Stacey's POV
Matapos ang bakasyon balik na ulit kami sa school. Pasukan nanaman magsisimula na ang pagsubok namin bilang isang sophomore students sa college. Medyo nakakapressure din dahil nadagdagan ang mga units sa subjects namin. Bumalik na ulit ako sa dati, ang dating Stacey na bitch noon mas bitch ngayon.
Kakapasok ko lang sa gate ng university, wash day ngayon kaya nakasibilyan ang mga kasuotan ng mga studyante. Maikli nanaman ang suot ko, makapal ulit ang aking make up at kulot na ulit ang aking buhok. Habang naglalakad ako sa university halos lahat ng mga mata ay nakatingin nakatingin.
Marahil naninibago mga ito sa akin, nasanay na sila sa simple lang ako manamit noon dahil kay Jake. Pero ngayon bumalik ulit ako sa dating ako.
"Huy pare si Stacey oh? Tignan mo ang ganda," manghang wika naman ng isang studyante. Marahil kadepartment ko mga ito.
"Anong nangyari bumalik na siya? Bitch is back!" sabi naman ng mga babae sa gilid halos magbulungan pa ang iba. Ano ba mga problema ng mga ito? So what kung bumalik ako sa pagiging bitch ko?
Nagtungo na ako sa classroom ko pagpasok ko halos lahat ng mga kaklase ko napatingin sa akin. Kahit sina Harieth, Sam at Kurt di makapaniwala sa ayos ko. Agad nilagpasan ko na mga ito at nagtungo kina Jena at Aezel.
"Stacey? I—ikaw ba iyan? Bakit ganyan ang itsura mo? Hindi ka naman ganyan dati ah?" di makapaniwalang wika ni Jena sa akin. Ngumisi lang ako sa kanya, hindi niya pala alam na dati akong bitch.
Nakilala niya kasi ako na medyo maayos na ako manamit noon at mabait na akong tao.
"Hmmm well I would like to tell you my dear Jena, kung sino ba talaga ako. Yes this is me Stacey Villanueva, the bitch one," seryosong wika ko sa kanila. Ngunit umiling- iling lang ito sa akin.
Maya pa ay nakita ko na pumasok sina Bea at Magda kasama ang mga bagong alipores niya.
"Hey look who is here, huy tignan niyo oh? Si Stacey anong ganap girl? Bakit parang bumalik ka na yata sa dati? Asan si Mr. President?" nakakainsultong wika niya napansin ko tumawa lang mga kasamahan niya.
Mga gagang to! Ano nanaman mga pakulo nila sa akin? Naupo na mga ito sa kanilang upuan.
"Hey kinakausap ka namin Stacey bitch! Okay ka lang? Baka gusto mo ng—," I cutted her off.
"Ano nanaman ba problema mo Bea? Hmmm," naiinis kong wika tinignan ko ito ng masama. Halos maglaban ang aming mga mata.
"Wala naman ako problema, baka ikaw meron, kasi nakakapanibago ka eh, baka may chika ka right classmates!" masiglang wika ni Bea sa lahat.
"Right! Share naman diyan Stacey! Share na yan! Share na yan!" sabi naman ng mga kaklase ko. Tumayo ako at hinarap si Bea mula sa kinauupuan niya. Tumayo din ito at nagcross arms sa akin.
"Hmmm classmates baka naman kasi wala na sila ni Jake kaya ayan balik na ulit siya sa dati! HAHAHAH," mahalakhak na wika ni Bea halos lahat hindi nakapaniwala sa akin.
Paano nalaman ng babaeng ito na wala na kami ni Jake. May pakpak nga naman talaga ang balita tsk! I look at her with my fierce face.
"Hmmm so ano ngayon kung wala na kami?" seryosong wika ko napansin ko si Harieth na hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Stacey totoo ba na wala na kayo ni Jake?" di makapaniwalang wika ni Harieth ngunit tinignan ko ito pero hindi ko siya sinagot. Ibinaling ko ang attention ko kay Bea, halos ngumisi lang ang hayop sa akin.
"Haays poor Stacey, iniwan ka na pala ni Mr. President, siguro baka nagsawa na sayo, sabagay sino ba naman magtatagal sa katulad mo. Nakakasawa ka at kaiwan iwan ka nalang! Hahahah," natatawa at nakakainsultong wika niya.
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat, My Lover
RomanceStacey Villanueva a spoiled brat girl. She wants everything she bounces off with beauty. She likes to play with men, because she doesn't take it seriously when it comes to love. She has rebelled in her life since her twin sister died due to the neg...