Chapter 8 Blackmail!

140 17 61
                                    

Stacey's POV

Lumipas ang ilang araw hanggang sa narealize ko na mag -iisang buwan na pala ako sa school na ito. Ngayong linggo na ito wala kaming lesson, dahil sa paghahanda para sa intramurals. Hindi na din ako sumali sa kung anong mga events sa school namin, dahil nawalan na ako ng gana.

Mas minabuti ko nalang tumambay sa kwarto ko at maglaro nalang ng mobile legends.

"Tss! Kakainis matatalo na kami ang bobobo naman ng mga kasamahan ko!" naiinis kong wika habang pinapanalo ang larong ito.

"Defeat!"

"Shit! Nakakainis mga bobo!" pagsisigaw ko agad umalis na ako sa game. Inilapag ko ang cellphone ko sa kama ko at nahiga nalang ako.

"Ang bored ng buhay ko haaays! Ano kayang magandang gawin ngayon? Kung pupunta naman ako sa bar, wala ako makasama. Dahil sina Bea at Magda kasali sa sports ng school," wika ko sa aking sarili habang tinitignan ang kisame.

Himala din hindi nagpaparamdam si Jake sa akin within these weeks. Ano kaya nakain ng gago kaya di nangungulit sa akin. Sabagay baka nga busy na iyon sa school. Pakialam ko ba sa gago na iyon.

Natigilan ako ng may tumawag sa cellphone ko. Si Magdalene agad sinagot ko naman ito.

"Oh ano bakit napatawag ka?" masungit na wika ko. "Stacey pumunta ka daw dito, sabi ni Sir kasi kulang tayo sa tao, para tumulong sa pagkakarrange ng decors for acquaintace party mamayang gabi," aniya.

"Hmmm kayo nalang gusto ko magpahinga okay?! And besides hindi ako mag aattend ng party mamayang gabi, duh," naiinis na wika ko.

"Ay grabe ka naman kahit isupport mo naman ang department natin," aniya. "Kung si Harieth lang naman ang isusuport ko? Never ayoko magsupport sa babaeng iyon!" mariin na wika ko sabay patay ng tawag namin.

Kakainis pag - uutusan ba naman ako? Wala pa nag-uutos sa akin ng ganito. Naisipan ko nalang na matulog maghapon, dahil need ko bumawi ng lakas. Ipinikit ko nalang ang aking mga magagandang mata at natulog na muna ako . . .

Naalimpungatan ako dahil sa pagkakatok sa may pintuan ko.

"Stacey anak andiyan ka ba ah?" nag-aalalang wika ni Mommy. Letche! Akala ko kung sino si Mom lang pala.

Hindi pa ako nagsasalita kahit panay ang katok niya  ng pintuan. Napansin ko ang oras nasa alas otso na ng gabi. Ang haba naman ng tulog ko? Naalala ko pala acquiantance party namin ngayon.

"Anak kung andiyan ka sagutin mo naman oh," naiiyak na wika ni Mom ano ba problema ng babaeng ito? May paiyak pang nalalaman.

Agad bumangon ako sa kama ko at pinagbuksan ito ng pintuan.

"Ano ka ba! Hindi mo ba alam na natutulog ako—," nabigla ako ng niyakap niya ako ng mahigpit.

"A-anak buti naman andito ka sa bahay, hindi ka kasi namin nakikita eh, I thought na andon ka sa school niyo ngayon, buti nalang wala ka doon dahil may nangyaring kaguluhan sa event niyo ngayon, ayon sa balita," naiiyak na wika ni Mom habang kayakap ako.

Ano daw sabi niya? May kaguluhan sa school? Teka bakit anong nangyari sa school? Nagising ang diwa ko na nakayakap na pala si Mommy sa akin.

Agad pumiglas naman ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Let me go! Ano ba bakit ka ba yumayakap sa akin ah?!" naiinis kong wika napansin ko naluluha pa rin ito.

"Wala anak masaya lang ako akala ko kasi napahamak ka na. Buti nalang andito ka lang sa bahay at di ikaw nakasali sa kaguluhan," masayang wika niya habang umiiyak.

Nakaramdam ako ng pagkainis sa kanya. After all these year, ngayon lang siya nagpakita na concern siya sa akin.

"Seriously nag- aalala kayo sa akin? Bakit Mom ngayon mo lang pinaranas iyan? Bakit nung nabubuhay pa si Stephanie, hindi namin maranasan ang pagiging concern mo sa amin!" mariin kong wika.

My Spoiled Brat, My Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon