Stacey's POV
Simula na naghiwalay kami ni Jake nakakulong lang ako sa kwarto ko. Hindi din ako lumalabas ng bahay dahil sa pagiging matamlay ko. Siguro ganito talaga ang epekto kapag naghiwalay kayo ng mahal mo.
This is my first broken heart sa isang lalake, sa lahat ng mga nakakarelasyon ko heto yung pinakamasakit sa lahat. Siguro dahil nagmahal talaga ako ng lubusan kay Jake. Ngayon ko lang narealize na masakit pala kapag nagmahal.
Kung dati ako ang nanakit ng feelings ng iba but this time ako ang nanakit sa sarili ko. Well siguro nga karma ito sa akin. Hindi ko maiwasan mangulila ng lubusan sa pagmamahal ni Jake.
Damn I really miss him so much! Namimiss ko na ang kanyang mga yakap at halik niya. Ang mga araw na masaya kami magkasama kung saan gumala.
Ngunit ngayon ay hindi ko na rin siya makakausap pa. It's been five days since we break up each other. Wala na kaming communications sa facebook, I blocked him in social medias. Tanging number nalang niya ang meron ako ngayon. Pero nag-aalanganin din ako tumawag at magtext sa kanya.
Bakit ko pa ba siya kukumustahin? Eh ako nga ang nakipaghiwalay. Bumuntong hininga ako habang nakahiga, pinagmasdan ko lang ang kisame sa kwarto ko. Tumagilid ako sa kama ko at niyakap ko ang teddy bear na binigay sa akin ni Jake.
"Hmmmm Hero, mukhang mali ata ang naging desisyon ko, dapat hindi ko iniwan si Jake, tulungan mo naman ako oh? Ano ba ang dapat kung gawin para lang suyuin ulit siya?" wika ko sa teddy bear ko.
Para akong tanga sa pinag-gagawa ko. Baliw na siguro ako. Oo baliw na nga ako sa pag-ibig! Natigilan ako ng may kumatok sa pintuan ko si Mommy.
"Anak gising ka na ba? Gusto mo ba kumain? Kumusta ka na?" sunod sunod na tanong niya. Ewan ko ba kung kakausapin ko siya. Nahihiya ako humarap sa kanila ni Daddy hanggang ngayon.
Pero lastime wala ako nagawa kundi yakapin siya. Dahil kelangan ko ng may magcocomfort sa akin noon. Dahil durog na durog ang puso ko nung gabing iyon. Kahit hindi ko pa sinasabi sa kanila na naging kami ni Jake pero ngayon ay hiwalay na kami. Wala ako sinasabi kay Mom tungkol dito, dahil ayoko mag-alala pa siya sa akin.
"Hmmm okay lang anak sige take your time," sabi ni Mom sa labas agad umalis na ito. Biglang tumunog ang tiyan ko dahil nakaramdam na ako ng gutom. Naisipan ko na din bumaba sa ibaba para kumain.
Pagbaba ko ng hagdanan ay nagtungo ako sa dining area namin. Nakita ko sina Mom at Dad na kumakain. Natigilan ang mga ito sa akin habang nakatingin ako sa kanila. Umiwas ako ng tingin na para bang nahihiya ako lumapit sa kanilang harapan.
"Anak, gusto mo ba kumain halika join with us ng Daddy mo," masiglang wika ni Mom sa akin tumango nalang ako sa kanya. Agad naupo ako sa malaking silya namin.
Ngayon ay magkakaharap na kami nila Mom at Dad sa hapag-kainan. Pakaharap ko nanaman sa kanila sa mesa, dati ako lang kumakain mag-isa dito. Napansin ko rin gumuhit ang mga ngiti ni Mom sa akin habang pinagmamasdan ako, samantala si Dad ay masayang tinitignan lang ako.
"Finally magkakasama na ulit tayo sa hapagkainan, manang pakihanda naman oh ang paboritong pagkain ni Stacey!" pagtatawag ni Mom sa katulong namin. Maya pa ay inilapag ng katulong namin ang paborito kong pork steak sa mesa.
"Ayan anak kumain ka ng marami ah mukhang pumapayat ka na ah?" malumanay na wika ni Mom sa akin. Tinignan ko ang braso ko ko na parang takang taka ako sa sarili ko.
"Pumayat oh ako?" gulat na wika ko. "Hmmm hindi naman masyado Hon, medyo lang pero still maganda ka pa rin anak hehe," masayang wika ni Dad.
Napangisi nalang ako sa kanila habang pinagsisilbihan ako ni Mom sa pagkain, ay hindi ko maiwasan mailang sa kanila. Marahil nahihiya pa ako kausapin sila. Habang kumakain kami ay panay nila ang tanong sa akin ng kung ano-ano.
![](https://img.wattpad.com/cover/264411452-288-k256688.jpg)
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat, My Lover
RomanceStacey Villanueva a spoiled brat girl. She wants everything she bounces off with beauty. She likes to play with men, because she doesn't take it seriously when it comes to love. She has rebelled in her life since her twin sister died due to the neg...