Chapter 43 Second Chances

59 9 27
                                    

Stacey's POV

Andito kami ngayon sa Dean's office magkaharap kami nila Bea at Magda. Kasama din namin ang mga magulang namin. Dahil sa nangyari kagabi agad pinatawag kami ng Dean.

Andito din sa loob sina Harieth, Kurt, Sam, Joshua at Gail. Dahil sila naman ang witness ko sa nangyari gulo kagabi. Samantala si Benedict ay nasa likuran ng Dean na nakaupo sa kanyang swivel chair.

"Hmmm pinatawag ko kayo dahil alam niyo na di ba kung bakit kayo andito. Heto na talaga ang pinakamalala sa lahat. Ang magkasakitan kayo? Muntik na kayo magpatayan? Yung totoo mga studyante pa ba kayo ng school na ito ah?!" galit na wika ng Dean sa amin.

"Excuse me Sir hindi na kami magpapaligoy ligoy pa. Ang anak namin ang biktima dito tss, alam niyo naman na buntis ang anak namin, tapos muntikan na siya mabugbug ng mga babaeng ito. Magfi-file ako ng kaso regarding this!" galit na wika ni Daddy habang tinitignan ng masama sina Bea at Magda.

"Hmmm narinig ko na ang panayam ng mga nakawitness sa gulo ninyo. Bea Magda," seryosong wika ni Dean sa kanila. "But Sir, bakit panayam nila ang pinapakinggan niyo? Paano naman ang sides namin. This is so unfair!" mariin na wika ni Bea.

"Anak kumalma ka lang hayaan mo muna—."

"Mom? Paano ako makakalma dito, kami pinagbibintangan nila ng masama! Palibhasa magkakampi kayong lahat kaya pinag-iisahan niyo kami. Lalo ka na Stacey bitch!" pagduduro niya sa akin.

"Pwede ba Bea aminin mo na kasi, pinagtangkaan niyo ako ng masama kagabi. Muntik niyo na ako patayin, hindi lang ako nanganganib during that time. Pati ang anak ko idadamay niyo? Anong klase kayong tao ah?" naiinis kong wika.

"Hmmm and besides, kahit anong paliwanag mo Bea we have a proof sa ginagawa niyo kagabi," pagsasabat naman ni Benedict. May inilabas ito na isang CD.

"A—ano yan ah?" nauutal na wika ni Bea. Agad nilagay ito ni Benedict sa loob ng dvd player dito sa loob ng office. Tska niya binuksan ang LCD monitor nito.

Natigilan kami sa nakita namin. Isang footage ng CCTV simula doon sa may hallway ng locker ko, hanggang sa may janitor's room. Kitang kita din dito ang mga naganap na pangyayari kagabi.

"Tss hindi totoo iyan! Peke ang video na yan alam ko may nagedit nito eh!" pagsasabat ni Bea. "Miss Mendez! Tama na ang kasinungaling mo. Kitang kita na kayo sa video oh? Bakit kelangan mo pa magsinungaling!" mariin na wika ni Benedict.

"Mom, please do something ayoko maexpelled sa school na to," nagmamakaawang wika ni Bea sa mommy niya. Napansin ko ang pagluha ni Magda pati na din mga kaibigan niya.

Naalala ko ang sarili ko sa kanila noon. Yung feeling na wala nakikinig sayo.

"I'm so sorry Miss Mendez, but I made my final decision. Kelangan na namin kayo iexpelled sa school na ito. You don't deserve second chances anymore. Ang dami niyo ng ginawa na gulo, but this time na hit niyo na ang limitations ko, sorry," seryosong wika ng Dean sa kanila.

"Sir! Please—please give us a chance, gusto pa namin makatapos ng pag-aaral eh, Sir please—," naiiyak na wika ni Bea.

"I'm sorry buo na ang decision ko," wika ni Dean.

"Mom! Do something please! Hahayaan mo nalang ba ako magkaganito ah?" naiinis na wika ni Bea sa mommy niya. "I'm sorry baby pero wala na ako magagawa dito."malungkot na wika ng mommy niya.

"Pero Mom hindi pwede kapag nalaman ni Daddy to sasaktan niya ako tss Mom!" naiiyak na wika ni Bea.

Ano daw? Sinasaktan siya ng Daddy niya? Bakit hindi ko ito alam. Kahit noon ay magkakasama kami. Pero wala siyang kinukwento sa akin tungkol dito.

My Spoiled Brat, My Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon