Chapter 23 Ramdom Days

97 16 63
                                    

Third Person Point of View

Interior. Jake's Car. Night.

Nasa loob ng kotse sina Jake at Stacey, gabi na ng hinatid ni Jake si Stacey sa kanyang mansion.

"So okay ka na? Hindi ka na stress?" pagtatanong ni Jake sa dalaga. "Yeah I'm fine thank you so much sa pagyaya mo sa akin na gumala, nag-enjoy ako Jake," sabi sa kanya ni Stacey.

"So paano ba iyan let's call off for today, uuwi na ako," sabi sa kanya ni Jake. "Ah eh okay hehe sige ingat ka ah?" balak sana ni Stacey na halikan si Jake sa pisngi kaso nahihiya ang dalaga kung gagawin niya ba o hindi na.

"Sige una na ako ah," nagmamadaling wika ni Stacey lalabas na sana siya ngunit natigilan ito ng hinawakan ni Jake ang pulsuhan ng dalaga.

"Sandali lang Stacey," sabi sa kanya ni Jake. "Yes bakit?" pagtataka ng dalaga.

"Ah eh matagal ako mawawala these days, may tatapusin lang kasi kami napakamahalagang mission nila Benedict, and I want your support," wika sa kanya ni Jake.

"Teka nagtataka na ako sa mission niyo ah ano ba talaga ang mission ninyo nila Benedict, sabihin mo naman sa akin oh?" pagpupumilit ng dalaga.

Bumuntong hininga muna ang binata bago magsalita.

"Hmmm honestly magbubuwis buhay kami nila Joshua para kina Benedict at Harieth, they are in dangered, mahirap iexplain, pero pagdasal mo kami ah," seryosong wika ni Jake sa kanya.

"Jake naman tsk tinatakot mo ba ako huwag ka na—," natigilan si Stacey ng pabigla siya niyakap ni Jake ng mahigpit.

Mahigpit na yakap na para bang wala ng katapusan ang kanilang yakapan. Nag-init ang pakiramdam ni Stacey ng niyakap siya ng mahigpit ni Jake. Hindi niya inaasahan na gagawin iyon sa kanya ng binata.

"Ja-Jake? O-okay ka-kalang?" nauutal na wika ni Stacey maya pa pumiglas na ito sa pagkakayakap sa kanya.

"Yes I'm fine gusto ko lang kumuha sayo ng lakas kaya niyakap kita," malambing na wika ng binata. Hindi alam ni Stacey kung ano ang sasabihin niya kay Jake, dahil nangibabaw sa puso ng dalaga ang kaba at tuwa.

"Oh bakit hindi ka na nakapagsalita diyan?" nagising nalang ang diwa ng dalaga ng kausapin siya nito.

"Ah eh wa-wala hehe oo ipapanalangin kita, kahit na hindi ako marunong," nahihiyang wika ni Stacey.

"Heheh hindi mo na kelangan magsaulo pa ng panalangin, dapat galing dito," agad kinuha ni Jake ang kamay ni Stacey at itinapat niya ito sa kanyang dibdiban.

"Dapat isapuso mo ang mga prayers mo Stacey at pakikingan ka ng Diyos," malumanay na wika ni Jake sa kanya.

"Okay Jake, don't worry," malumanay na wika ng dalaga. "Sige na pumasok ka na sa loob baka hinahanap ka na ng mommy mo," sabi sa kanya ni Jake.

"Okay sige bye ingat ka ah," nagmamadaling wika ni Stacey lalabas na sana si Stacey ngunit hinawakan siya ni Jake sa kanyang pulsuhan.

"Hey teka bakit? May proble—," natigilan ito ng hinalikan siya ni Jake sa kanyang pisngi. Halos malapit lang ito sa kanyang gilid ng labi.

Segundo lang nakalipas bago pumiglas si Jake sa pagkakadampi ng kanyang labi sa pisngi ng dalaga. Napahawak naman si Stacey sa kanyang pisngi na para ba hindi siya makapaniwala sa ginawa sa kanya ni Jake.

"Ah eh— kuwan ano, friendly kiss lang naman iyon, baka anong isipin mo sa akin ah," nahihiyang wika sa kanya ni Jake.

"Ha? Ano ba pinagsasabi mo loko ka din nuh, papasok na nga ako sa loob, sige na umuwi ka na nga, ingat ka ah?" nagmamadaling wika sa kanya ni Stacey.

My Spoiled Brat, My Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon