya lang talaga ang napansin ko ayaw sa akin.
Mas gusto nila kay Irish kesa sa akin. Marahil hanggang ngayon boto sila sa babaeng iyon. Nakaramdam ako ng pagkabagot sa kwarto ko. Naisipan ko na yayain sina Jena at Aezel gumala kung saan.
Agad tinawagan ko naman ang mga ito.
"Hello Jena? Busy ka ba ngayon?" wika ko sa kabilang linya. "Stacey! Hindi naman bakit? Magyayaya ka lumabas? Sure no problem basta libre mo! Hahahah," natatawang wika niya.
"Aba! Assuming ka babae ka," asik ko ngunit natawa lang ang loka. How did she knows na iyon talaga ang balak ko.
"Hahaha malakas kasi ang instinct ko dear! Siguro bored ka kasi wala si Sir Jake," aniya. "Hmmm oo na tama ka! Ano pwede ba kayo ni Aezel?" pagtatanong ko.
"Ako available si Aezel hindi pwede kasi tutulong siya sa Mama niya ngayon, dito sa mansion." aniya. "Okay sige na magprepare ka na Jena. Magkita nalang tayo sa Mall okay?" ani ko.
"Okay bye!" masiglang wika niya agad nagprepare na ako. Nang nakatapos na ako umalis na ako ng bahay para magtungo ng Mall.
Hinintay ko si Jena sa may essential store dito sa loob ng Mall.
"Ang tagal naman ng babaeng iyon asan na ba siya tss," naiinip kong wika. "Stacey!" maya pa nakita ko nalang sa malayo na palapit si Jena sa akin. Halos hinihingal pa ito ng makaabot ito sa kinatatayuan ko.
"Hey are you okay ah? Ba-bakit parang hinahabol ka ng sampung kapre tsk," asik ko. "Tara pumunta tayo ngayon sa event nila Sir Jake!" nagmamadaling wika niya.
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat, My Lover
RomanceStacey Villanueva a spoiled brat girl. She wants everything she bounces off with beauty. She likes to play with men, because she doesn't take it seriously when it comes to love. She has rebelled in her life since her twin sister died due to the neg...