Chapter 39 Concern Friends

81 9 24
                                    

Stacey's POV

Hindi ko inaasahan na malalaman ko na buntis pala ako. Siguro magtatatlong buwan ko na itong dinadala ko sa sinapupunan ko.

Tatlong buwan na din ang nakalipas simula na may nangyari sa amin ni Jake. Kaya possibleng magtatatlong buwan na din akong buntis. Napansin ko na din ang paglapad ng balakang ko at ang laki ng konti ng tiyan ko.

Sa umpisa mukha lang ako busog kung tignan, pero ang hindi nila alam ay buntis na ako. Hindi ko pa sinasabi kina Mommy at Daddy tungkol dito. Tanging si Harieth palang nakakaalam ng sekreto ko.

Mabuti nalang at hindi tsismosa ang babaeng iyon. Nagpatahi na din ako ng bago kong uniforme yung maluwag na sa akin para hindi nila mahalata na lumalaki na din ang tiyan ko.

Umiiwas na muna ako sa pakikisalamuha sa mga kaklase ko kahit kina Jena at Aezel, kapag nagyayaya sila lumabas ay tumatangi muna ako.

Kakatapos ko palang kumain dito sa cafeteria. Mag-isa ako ngayon kumain maya pa ay nakita ko na sa malayo sina Jena at Aezel. Agad lumapit ang mga ito sa akin.

"Stacey! Kanina ka pa namin hinahanap eh, andito ka lang pala kumakain. Bakit hindi mo naman kami niyaya tsk," matampong wika ni Jena sa akin.

"Ah eh pasensya na nagutom na kasi ako tsk, kaya inunahan ko na kayo," ani ko. "Stacey naman hindi ka naman ganyan dati eh, bakit parang iniiwasan mo kami? May problema ba tayo?" pagdududa ni Aezel sa akin.

"Hmmm wala naman ako problema guys, gusto ko lang talaga kumain muna ngayon," ani ko.

"Tama na nga yan kakain mo Stacey, napansin ko palagi ka nalang kumakain. Hmmm okay ka lang ba talaga?" pagdududa ni Jena kahit kelan ang isang ito, makulit.

Tss baka mali sa oras malaman na nila ang tinatago kong sekreto. Nakita ko na din ang grupo nila Harieth sa kabilang table. Napansin ko na tinitignan ako ni Harieth.

"By the way Stacey kumusta pala ang business plan niyo ni Harieth, nagkakasang-ayon ba kayo sa mga ideas?" pagtatanong ni Jena.

"Hmmm okay naman yung plano namin, hindi naman masakit sa ulo. Siya na nga gumagawa palagi eh," ani ko. "Ay nako Stacey tumulong ka din kay Harieth ah, baka inaasa mo nalang sa kanya ang lahat tsk," pagsasabat naman ni Jena.

"Hoy! Hindi ah pagtingin mo sa akin ganon? Tumutulong naman ako ah," ani ko habang kumakain. Maya pa ay lumapit sa table namin si Harieth.

"Hello guys, Stacey pwede ka ba pumunta sa bahay namin? May gagawin sana tayo," aniya. "Ah eh pwede naman sana kaso hmmm pwede sa bahay ko nalang Harieth, ayoko kasi sa ibang bahay pumupunta eh," sabi ko.

"Ah ganon ba sige after ng klase natin pupunta ako," aniya tumango nalang ako. Umalis na ito at bumalik sa table nila.

"Hey guys! Alam niyo na ba na naghahanap yung admin ng school na may maglelead ng cheering squads sa basketball team nila Benedict. Kasi may magaganap na labanan sa ibang school dito sa university. Kaya need natin isupport ang team natin," masiglang na wika ni Jena.

"Talaga nice one! Pwede naman siguro sumali sa cheering squads nuh?" masiglang wika naman ni Aezel.

"Naghahanap din sila ng magiging leader sa cheering squad, ikaw nalang kaya Stacey ano?" sabi ni Jena sa akin.

Natigilan ako sa sinabi niya gusto ko sana kaya lang hindi pwede ngayon dahil sa sitwasyon ko tss! Nakakainis bakit kasi nabuntis pa ako, sayang yung opportunity.

"Ahh eh pwede naman kaso mas gusto ko magfocus sa studies ko," ani ko na kinagulat nila. "Wow ah?! Nice one Stacey himala mukhang sinisipag ka ah?" manghang wika ni Jena hindi ko nalang ito pinansin.

My Spoiled Brat, My Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon