Chapter 29 Out of Place

111 15 49
                                    

Stacey's POV

Lumipas ang mga ilang buwan hanggang sa dumating ang araw ng graduation ni Jake. Nakakatuwang isipin na ang boyfriend ko ang Magña Cumlaude ng batch nila. I'm so very proud of him!

Habang pinapakinggan ko ang kanyang speech sa unahan, hindi ko din maiwasan maiyak ng konti dahil sa mga words of wisdom niya. Kasama ko sina Jena at Aezel ngayon, dahil gusto din nila dumalo sa graduation ng kanilang amo.

"Stacey alam mo ba ang swerte mo kay Kuya Jake, sana hanggang sa huli maging kayo ah?" malumanay na wika ni Jena sa akin.

"Hmmm huwag mo papaiyakin ang Kuya Jake namin ah, sige ka magagalit ako sayo," matampong wika naman ni Aezel sa akin, natawa naman ako sa sinabi ng gaga.

"Hehehe ewan ko sainyo, hindi iyon mangyayari, basta ako sigurado na ako sa kanya, I love him so much!" masayang wika ko sa kanya. Tumili naman ang mga loka sa kilig.

"Ayieeeee! Oh my gash! Kasalan na ito!" masiglang wika ni Jena sa akin. "Agad? Kasal na kaagad? Huy Jena magsesecond year college palang tayo, hmmm wala pa ako plano sa ganyan. I need to finish my studies first. Pangako ko din iyon sa kambal ko na si Stephanie," ani ko.

"Hehe okay sorry naman kung excited kami, basta ah kapag nagkataon ninang kami ah? Ayieee!" kinikilig na wika nila.

"Mga shunga ito? Ano ba ibig sabihin nila? Ninang saan? Sa kasal ba?" pagtataka ko ngunit natawa mga ito.

"Hahahah hindi! Ninang sa bunyag!" sabi nila agad pinagbabatukan ko naman mga ito. "Ouch! Stacey grabe ka!" asik ni Jena sa akin.

"Hoy! Kayo ah? Pinagsasabi niyo ninang sa bunyag? Wala pa nga eh? Mukhang mas excited kayo magkaroon ako ng baby ah?" ani ko. "Hahaha joke lang naman ang seryoso mo naman kasi eh hehehe," natatawang wika nila.

Ibinaling ko nalang ang attention ko kay Jake. Nang natapos na ang graduation ay agad lumabas na ako ng gym. Dahil nagsisilabasan na ang lahat dito. Naisipan ko na hintayin nalang si Jake dito sa labas.

Nakita ko na lumabas na si Jake at Joshua kasama ang kanilang mga magulang. Naisipan ko na din na lapitan ang mga ito.

"Hello po," magalang na wika ko sa mga magulang ni Jake. "Hello iha may I know sino ka po," magalang na wika ng Daddy ni Jake sa akin. Agad lumapit si Jake at hinawakan niya ang kamay ko.

"Mom, Dad, this is Stacey Villanueva, girlfriend ko po," pagpapakilala ni Jake sa kanyang mga magulang. Napansin ko nag-iba ang aura nila. Ang daddy ni Jake di makapaniwala pero kita ko sa mukha niya na masaya ito. Samantala ang mommy niya naman mukhang hindi ito sang-ayon sa akin.

Nakaramdam ako ng ilang dahil doon, alam ko sa umpisa hindi maganda yunh pagkikita namin, kaya naiintindihan ko kung bakit.

"Whooa, really Son? That's nice! Finally after three years, nagkagirlfriend ka na ulit," masayang wika ng Daddy ni Jake. Nagtaka ako sa sinabi niya, ibig sabihin bago ako may naging girlfriend si Jake noon.

"Ang mabuti pa sumama ka sa amin iha, may handa sa mansion, join with us," pagyayaya sa akin ng Daddy ni Jake. "Okay po," nahihiyang wika ko. Umalis na ang mommy at daddy ni Jake nagtungo ito sa sasakyan nila.

"Ano ready ka na ba pumunta sa mansion namin?" sabi ni Jake sa akin. "Jake, huwag nalang kaya nahihiya ako eh, mukhang ang sama ng mood ng mommy mo sa akin," ani ko.

"Hahaha si Mommy Cyril, hindi iyan ganon talaga siya, pero trust me mabait siya," aniya. "Hmmm pero Jake—," he cutted me off.

"Babe, just trust me okay? Ako bahala sayo, gusto ko sabihin sa lahat na girlfriend na kita. Kahit sa mga kaibigan ko, ipinagmamalaki kita sa kanila," masayang wika niya sa akin.

My Spoiled Brat, My Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon