Chapter 47 Love and Kisses

168 7 1
                                    

Stacey's POV

Makalipas ang mga ilang linggo araw-araw andito si Jake sa mansion para bantayan ako. Kasama din niya sina Harieth at ang iba pa. Kapag may mga homeworks ako na binibigay sa akin ng mga professor ko ay tinutulungan nila ako gawin ito.

Ang swerte ko sa kanilang lahat hindi lang ako nagkaroon na supportive na boyfriend, kundi nagkaroon din ako ng mga supportive friends.

"Stacey! Sumipa na ba ulit si Baby? Sabihan mo kami ah kapag sumipa siya ah," nasasabik na wika ni Sam. "Oo sasabihan ko kayo kapag sumipa ito," ani ko.

"Oh talaga sumisipa na ang anak ko? Ba't hindi mo sa akin pinaparinig ah?" nagtatampo na wika ni Jake.

"Ay oo nga noh? Sorry nakalimutan ko eh hehehe," natatawang wika ko sumingamot naman ito sa akin. "Buti pa sila pinaparinig mo sa akin hindi hmmp," asik niya.

"Hahahha wew baka ayaw sayo ng anak mo," natatawang wika ni Joshua. "Hmm hindi ah? Feeling ko nga sa akin nagmana to," sabi naman ni Jake. Lumapit ito sa akin sa kinauupuan ko at ipinagdikit niya ang tenga niya sa tiyan ko.

"Hey ano ka ba hindi pa siya sumisipa ang bata, huwag ka nga magulo, baka natutulog ang baby natin tsk," asik ko.

"Hindi yan ah basta gusto ko marinig," aniya. "Hay nako! Umalis ka na muna diyan okay? Mamaya sasabihin ko sayo," masungit na wika ko.

"Promise mo yan ah? Hindi ako uuwi ngayon hanggang hindi ko naririnig sumisipa si baby," aniya natawa naman ako sa sinabi niya.

"Haha eh paano hindi sumipa aber?!"

"Hmmm di maghihintay ako pwede naman sa kwarto mo nalang ako matulog heheh," aniya kinilig naman ang lahat dito dahil sa sinabi niya.

"Ayieeee pareng Jake ah? Mukhang nagprapractice na maging asawa ah?" kinikilig na wika ni Gail. "Hahaha wow ah? Kakaingit sana all pwede na makitulog sa kwarto!" pagsasabat ni Joshua mukhang may pinariringan ang isang ito.

Sino kaya baka si Gail napansin ko inismiran lang ito ni Gail.

"Hay nako madami ka naman pwede tulugan na kwarto, siguro nga dami mong mga babae," mataray na wika ni Gail sa kanya.

"Huy hindi ah? Simula na dumating ka sa buhay ko di nako lumilingon sa iba ayieee," kinikilig na wika ni Josh. Nagtataka ako sa dalawang ito bakit ang huhugot nila.

Hindi kaya si Gail ang dinidiskartehan ni Joshua na babae?

"Hoy ano yan! Mukhang may something sainyo ah?" pagsasabat naman ni Sam habang gumagamit sila ng laptop.

"Hehehhe oh sige sasabihin ko na sainyo lahat walang hiya na kung walang hiya. Nililigawan ko si Gail, kaso hanggang ngayon hindi ko pa rin nakukuha ang matamis niyang OO!" pagaanunsyo ni Joshua na kinagulat namin.

"What totoo ba iyon Gail?" di makapaniwalang wika ni Harieth. "Hoy! Bunganga mo ah? Josh tumigil ka diyan sa pinagsasabi mo," naiinis na wika ni Gail kay Josh.

"Ehem! Mukhang may gusto kumanta dito ah?" pagsasabat naman ni Kurt. "Tumigil kayo ah? Kapag nalaman to ni Kuya Benedict lagot kay--,"

"Hmmm alam ko na Gail," agad sumabat naman si Benedict sa likuran niya. Kakarating lang niya galing sa labas.

"Ah eh kanina ka pa diyan Kuya hehehe," natatawang wika ni Gail kay Benedict.

"Hnmm kayo ah? Mukhang wala kayo sinasabi sa akin. Josh ah binabalaan kita huwag mo lolokohin ang kapatid ko," sabi ni Benedict.

"Hmmm Tol sersyoso ako kay Gail," sabi ni Joshua agad lumapit ito sa harapan ni Benedict. Halos nagtama pa ang mga mata nila.

Samantala kami naman ni Jake nakikiramdam lang sa kanila. Medyo nakaramdam ako ng takot baka kasi mag-away ang dalawa.

My Spoiled Brat, My Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon