Chapter 30 Jealous Girlfriend

168 15 37
                                    

Stacey's POV

Walang nagsalita sa amin ni Jake habang nasa biyahe. Mainit ang ulo ko ngayon dahil doon sa Irish na iyon. Sino ba siya? Ang kapal ng pagmumukha ng babaeng iyon na sabihan ako mismo sa harapan ko na hiwalayan na ako ni Jake.

Kanina napapansin na ni Jake ang panlilisik ng mga mata ko sa babaeng iyon. Kaya minabuti na iuuwi na niya muna ako.

"Babe magsalita ka naman oh?" natigilan ako ng nagsalita si Jake sa akin. Inihinto niya ang kotse at ibinaling ni Jake ang attensyon niya sa akin.

"Babe, please okay ka lang?" aniya. "Ako? Oo okay lang ako. Okay lang talaga ako tss!" dismayang wika ko.

"Hindi ko talaga matatangap yung narinig ko na sa States ka pala mag mamasteral." dugtong ko pa.

"Babe please, listen to me. Honestly totoo iyon na doon talaga ako sa States magmamasteral." aniya. "Hmmm bakit hindi mo sinabi sa akin noon pa? Bakit sinabi mo dito ka magmamasteral? Ako ba pinagloloko mo?" masungit na wika ko.

"No, of course not. Hindi kita niloloko. Totoo na doon sana ako sa States, pero bigla nagbago ang decision ko. I have two reasons kung bakit Stacey," seryosong wika niya.

"Okay now tell me ano iyon," malamig na wika ko. "My first reason is dahil gusto ko bantayan si Daddy dito, may sakit si Dad sa puso, at si Mommy Cyril naman hanggang ngayon hindi pa rin siya tanggap nila Lolo at Lola. Kaya gusto ko na dumito nalang ako para bantayan sila," aniya hinawakan niya ang kamay ko.

"Hmmm my second reason is because of you Stacey," dugtong niya pa na kinatigil ko. "Naalala mo nung pinarusahan kita? Sabi mo gusto mo na ako grumaduate para di mo na ako makita. Doon palang nag-isip na ako ng something way para inisin ka. Sinabi ko na dito ako magmamasteral sa Pilipinas, Pero ang totoo yung way na iyon, sineryoso ko na. Naisip ko na gusto ko mabantayan ang mga magulang ko at siyempre gusto din kita mabantayan palagi," dugtong niya pa.

"Hmmm totoo ba iyan sinasabi mo? Eh bakit hindi mo sinabi sa akin na ex-girlfriend mo pala ang Irish na iyon," masungit na wika ko.

"Teka bakit ko pa ba sasabihin iyon? Past is past. Hindi na ako nag-uungat ng mga past ko, at tska Stacey childhood friend ko lang iyon, ang mahalaga ay tayo Stacey," sincere na wika niya agad hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"Huwag ka na magalit please, Babe," pagsusumamo niya sa akin. "Hmmm okay Babe, I'm sorry. Kung mainitin ang ulo ko kanina. Hmmm hindi lang kasi ako sanay na ginaganon ako. Alam mo naman na warfreak ako kapag nagagalit," ani ko ngunit natawa naman ito sa akin.

"Hahaha okay lang na warfreak ang mahalaga mahal ko," malambing na wika niya. Kinilig ako sa sinabi niya sa akin.

"Tss Jake tss tama na nga sa pagiging mais mo!" asik ko. "Hahaha okay lang sweetcorn naman aminin? Hehehe," natatawang wika niya.

"Hmmm oo na! Hay nako tss kung hindi lang kita mahal, binatukan na kita," asik ko. "Hahaha wow kahit nga mahal mo ako, binabatukan mo pa rin ako eh! Bugbug na nga tong katawan ko sayo, kakahampas. Kakahampas kapag kinikilig ka sa mga banat ko ayieeee!" pang-aasar niya agad kiniliti naman ako ng loko sa tagiliran ko.

"Haha  hoy Jake ano ba! Tama na huy!" natatawang wika ko pero di pa rin paawat ang loko sa akin.

"Jake stop!" pagsasaway ko tumigil na din ito sa pangkukulit sa akin.

"Hehehe okay okay, sige bukas maghanda ka. Dahil bakasyon na ngayon, magbebeach tayo kasama sina Benedict," aniya. "Ah kasama pati sina Harieth?" pagtataka ko.

"Oo kasama silang lahat hehe, ayaw mo 'yon para naman makajamming mo rin sila," aniya. "Hmmm Babe nahihiya ako eh, pwede huwag nalang," nababahalang wika ko.

My Spoiled Brat, My Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon