A/N: Just click the video up there✌🏻✌🏻 para mafeel niyo ang scene habang binabasa itong chapter na ito. Handa na po tissue😂😂😂
Third Person POV
Interior. Stacey's Room. Night.
Mahigit isang linggo na ang nakakaraan nang nalaman ni Stacey ang tungkol sa engagement nila Jake at Irish. Hindi makapaniwala ang dalaga na malalaman niya iyon mismo sa party nila. Isang linggo na din hindi kinakausap ni Stacey si Jake, kahit pumupunta ang binata sa mansion nila para suyuin ito.
Iniisip din ng dalaga ang kanyang desisyon kung makikipaghiwalay pa siya sa kanyang kasintahan o hindi. Kapag naalala niya ang mga sinabi sa kanya ni Cyril, ay hindi niya maiwasan maluha.
Dahil sa kaloob looban niya ay ayaw niyang hiwalayan si Jake ngunit kelangan niya ito gawin, alang alang sa kinabukasan niya. Natigilan si Stacey ng may tumawag sa cellphone niya.
Agad sinagot naman ito ng dalaga.
"Finally sinagot mo din ang tawag ko, haays Babe please I'm begging you. Wala akong alam tungkol doon sa engagement na iyon, so please kausapin mo naman ako oh," nagmamakaawang wika ni Jake sa kabilang linya.
Halos mapahikbi sa iyak si Stacey nang narinig niya ang boses ng binata.
"Babe please huwag ka na umiyak, nasasaktan ako. Ayoko na umiiyak ang mahal ko," wika ni Jake sa kabilang linya. "Ja-Jake tss, hmmm pwedeng huwag mo muna akong istorbohin ah?" naiiyak na wika ni Stacey sa kanya.
"Babe please, gusto kita makausap personal. Parang awa mo naman oh? Kausapin mo naman ako," pagsusumamo ng binata.
"Hihintayin kita, sa dating tagpuan natin, alam mo naman kung saan ang private na resort ko di ba? Magkita tayo ngayon, please," sincere na wika ni Jake. Huminga ng malalim si Stacey bago magsalita.
"O-okay Jake sige magkita tayo ngayon sa dati, hmmm magpreprepare lang ako," walang buhay na wika ng dalaga.
Dali dali ito magbihis ng kanyang kasuotan panlakad. Hindi na niya naisipan pa mag-ayos ng maayos. Dahil pakiramdam ng dalaga heto na ang huling araw na pagkikita nila ni Jake.
Habang pababa ng hagdan si Stacey at nakita niya ang kanyang ina na nakaupo sa sofa ng sala nila. Napansin siya ng kanyang ina na malungkot ang aura nito.
"Anak? Saan ka pupunta? Gabi na ah? Baka mapano ka?" nag-aalalang wika ng kanyang ina. "Hmmm magpapalamig lang oh ako ng ulo," malamig na wika ni Stacey sa kanyang ina, agad lumabas ito ng bahay nila.
Pero sa kaloob looban ng dalaga ay gusto niya sana kausapin ang kanyang ina, para humingi ng advice kung ano ang gagawin niya sa sitwasyon niya ngayon. Ngunit naunahan ito ng hiya dahil sa kanyang ginawa noon sa kanyang ina.
Exterior. Open Space Jake's private resort. Night.
Samantala ay habang hinihintay ni Jake si Stacey sa cottage ng private resort nila, kinakabahan ang binata. May hawak ito na isang maliit na box na ang laman ay isang sising na may batong diamante.
"Hmmm papatunayan ko sayo na ikaw lang ang gusto ko makasama sa habang buhay Stacey," wika ng binata sa kanyang isipan habang hawak niya ang singsing. Natigilan ito ng nakita na niya si Stacey na papunta sa kanya.
Ngumiti ito ng malapad dahil hindi siya binigo ng dalaga. Agad lumapit ito at sabik na sinalubong ang kanyang kasintahan, niyakap niya ito ng mahigpit.
"Babe, mabuti naman nakarating ka, I thought na hindi mo ako sisiputin," masayang wika ni Jake. "Hmmm sadyang ginusto ko talaga pumunta dito, dahil baka heto na ang huling sandali natin Jake," malungkot na wika ni Stacey.
![](https://img.wattpad.com/cover/264411452-288-k256688.jpg)
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat, My Lover
RomansaStacey Villanueva a spoiled brat girl. She wants everything she bounces off with beauty. She likes to play with men, because she doesn't take it seriously when it comes to love. She has rebelled in her life since her twin sister died due to the neg...