Chapter 21 Defensive

111 15 81
                                    

Stacey's POV

Lumipas ang mga ilang araw hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa aking isipan ang nangyari. Bakit ko ba nararamdaman ito na apektado ako sa mga nangyari.

Dati- rati naman hindi naman ako ganito na basta basta lang nagpapaapekto. Ang masakit sa lahat yung mga tinuring mong kaibigan, simula noong high school kayo, iniwan ka.

Hindi lang iniwan kundi trinaydor ka pa at iyon ang masakit sa lahat. Napansin ko hanggang ngayon hindi pa rin ako pinapatawan ng diciplinary actions ni Jake.

Nakakapagtataka naman I expected na may ibibigay nanaman siyang task sa akin. Ngunit hanggang ngayon wala pa rin ako naririnig na task sa kanya. Hindi din siya nagpapakita sa akin nowadays.

Paparusahan pa ba ako ng lalakeng iyon? O baka nakalimutan na niya ako? Hmmm mabuti na siguro ang ganon. Ayoko pa naman siya makausap, masama pa rin ang loob ko sa kanya.

Nakahiga lang ako sa kama ko, sabado ngayon at wala kaming pasok. Natigilan ako ng biglang may kumatok sa labas ng pintuan ko.

"Stacey anak, gising ka ba?" pagtatawag ni Mommy sa akin.

"Bakit?" masungit na wika ko. "May naghahanap sayo sa ibaba ng sala," aniya agad bumangon ako at pinagbuksan ko ng pintuan si Mommy.

"Who?" matipid kong sambit. "Ahmm andito ang Mr. President ng student council niyo anak," aniya na kinamilog ng mga mata ko.

"What?! Anong ginagawa ng gago na iyon dito?" gulat na wika ko. "Hmm hindi ko alam anak eh, mabuti pa puntahan mo nalang," aniya napakamot naman ako ng ulo.

"Anak may problema ba kayo ng taong iyon?" pagtataka niya. "It's not about your business Mom," malamig kong wika nilagpasan ko ito at nagtungo ako sa ibaba.

Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko si Jake kausap niya si Daddy. Masaya ang dalawa na nag-uusap.

"Oh anak andito ka na pala, andito si Jake na kaibigan mo. Hindi ko aakalain na kaibigan mo pala siya," masayang wika ni Daddy sa akin.

"Uh? Kaibigan? Sinong kaibigan Dad? Wala akong kaibigan dito? Hindi ko iyan kaibigan," masungit na wika ko.

"Wow grabe naman sa hindi kaibigan, hehehe huwag oh kayong maniwala diyan, nag-iinarte lang oh iyan, you know what Tito alam mo na great pretender iyan, may balak ata mag apply sa viva films, hahahahha," natatawang wika ni Jake kay Daddy.

Inikutan ko nalang ito ng mga mata ko napansin ko ang saya ni Daddy kapag kausap niya si Jake. Ngayon ko lang nakita si Daddy naging jolly, hindi katulad noong mga bata pa kami ni Stephanie.

"Hahaha you know what hijo, I like you, sana ikaw nalang makatu—," I cutted him off.

"Dad? Pwede iwan niyo nalang kami? Baka may pag-uusapan lang kami, matters of my punishments. Alam ko naman eh, na doon naman hahantungan ito," mataray na wika ko.

"Oh sige anak, ikaw na bahala sa bisita mo ah?" malumanay na wika ni Daddy tumayo na ito at umalis na.

Naiwan nalang kami ni Jake dito sa sala. Tinignan ko nalang ito ng malalim while crossing my arms.

"Oh napadalaw ka?" mataray na wika ko sabay upo sa sofa namin. "Hmmm kumusta ka? I'm sorry kung hindi—," I cutted him off.

"No, it's okay, sanay naman ako na ghinoghost ako? Sanay naman ako na iwan sa ere," malamig kong wika.

"Regarding sa mga nangyari, sorry kung pinaramdam ko sayo na ang sama sama mo," aniya napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Hahaha, yun lang ba ang sasabihin mo? Alam mo ang galing mo din nuh? Matapos mo ako pakitaan na tunay ka sa akin, tapos sa huli bibitawan mo rin pala ako, asan ka nung kelangan kita?" naiinis kong wika.

My Spoiled Brat, My Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon