Chapter 44 Both Worlds

78 8 47
                                    

THIRD PERSON's POV

Lumipas ang mga ilang buwan ay pinagpatuloy pa rin ni Stacey ang kanyang pag-aaral kahit nagdadalang-tao ito. Simula na matapos ang hidwaan nila ng dati niyang mga kaibigan, ay naging tahimik na rin ang kanilang pamumuhay.

Kung dati-rati ay palagi may nagaganap sa kanilang awayan ay ngayon ay naging kalmado na ito. . .

Exterior. Open Space. School bench.

Nasa bench ng school sina Jena, Stacey at Aezel. Habang nagpapahangin sila ay napansin ni Jena na lumalaki na ang tiyan ng kanyang kaibigan na si Stacey.

"Stacey! Mukhang habang tumatagal lumalaki na ang baby mo ah!" masiglang wika ni Jena kay Stacey.

"Shunga ka natural alangan man paliit ang bata loka lang ang peg?" pangbabara naman ni Aezel sa kanyang kaibigan. "I'm so excited na makita si baby boy! Yieee may inaanak na ako,"

"Hehe kayo talaga pero mamimiss ko kayo kasi magmamaternal leave na ako by nextweek," sabi ni Stacey sa kanila.

"Hmmm oo nga eh sabagay magsisix months ka na buntis, kelangan mo na din magrest. Pero paano pag-aaral mo? Remember second semester na ngayon ang daming mga research paper sa atin tss," pagrereklamo ni Jena.

"Hmmmm homework ako mga bes, tska don't worry hindi naman ako pababayaan nila Harieth eh," malumanay na wika ni Stacey sa kanila.

"Hmmm sabagay simula na lumapit ka sa grupong Team Sakalam ay napapansin ko ay nagiging close ka na sa grupo nila ah," sabi ni Jena sa kanya.

"Hmmm what anong team Sakalam? Hindi kita magets?" nagtatakang tanong ni Stacey.

"Hahahha ay hindi mo ba alam ang tawag sa grupo nila Harieth, ay team Sakalam, kasi nga astig silang grupo, gusto ko sana sumali sa kanila, kaso sabi sa akin ni Papa Joshua, for exclusive person lang daw sila." malahad na wika ni Jena.

"Teka teka so ibig sabihin kasali na ba ako sa grupo nila. Hindi ko alam yun ah? Wait! Ano ba ibig sabihin ng Sakalam?" pagtataka ni Stacey sa kanila.

"Tss di mo naman gets eh! Sakalam means Malakas! Baliktarin mo lang sila lang daw ang malakas hehehe," natatawang wika ni Jena.

"Nyek! Sino naman nagpangalan ng grupo na iyon ang korney naman,"

"Hahaha eh di ano pa si Kurt Dela Cruz yung kaklase natin na happy-go-lucky person," pagsasabat naman ni Aezel.

"Ah ganon ba hehe nakakatuwa naman isipin. Team Sakalam na pala ako," malumanay na wika ni Stacey maya pa ay dumating sina Harieth at Sam sa pwesto nila.

"Stacey, kumusta ka na?" magiliw na wika ni Harieth kay Stacey. "Ayos naman ako Harieth, heto mukhang lumalaki na si baby eh, sumisipa na nga eh hehehe,"

"Talaga? Pwede parinig naman!" pagsasabat ni Sam. "Ah eh pwede naman kaso hindi pa siya sumisipa ngayon. Sabihan ko kayo kapag sumisipa na hehehe," ngiting wika ni Stacey sa kanila.

"Stacey, pwede ba yayain ka namin ngayon sa mansion maglunch. Tutal wala naman tayo pasok mamayang hapon. Tska para makapagjamming naman tayo sa pag-gawa ng research paper natin," sabi ni Harieth kay Stacey.

"Ah sure no problem! Gusto ko na din nga makapunta sainyo eh," nanabik na wika ni Stacey. "Alright! So jamming tayo mamaya sa mansion, pupunta din kasi sina Kurt, Gail at Joshua doon," pagsasabat naman ni Sam.

"Eh di wow ayos ah, gusto sana namin sumama eh kaso kelangan kami nila nanay sa mansion haays," naghihinayang na wika ni Jena.

"Hehehe nextime nalang mga girls, so paano ba yan hali ka na Stacey, sumabay ka nalang sa van namin. Ihahatid ka din namin pag-uwi mo," sabi sa kanya ni Harieth.

My Spoiled Brat, My Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon